Chapter 24

1K 42 6
                                        

"Na-miss ko ang condo mo," sabi ni Chae pagkahiga sa kama.

"Anong na-miss? Hindi ito ang condo ko ha, sa amin 'to ni Lisa," tugon ko sabay irap.

Tatlong araw na niya akong pinipilit na mag-movie marathon at sa sobrang kulit niya pumayag na rin ako. Mabuti na lamang at wala ngayon si Lisa. Kahapon pa siyang hindi umuuwi, may aasikasuhin lang daw siya. Napapadalas na rin ang pag-alis niya naiintindihan ko naman 'yon at marami talaga siyang trabaho. May bagong project na na-assign sa kanya. Malapit lang din sa bahay nina Lola.

Hindi ko na rin inuungkat pa ang ginawa niyang pag-amin nitong nakaraan. Pakiramdam ko ay pareho naming iniiwasan ito. Pasasaan ba at aaminin ko rin kay Lisa ang lahat. Ayaw kong araw-araw siyang nabubuhay sa isang kasinungalingan.

"Earth to Jennie!" sigaw ni Chae sabay tapik sa braso ko. Lipad na naman pala ang isip ko.

"Ano ulit 'yon?"

Dumapa siya sa kama habang nagse-cellphone. Nakita kong tumatawag si Jisoo pero hindi niya ito sinagot.

"Tampuhan?" tanong ko pagkatapos ay tumabi ako sa kanya.

"What's new? Nasasanay na rin ako," malungkot niyang tugon.

"I-kain na lang natin 'yan. Anong gusto mo?"

Kung dati madalas silang magkatampuhan, mas lumalala yata ngayon. Halos hindi ko na talaga sila nakikitang magkasama. Ayaw ko namang manghimasok. Matatanda na sila at siguro naman alam na nila ang mga ginagawa nila. Hindi na para araw-araw pa silang paalalahanan.

"Ramen sana, Hub," request niya.

Walang ramen dito sa bahay at wala naman akong pagpipilian kundi ang lumabas para bilhan siya. Alam kong makakatulong ang pagkain para hindi na siya gaanong malungkot.

Nagsuot lang ako ng jacket at lumabas na rin ako. Malapit lang naman ang ramen-an dito. Lalakarin ko na lamang hassle pa sa parking kapag nagdala ako ng sasakyan.

Bumalik din ako kaagad pagkatapos kong bumili. Nagulat ako na si Lisa ang nadatngan ko imbes na si Chae.

"Umalis na siya, nagmamadali e. Hindi ko na napigilan. May emergency raw," sabi ni Lisa.

Mukha siyang pagod. Hindi ganoon ka-aliwalas ang mukha niya.

"Ang aga mong nakabalik?"

Inilagay ko sa mesa ang ramen at lumapit ako sa kanya para gawaran siya ng halik.

Don't get me wrong. Sanay na kaming pareho na ganito kami sa isa't isa. Kapag dumarating siya o bago umalis hinahagkan niya ako o di kaya ay ako ang humahalik sa kanya. Normal na ginagawa ng dalawang taong nagmamahalan. Syempre biro lang sa nagmamahalan. One sided 'to, hindi naman kasi ako si Jen-jen.

"Tired?"

"Super," yumakap siya sa akin na parang doon nakadepende ang pahinga at paghinga niya.

Mama, ang sarap namang gumising araw-araw.

Clingy Lili.

"Kainin na lang natin 'to, tutal ghinost na naman ako ni Chae," sabi ko pagkatapos bumitaw sa pagkakayakap.

Naupo si Lisa at ganoon din ako.

"Yun palang jacket at cap na suot mo noong isang araw, kanino pala 'yon?" tanong ni Lisa habang kumakain.

Oo nga pala, nakalimutan ko na 'yung ibalik kay Jisoo. Mababawasan ang koleksiyon niya.

"Kay Jisoo, hiniram ko lang," sagot ko.

Pansin kong napatigil siya sa pagsubo.

Black na jacket at cap. Black na jacket at cap.

Doon ko pa lamang napagtanto ang lahat. Ang jacket na katulad ng nabangga ko sa may elevator noong araw na may nagtangka sa buhay ni Lisa. Walang duda, kapareho ng jacket na sinuot ko. Kaya pala parang pamilyar ito sa akin.

Hindi ako makakibo. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Posible kaya? Pero anong dahilan? Anong motibo?

Napa-iling ako at kaagad naman iyong napansin ni Lisa.

"May problema ba, Jen?"

Hindi ako makatingin nang deretso sa mga mata niya.

"Wala naman, ang anghang pala nito. Ayaw ko na," itinigil ko ang pagkain at tumayo ako.

May gusto lang akong kumpirmahin?

"Pasaan ka? Kumakain pa tayo," hinawakan ni Lisa ang kamay ko nang dumaan ako sa may tabi niya.

"Mabilis lang ako, may kukunin lang ako sa kuwarto."

Pawisan na ako pero hindi ko pa rin nakikita ang jacket na hinahanap ko. Nandito lang 'yon e, siguradong-sigurado ako. Nakita ko pa iyon bago ako lumabas para bumili ng ramen. Nakita ko pa 'yon noong nagsuot ako ng jacket ko. Maliban na lang kung may kumuha niyon?

Lumabas ako at umaktong parang walang nangyari. Nasa mesa pa rin si Lisa at kumakain.

"Lili, pumasok ka na ba sa kuwarto natin pagkarating mo?"

"Hindi pa. Halos kadarating ko lang din noong dumating ka," sagot niya bago hinigop ang natitirang sabaw ng ramen.

"Ah. Napansin mo ba 'yung jacket na suot ko nung isang araw?"

Napatigil na naman siya.

"N-naiwan ko yata sa site. Hiniram ko bago ako umalis medyo maginaw kasi," sagot ni Lisa.

Nagsisinungaling ka.

"Pakibalik na lang ha? Kay Jisoo kasi iyon, naipangako kong ibabalik ko 'yon kapag nagkita na kami," sabi ko at muli akong bumalik sa kuwarto.

Sinong pino-protektahan mo, ha, Lisa?

Hindi pa siya pumapasok sa kuwarto at alam kong nandoon lang 'yon. Si Chae lang ang kasama ko rito at bigla na lang siyang umuwi.

Anong itinatago mo sa akin, Chae? May pino-protektahan ka rin ba?

Ayaw kong isipin na pinagta-trayduran nila ako. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Kung 'yung naka-jacket ang nagtangka sa buhay ni Lisa bakit hindi ko iyon nakita sa CCTV copy na nakuha ko. Pinanuod ko ang buong video at walang naka-jacket na lumabas doon. 'Yung sinabi ng receptionist na may kasamang babae si Lisa, siya lang talaga ang nakita kong pumasok sa condo ni Lisa. At hindi ko rin naman nakitang lumabas ito. May hindi tama sa nangyari.

Kailangan kong bumalik sa Security Department para makakuha ng buong kopya ng CCTV. Hindi nagtutugma ang mga pangyayari. Parang may manipulation.

Naalala kong kinuha ko nga pala ang calling card ni Miss Park para kung sakaling may mga katanungan pa ako.

Sinubukan ko siyang tawagan at kaagad din naman siyang sumagot.

Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ay may narinig akong pamilyar na boses. Hinding-hindi ako maaaring magkamali. At tinawag niyang ate si Miss Park. Hindi ito co-incidence lang.

Park. Park Chaeyoung.

Alam niya ang lahat? At posibleng ginawa niya ito para protektahan ni Jisoo unnie?

Ano ba 'tong pinasok ko? Paano ba makakalabas dito?

Jisoo? Chae? Alin sa pagkatao niyo ang totoo? May totoo ba sa mga ipinakita niyo? O niloloko niyo lang din ako?

•••

Double update dahil may COMEBACK na tayooooo! Aga ko pumasok, magpapaalam kasi akong mag-undertime. HAHAHAHAHA!

Uncover [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon