Friday to Saturday ang schedule ko ng meeting tapos sunday morning nasa Manila na ulit ako. Ngayong gabi lang kami puwedeng mag-date ni Kai kaya halos minadali ko na ang meeting with the investors. Plano kasi naming mag-extend ng business dito sa Japan. Tamang-tama naman na may mga nakilala akong investors dito dahil na rin sa pag-attend ko sa mga fashion week.
Huling meeting na bukas. Mag-o-overnight na lang kami ni Kai ngayon sa bahay at pagkatapos ng meeting niya bukas magkikita na lang ulit kami bago ako bumalik sa Manila. Ako na yata ang pinakamasuwerteng babae ngayong ayaw. Na-close ko ang deal, ang dami kong na-accomplish.
Nag-message ako kay Chae para sabihin ang itinakbo ng meeting at tuwang-tuwa naman siya. Sinabihan ko na rin siya na 'wag na muna niya akong tatawagan or ite-text dahil kasama ko si Kai at ayaw kong maaabala lalo na kung hindi naman mahalaga. Hindi ko naman kailangang magpaliwanag pa kay Chae dahil alam naman niya lahat. 'Yon nga lang, ayaw niya kay Kai. Hindi ko sila maintindihan bakit ayaw nila rito. Lahat na yata ng magandang katangian ng isang lalaki ay nasa kanya na. Siya kaya ang Romeo ko. Kung igawa ko kaya siya ng video ng Romeo save me? Napatawa naman ako sa naiisip ko at doon sa Romeo save me. Love Story kasi ang title niyon, nakakaiyak kayong mga Romeo Save Me kayo.
Nag-message ako kay Kai. Baka kasi hindi pa rin siya tapos sa meeting niya.
"Babe, i'm done. Saan tayo magkikita? Gusto mo ba puntahan na lang kita sa office mo?"
"No! It's fine. Ako na ang pupunta sa 'yo. Saglit na lang 'to ha. Patapos na rin naman ang meeting. I love you."
"Okay. Nandito lang ako sa tagpuan natin. Same place, Babe. I love you more."
Naupo na lang din ako sa paborito naming café ni Kai. Paborito ko kasi talaga ang kape. Napakapayapa rito, walang ganoong ingay unlike sa Manila. Pakiramdam ko miss na miss ko na ang Manila. Puro na lang ako Manila, Manila, Manila. Nag-order na lang din ako ng kape at matiyagang hinintay si Kai. 6:00 PM na, siguro naman bago mag-7:00 PM nandito na siya.
Nag-check ako ng phone. Nakapagtataka naman yata. Maghapong walang paramdam si Lisa. Hindi naman sa hinahanap ko ha. Nakakapanibago lang talaga.
Isang beses ka lang nai-text akala mo naman mahalaga ka na, Jennie.
Siguro sobrang busy niya talaga. Paano kaya kami sa Sunday. Sabi niya siya na raw ang bahala pero Friday na wala pa rin siyang ginagawa para hindi matuloy ang engagement namin. Wala namang problema kung matuloy kasi hindi pa naman kasalan 'yon. Ang iniisip ko lang masyadong maraming makakaalam at 'yun ang iniiwasan ko.
Naubos ko na ang kape pero wala pa ring Kai na dumarating. Nagugutom na rin ako. Kape lang kasi halos ang laman ng tiyan ko at gusto ko nang makatikim ng totoong pagkain. Gusto ko nang umuwi para makapagluto.
Time's up, Kai! Pinasama mo na naman ang loob ko.
"Kai, uuwi na ako. Kanina pa kitang hinihintay rito. Sabi mo saglit ka lang pero anong oras na. Kung busy ka puwede mo namang sabihin. Maiintindihan ko naman pero 'wag naman 'yung ganito."
Nag-message ako sa kanya at lumabas na rin ako ng Café. Pasakay na sana ako sa sasakyan nang biglang may yumakap mula sa likuran ko.
"I'm sorry, Babe," narinig ko pa lang ang boses niya parang napawi na kaagad ang galit na nararamdaman ko.
Humarap ako sa kanya para gumanti ng yakap. "Bakit kasi ngayon ka lang?"
"Sorry na ha. Teka may kukuhanin lang ako sa sasakyan," bumitaw siya sa pagkakayakap at nagtungo sa kanyang sasakyan. Bumalik siya na may hawak na isang bouquet ng bulaklak.
"For you, I know this is your favourite. I miss you, Babe." Tinanggap ko ang bulaklak at nginitian siya.
"This is not my favourite," bulong ko sa sarili.
BINABASA MO ANG
Uncover [COMPLETED]
FanfictionAt sa puntong inaakala mong natagpuan mo na ang pag-ibig na matagal mo nang hinahanap, biglang darating ang pagkakataong hindi mo inaasahan. Nakahanda ka bang makipaglaban o magpaparaya na lamang?