Chapter 23

974 39 0
                                    

"Bakit ngayon mo lang ako inuwian, Nini?"

Nagulat ako na may bigla na lamang yumakap sa akin mula sa likuran. Kabisado ko na ang amoy niya. Isang linggo na rin akong nangungulila sa boses niya, sa yakap niya, sa kanya.

Humarap ako sa kanya.

"I'm sorry. Hindi na mauulit. Hindi na mauulit. Please, 'wag ka nang aalis. 'Wag mo na ulit akong iiwan ha," nananatili pa rin siyang nakayakap sa akin habang umiiyak. Dinig na dinig ko ang bawat paghikbi niya.

Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko alam na ganito pala ang magiging epekto sa kanya. Mabuti na lamang at patay ang ilaw. Ayaw kong makita siya sa ganitong estado. Baka bumigay na naman ako.

"Miss na miss kita," sabi niya habang nakayakap at umiiyak.

"Kung alam mo lang, halos mabaliw na ako kahihintay sa 'yo, akala ko hindi mo na ako babalikan. Akala ko tuluyan mo na akong iiwanan."

Anong ginawa ko?

Bigla na lamang siyang nabuwag at pareho kaming bumagsak sa sahig. Nakatulog na siguro siya habang nakayakap sa akin. Mabuti na lamang at hindi nabagok ang ulo namin. Kahit mabigat ay pilit ko siyang binuhat papunta sa kuwarto.

Binuhay ko ang ilaw. Doon ko pa lamang napagmasdan ang mukha niya. Para siyang tumanda ng ilang taon. Maga ang mga mata niya at halos maitim na ang ilalim nito. Hindi na yata siya natutulog. May maliit siyang sugat sa may labi at ganoon din sa magkabilang kamao niya. Mukhang sariwa pa ang mga sugat na iyon. Parang nadudurog ang puso ko sa nakikita ko.

Nakipag-away ba siya?

Kinumutan ko siya at saka marahan akong lumabas ng kwarto. Binuhay ko ang ilaw at tumambad ang mga bote ng alak na walang laman. Buong linggo ba siyang umiinom? Akala ko pumapasok siya sa trabaho. Wala na rin ang mga pusa niya rito. Iniisip ko kung saan niya muna ito dinala. Baka kina Seul?

Isa-isa kong pinulot ang nakakalat na bote at inilagay ito sa case. Dawalang case? Tinutubig niya ba 'to? Parang gusto ko siyang gisingin sa bugbog. May upos din ng sigarilyo na nakakalat sa sahig. Hindi naman siya naninigarilyo. Nagsama yata siya ng ibang tao rito.

Gabing-gabi na pero naglilinis pa rin ako ng mga kalat niya. Pagkalipas ng isang oras nakakita na rin ako ng liwanag sa condo naming muntik nang maging basurahan sa sobrang kalat. Panandalian ako naupo para makapahinga. Himbing na himbing pa rin si Lisa. Bumalik ako sa kuwarto para tumabi sa kanya.

Na-miss ko ang amoy niya. Sumiksik ako sa likuran niya.

Ano bang gayuma ang ipinainom mo sa akin?

"W-wag kang lilingon," pakiusap ko.

"P-pero gusto kitang yakapin," tugon ni Lisa.

"Ayaw kong makita mo akong umiiyak," hinawakan ko siya sa magkabilang balikat upang hindi siya makaharap sa akin.

"Gusto kitang makita, umiiyak man o tumatawa. Malungkot o masaya. Gusto kong makita ang lahat ng tungkol sa 'yo, kung hahayaan mo lang sana ako," tuluyan na siyang humarap at niyakap ako nang mahigpit.

Hindi napigilan ang sarili ko. Umiyak ako nang umiyak hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

May mga umagang hinahanap-hanap ko ang amoy ni Lisa, ang boses niya, ang ngiti niya, ang lahat sa kanya. Natatakot akong baka hindi ko na siya mapakawalan pa. Ayaw kong isipin ang bukas, ayaw ko mamuhay sa mga takot. Gusto kong sulitin, piliing maging masaya sa bawat araw na kasama ko siya. Habang hindi pa siya binabawi sa akin ng tadhana. Habang ipinahihiram pa siya sa akin. Habang akin pa siya. Gusto kong maging makasarili. At oo, ngayon ko pinipiling maging makasarili.

Uncover [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon