Chapter 29

976 39 3
                                        

"Lis, nakita mo ba 'yung maliit na paper bag dito sa closet?"

Nahihilo na ako kahahanap sa paper bag na 'yon pero wala talaga akong makita. Dito ko lang 'yon inilagay, hindi ako maaaring magkamali.

"Wala akong nakikita," tugon niya.

Hindi 'yun puwedeng mawala. Balak ko nang mag-propose kay Lisa. Papalitan ko na ang singsing na naiwala niya.

"Bibili na lang tayong bago," dagdag nito.

Hindi puwede, ako ang gumawa niyon.

Naghahanda kami ng gamit na dadalhin papunta kina Chae. Hindi ko alam kung anong okasyon, may malaking announcement daw siya at gusto niyang kami ang unang makaalam.

Masyado siyang abala nitong mga nakaraang araw, halos hindi na kami nagkakausap maliban sa trabaho. Hindi ko na rin naman pinansin pa. Baka marami lang siyang iniisip. Kapag tinatawag ko siya hindi siya tumutugon. Napapadalas ang pagtulala niya. Siguro makakatulong din itong pagpunta namin sa kanila para ma-relax ang isip niya.

"Magtatagal ba tayo ro'n?"

"Three days lang."

Ngayon lang makakarating si Lisa kina Chae, sa totoong bahay ni Chae.

"Paano ang trabaho mo?"

"Nandoon naman si Wendy, kaya niya naman," tugon ko.

"I don't trust her."

Napalingon ako sa kanya. Knowing Lisa? Hindi siya basta-basta nagsasalita laban sa ibang tao nang walang basehan.

"And why is that?"

Nagkibit-balikat na lamang siya at itinuloy na ang aayos ng mga gamit.

Isang maleta na lang ang dinala namin ni Lisa. Kasya na naman lahat ng gamit namin doon.

Ibinaba na namin ito at nag-drive na kami papunta kina Chae. Kung tutuusin hindi naman namin kailangang magdala ng damit. Puwede naman kaming umuwi, kaya lang ayaw ni Chae. Kailangan din daw namin ang pahinga.

"Gusto mong matulog?" tanong ni Lisa.

Sanay na sanay na siya na natutulog ako sa tuwing nasa biyahe. Hindi ko rin alam, automatic na bumibigat ang talukap ng mga mata ko kapag nasa sasakyan ako. Para akong hine-hele.

"Nope. Gusto kong makita ang daan. At isa pa hindi mo alam kung paano makakarating do'n."

"May Waze po."

"Kahit pa."

Baka maligaw pa kami, kahit naman ibinigay ko na ang address nina Chae iba pa rin kapag gising ako. Mas reliable yata 'to kaysa waze.

"Jen, wake up. Nandito na tayo."

Nagising ako sa pagtawag ni Lisa.

See? Super reliable.

"Sorry," tipid kong turan.

"Okay lang, inaasahan ko na 'yan." Hinalikan niya ako sa noo bago tinanggal ang seat belt ko.

Naunang bumaba si Lisa para kuhanin ang dala naming maleta. Nag-doorbell ako at tamang-tamang si Chae ang sumalubong sa amin. Mukhang gulat na gulat siya.

"Para kang nakakita ng multo, Hubby."

"S-sorry, pasok na kayo."

Minsan lang uwian ni Chae ang bahay nila. Kapag gusto niya lang ng break sa trabaho. O di kaya'y may gustong i-celebrate. Pero mukhang hindi siya natutuwa sa pagdating namin. Hindi ba't siya ang nag-invite sa amin?

Uncover [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon