Chapter 26

930 43 3
                                    

Walang araw na hindi ako nangangamba na baka paggising ko wala na siya. Na baka alam na niya ang totoo at basta na lamang niya ako iwan. Maraming takot na bumabagabag sa akin at hindi ito matatapos kung hindi ko ito haharapin.

Nagpaalam ako kay Lisa na may aasikasuhin lang ako tungkol sa business pero ang totoo umuwi ako kina Mommy.

Mabuti na lamang at nadatngan ko pa sila sa bahay.

"What brought you here, Anak?" tanong ni Dad pagkakita sa niya sa akin.

Yumakap ako at humalik sa kanya.

"Where's mom?" pumasok ako sa loob. Naghahanda pala ng pagkain si Mommy. Tama lang ang dating ko sa almusal nila. Medyo late na rin silang mag-almusal a.

"Oh, Jen. Nandito ka pala," lumapit ako sa kanya at hinagkan ko rin siya.

"Nag-drop by lang, Mom. Uuwi rin po ako agad," sagot ko.

Tamang-tama, sumabay ka na muna sa aming mag-almusal.

Naupo ako at nag-umpisa na kaming kumain. Na-miss ko rin ang ganitong buhay. Na-miss ko sila.

"So kumusta naman ang anak namin?" tanong ni Mommy.

Ano bang dapat kong isagot?

Nalilito? Nasa'n nga ba ako? Kidding.

"Same old times, Mom," tipid kong tugon.

"Anong same old times," kumunot si Mommy.

"Okay lang ako, Mom. Marami lang pong trabaho pero kaya naman," ngumiti ako bilang paninigurado.

Okay lang naman talaga ako. Marami lang gumugulo sa isip ko.

"Mom, may insidente ba na na-aksidente ako noong bata pa ako?" pagsisimula ko.

Ito talaga ang pakay ko rito, ang alamin ang buong katotohanan. May mga gabing nananaginip ako. Magulo ang bawat panaginip ko. May bangka, may mga tao. Nagkakagulo sila, nagsisigawan, may umiiyak.

Tumikhim muna si Dad bago sumagot.

"Bakit mo naman natanong, Anak," sagot ni Dad bago tumingin kay Mommy.

"Wala naman po, Dad. Baka lang na-aksidente ako at may mga alaala ako na hindi ko maalala," sabi ko.

"Hindi ka p--"

Napahinto sa pagsasalita si Mommy nang biglang nagsalita si Daddy.

"Oo, n-noong bata ka pa na-involve ka sa isang car accident," sabi ni Dad.

Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan. Nag-aalala lang pala ako sa wala.

Ibig bang sabihin nito malaya na akong mahalin si Lisa? Maaari ko na bang sabihin sa kanya na pareho kami ng nararamdaman sa isa't isa? Pero hindi pa ito ang tamang panahon ng pag-amin.

"B-bakit bigla mong naitanong, Jen?" sabi ni Mommy.

"Wala naman po, may gusto lang akong kumpirmahin," sagot ko at saka ipinagpatuloy ang pagkain ko.

Pansin kong nagkakatinginan ang mga magulang ko na para bang nag-uusap sila kahit hindi nagsasalita. At wala akong panahon para pansinin kung anuman iyon.

"How's Lisa?"

"She's doing great, Mom," sagot ko.

"Mabuti naman anak, i-kumusta mo ako sa kanya ha. Sabihin mo dalawin naman niya kami rito," may halong pagtatampong wika ni Mommy.

Matagal-tagal na rin nga pala noong huling dumalaw si Lisa rito.

"I'll tell her, Mom. Don't worry," sagot ko.

Uncover [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon