"Inip na inip na ako rito, gustong-gusto ko nang lumabas. Please naman, Jennie," pagmamakaawa ni Lisa.
Sa totoo lang naaawa na ako sa kanya. Isang linggo na siyang hindi umaalis sa condo. At isang linggo na rin akong hindi pumapasok sa trabaho. Wala namang problema ro'n. Si Chae na ang bahala sa company habang wala ako.
Hindi pa rin masyadong magaling ang mga sugat ni Lisa. Lalo na ang bali niya sa balikat. Ang sabi ng doctor two to three weeks daw bago ito tuluyang gumaling.
"Isang linggo na lang, Lisa, hindi ka pa makapaghintay?" iritable kong tugon. Para siyang batang nagmamaktol.
"Jennie naman, naikot ko na buong condo. Lahat ng sulok dito napuntahan ko na. Mababaliw na talaga ako rito, gusto ko nang lumabas. Gusto ko nang bumalik sa trabaho. Siguradong hinahanap na nila ako," dagdag ni Lisa.
"Bawal lumabas," tipid kong tugon.
"Pero 'pag nag-comply ako puwede nang lumabas?"
May taglay din talagang kakulitan itong si Lisa. Ang hirap pasunurin. Parang matandang dalaga, masyadong maligalig.
"Pag hindi ka pa tumahimik, hahalikan na kita, sinasabi ko sa 'yo, Lisa. Pikon na pikon na pikon na ako sa 'yo," umasa akong makukuha ko siya sa pananakot pero mukhang malabo.
"Oh, eh di sige, mananahimik na ako, hindi na ako magsasalita," sagot niya habang natatawa.
"Sabi ko hindi na nga ako magsasalita? Heto na oh, nananahimik na ako," dagdag niya.
"Alam mo Jennie, wala kang isang salita, nasaan na ang halik ko?" panunukso ni Lisa.
"Tse! Manahimik ka. Ano ako, uto-uto?" Inirapan ko lang siya at pumasok ako sa kuwarto.
Sa loob ng isang linggong kasama ko si Lisa pakiramdam ko mas lalo akong napalapit sa kanya. Walang araw na hindi niya ako napapatawa o di kaya'y napapangiti. Parang kahit anong gawin o sabihin niya'y natutuwa ako. Kahit mas maraming beses na nakakapikon siya.
Sumunod siya at niyakap ako mula sa likuran gamit ang kaliwang braso.
"Please, Jen. Gusto ko lang talagang lumabas, kahit sa café lang? Or kung gusto mo samahan mo ako para panatag ka?"
Sweet talker 'tong si Lisa. Masyadong malambing, clingy at kung marupok ka madali ka niyang mapapa-oo sa kahit anong gustuhin o hilingin niya. Mabuti na lamang at hindi ako marupok.
"Sige, ako magda-drive. Hindi pa magaling ang bali mo e."
"And that's my Expensive," wika niya bago mas higpitan ang yakap.
"Hindi ako makahinga, Lisa. Itigil mo na 'yan, hindi na nakakatuwa," tinanggal ko ang kamay niya at humarap ako sa kanya.
Pinitik ko ang noo niya.
"Ouch! Para saan iyon?!" reklamo ni Lisa habang hinahamplos ang noo niya.
Napalakas yata?
"Wala. Tara na," kinuha ko lang ang susi ng sasakyan at bumaba na kami.
Kailangan ko lang sigurong i-pasyal 'tong bata na 'to para makalanghap ng sariwang hangin.
"Where do we go?"
"Secret. Basta behave ka lang diyan, malalaman mo rin. Medyo mahaba ang biyahe pwede ka munang matulog," sabi ko pagkapasok sa sasakyan.
"Ayoko," todo-tangging wika ni Lisa.
Napakatigas ng ulo, parang bata.
"Sige, bahala ka. Basta 'wag kang makulit," kaagad kong ini-start ang sasakyan.
BINABASA MO ANG
Uncover [COMPLETED]
FanfictionAt sa puntong inaakala mong natagpuan mo na ang pag-ibig na matagal mo nang hinahanap, biglang darating ang pagkakataong hindi mo inaasahan. Nakahanda ka bang makipaglaban o magpaparaya na lamang?
![Uncover [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/221837319-64-k652044.jpg)