"Sigurado ka na ba rito?" tanong niya.
Isa-isa kong inilagay ang mga damit ko sa maleta.
"Kailan ba ako naging hindi sigurado?"
Pumasok ako sa banyo at kinuha ang toothbrush ko. Napangiti ako nang mapakla. Mawawalan na ng kapareha ang toothbrush na dilaw. Sigurado akong malulungkot siya.
"Minahal mo ba ako?"
Hindi ako handa sa maaari niyang maging sagot. Hindi naman dapat ako nasasaktan nang ganito, hindi ba?
"Kailan ba hindi?"
Tanong ang naging sagot niya sa tanong ko. Ganoon ba talaga kahirap sabihing baka kahit minsan minahal niya ako?
"Ngayon."
Naupo ako sa gilid ng kama habang pinipigil ang pag-iyak. Hindi ko inaasahang ganito kabigat ang pakiramdam ng paglisan. Paano ko magagawang umalis kung ito na ang itinuring kong tahanan. Kung si Lisa na ang aking tahanan.
"M-maha--"
"Wag! Hindi mo na kailangang sabihin pa 'yan."
Hindi na mapipigilan ng salitang mahal kita ang pag-alis ko.
"P-pero..."
"Tama na, Lisa. Pagod na akong makipaglaro."
Pagod na pagod na ako. Hindi mo alam kung ilang gabi akong hindi nakatulog kaiisip sa 'yo.
"May totoo ba sa mga ipinakita mo? Sa mga ipinaramdam mo?"
Sabihin mo namang oo.
"Lahat 'yon totoo, Nini."
Nini. Nakasisiguro akong hahanapin ko 'yan araw-araw. Na hahanapin kita araw-araw. Ang boses mo, ang mga mata mo, ang pag-aalaga mo, ang lahat sa 'yo. Pero hindi na ako makababalik. Wala na akong babalikan.
"Magiging masaya ka ba sa pag-alis ko?"
"Hindi mo kailangang umalis. Kung ayaw mo akong makita ako na lang ang aalis."
Lumapit siya sa akin. Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko pero mabilis kong naiiwas ito.
Natatakot akong sa oras na mahawakan niya ang kamay ko ay hindi ko na gustuhing pakawalan pa siya. Ayaw kong maging makasarili.
"Jen, please..."
Lumuhod siya at mabilis na nahawakan ang kamay ko.
"W-wag mo akong iwan..."
"H-hindi ko kaya."
Nadudurog akong makita siya sa ganitong sitwasyon pero wala akong magagawa.
"Naniniwala akong natagpuan mo na ang matagal mo nang hinahanap."
Iniangat ko ang ulo niya at marahang pinahid ang mga luhang kanina pang nag-uunahan sa pagpatak sa magkabila niyang pisngi.
Parang may nakabarang matigas na bagay sa lalamunan ko na nagpapahirap sa akin sa paghinga.
"Be happy, okay?" Hinalikan ko siya sa noo.
"Jen..."
"Mahal na mahal kita..."
Hinawakan niya ang magkabila kong kamay at hinalikan ito.
"I'll do anything. 'Wag mo lang akong iwan."
"Sapat nang nakasama kita, Lisa. Ang gusto ko lang ay maging masaya ka."
"P-pero paano ako magiging masaya kung iiwan mo ako."

BINABASA MO ANG
Uncover [COMPLETED]
FanfictionAt sa puntong inaakala mong natagpuan mo na ang pag-ibig na matagal mo nang hinahanap, biglang darating ang pagkakataong hindi mo inaasahan. Nakahanda ka bang makipaglaban o magpaparaya na lamang?