Chapter 20

1K 44 2
                                    

"Happy birthday, Nini," nagulat ako pagkapasok ko sa condo ni Lisa. Halos nasa labi ko na ang confetti na pinaputok nila. Hindi ko naalalang birthday ko nga pala ngayon. Akala ko talaga napano na si Lisa.

Tumingin ako kay Chae at sumenyas na lumapit siya sa akin.

"Aray," reklamo niya matapos ko siyang kurutin sa tagiliran.

"Pinag-alala mo ako," sabi ko.

Lumapit sa akin si Lisa at niyakap ako.

"Happy birthday, Expensive. I'm sorry, promise hindi na mauulit. Hindi na kami iinom ni Seul. Magsisimula ulit ako," sabi niya sa pagitan ng yakap.

"Okay, okay, sabi mo 'yan ha," paninigurado ko.

Umagwat siya pagkatapos ay ngumiti.

"Promise 'yan," itinaas niya ang ring finger niya at hinawakan niya rin ang ring finger ko para pagdikitin ang dulo nito.

"Ano naman 'tong pauso mo, ha, Lisa?"

Akala ko naman pinky promise ang gagawin niya.

Ngumiti muna siya bago napakamot sa ulo.

"A, e," hindi niya alam kung paano ipaliliwanag. Para siyang pusang naiihi na parang ewan.

"I o u?" dugtong ko na nakapagpatawa naman sa kanya.

"Gutom na ako," reklamo ni Chae.

Oo nga pala, nandito siya. Huminto kasi ang mundo ko, akala ko kami lang ang tao rito.

Ew. Napaka-korni.

Hindi na ako nagtataka kung bakit si Chae lang ang nandito. May tampuhan na naman yata sila ni Jisoo. Sayang naman, balak ko pa sana siyang ipakilala kay Lisa. Pero 'di bale marami pa namang pagkakataon.

May HAPPY BIRTHDAY, Love na nakadikit sa dingding. May mga ilan ding lobo at syempre, pagkain. Alam ko namang iyon lang ang ipinunta ni Chae rito.

"Si Jisoo, nasaan?" tanong ko.

"Ha?" sagot ni Lisa na nagulat yata sa tanong ko.

"Si Chae ang tinatanong ko, Lis, ano namang kinalaman mo kay Jisoo?" tinawanan ko lamang siya. Mas lutang pa yata siya sa akin a.

"Busy raw siya, Jen. May tinatapos pa sa office," tipid na sagot ni Chae.

"Napapadalas na yata ang pagka-busy niya a. Gusto mo bang kausapin ko na?" sabi ko.

Lumapit ako sa kanya. Napakapatay-gutom talaga. Una niyang kinain ang chicken at spaghetti. Simpleng selebrasyon lang naman ito. Tulad nga ng sinabi ko, nakalimutan ko na. Nasanay na kasi ako na palaging late ng isang araw ang birthday ko. Binabati ako nina Mommy isang araw makalipas ang totoo kong birthday. Hindi ko nga sila maintindihan, hinayaan ko na lang. Si Chae lang ang nakakaalam ng birthday ko at syempre si Lisa.

"No need, Jen. Alam naman niya siguro ang ginagawa niya," naging seryoso ang tono ng pananalita niya. Iniba ko na lamang ang usapan para mabawi ang mood niya.

"Kain ka lang nang kain, Chae the Chip. Ayan oh, may pizza pa. Kain lang kahit hindi pa ako nakakapag-wish," natatawa kong turan.

Pilit na ngiti lang ang naging tugon niya. Pagkatapos kumain ay nagpaalam na rin siya ng pag-alis. Nag-message na raw kasi si Jisoo, nasa condo na raw siya. Nakakapagtampo lang na hindi man lang niya ako binati o sana man lang ay dumaan siya rito.

"Isang ngiti naman diyan. Birthday na birthday pero nakasimangot," sabi ni Lisa.

"Paano mo nalamang birthday ko?"

"Syempre, sinabi ni Chae," sagot niya bago ako niyakap.

Napapadalas yata. Baka masanay na ako niyan.

"Thank you, Lisa. Thank you para dito," gumanti ako ng yakap. Sumiksik ako sa leeg niya, parang gusto ko na lamang tumira dito at mamuhay bilang isang leeg stan.

"Teka, hindi pa tapos," bumitaw siya sa pagkakayakap, pumasok siya sa kuwarto at basta na lamang ako iniwan.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko paglabas niya. May tangan siyang isang boquet ng bulalak. Hindi Daisy, Tulips. Muli siyang lumapit sa akin at ibinigay ang hawak niyang bulalak.

"Para saan pa ito?" hindi ako iyakain. Ayaw kong umiyak.

"Para sa 'yo," tipid niyang tungon.

Tatlong salita lang pero parang mahuhulog na ako.

Umurong yata ang dila ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. I mean, I love you na ba kaagad? Kidding.

"A-alam ko, magulo ang naging simula natin p-pero," nauutal pa siya habang nagsasalita.

"Pero?"

"P-pero dati pa lang mah--"

Tumunog na ang phone niya bago pa siya makatapos sa pagsasalita.

"Sandali lang," sabi niya bago bumalik sa kuwarto.

Seriously? Kailangan pa talagang sa kuwarto makipagtawagan? At isinara pa niya ang pinto ha. 

Naupo na lamang ako sa couch at hinintay siyang makatapos makipag-usap.

Ito na naman ang pakidam na para akong lumulutang sa ere. May dalawang payat ba braso na bumubuhat sa akin. Gusto ko mang imulat ang mga mata ko ay hindi ko na magawa. Masyado na itong pagod at nais na lamang magpahinga.

"Sleep well, Jen-jen, happy birthday," bulong ni Lisa bago ako ibinaba sa kama, hinubaran ng sapatos at kinumutan.

Nakatulog na pala ako sa kahihintay sa kanya. Hindi na rin pala ako nakapagbihis.

"Alam mo ba kung bakit Tulips?" Hinawi niya ang mangilan-ngilang hibla ng buhok na nakakalat sa mukha ko.

"Tsaka ko na sasabihin kapag handa ka na at handa na ako," isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya.

Nanatili akong pikit habang pikakikiramdaman ang mga ginagawa niya.

"Mahal ko siya, mahal na mahal," narinig kong sabi ni Lisa. Marahan kong iminulat ang mga mata ko para makita ko siya. May kausap siya sa cellphone.

Naramdaman ko na lamang ang biglaang pagkabasa ng mga mata ko at paninikip ng dibdib ko. Parang may matutulis na karayom na basta na lamang tumusok dito. Sana'y hindi na lang ako nagising para hindi ko narinig ang mga narinig ko.

Naramdaman kong papalapit na siya kaya nagpanggap akong natutulog.

"Sleep well, My Jennie. I'll protect you whatever it takes," marahan niya akong hinalikan sa noo at tumabi siya sa akin.

Bumibigat na ang talukap ng mga mata ko at wala nang dahilan para paglabanan pa ang antok na nararamdaman ko. Nais kong magpakalunod na lamang sa mga panaginip. Ayaw ko na ng ganitong pakiramdam.

Mahal kita...

•••

Short update. Gusto ko lang sabihing ang hirap pala kapag iisang point of view lang. Sumasakit utak ko. Hahaha. Kunwari nag-iisip ako.

May COMEBACK NA. BABALIK AKO AFTER 6.26.2020

Uncover [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon