Chapter 21

1.1K 42 1
                                        

Napapadalas ang pagiging malambing ni Lisa. Maaga niya akong ginigising para makapag-almusal muna bago pumasok. Babangon na lang ako para kumain. Nakapagluto na siya. Ihahatid niya muna ako sa office bago siya pumasok sa trabaho niya. At sa tanghali, bumabalik siya sa office para samahan akong magtanghalian. Damang-dama ko ang pagiging may-bahay niya. Gusto ko matawa sa may bahay at gusto ko ring kiligin. Ayaw kong masanay pero gusto ko ring masanay. Isang linggo siyang nasa site para sa project niya. At ngayon lang ulit kami nagkita.

"Anong ngini-ngiti mo riyan?"

Napapadalas na rin ang pagngiti ko nang hindi ko namamalayan. Ganito yata ang nagagawa kapag umiibig. Inamin ko na rin sa sarili ko na gusto ko nga siya, pero hinding-hindi ang aamin ako sa kanya. Wala akong lakas ng loob. Hindi ko naman inaakalang magugustuhan ko siya. Jennie Kim mapapagusto sa annoying na 'to? Nah. Never.

"Wala, may iniisip lang ako," tugon ko.

"Gusto mong mamasyal?" Isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.

Sunday ngayon at pagkatapos ng isang linggong pagkalulong sa trabaho ngayon lang ako makakapahinga. Halos isang linggo kaming hindi nagkita ni Lisa. Busy siya sa site, roon na siya natutulog. Sinabi ko naman na susunduin ko na lang siya pagkakalabas ko at ako na ang magda-drive sa kanya pauwi, kaso ayaw niya. Masyado na raw akong pagod para ipag-drive pa siya. Ang hindi niya alam mas nakakapagod umuwi nang wala siya. Mas nakaapagod mahiga nang mag-isa sa kama. Mas nakakapagod kumaing mag-isa. Mas nakakapagod kapag wala siya. Magkakasakit na yata ako sa sobrang pangungulila sa kanya. Lovesick it is.

"At saan naman tayo pupunta?" Ayaw ko ng pakiramdam na magkadikit kami. Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang lakas ng kabog nito.

"Kung saan tayo nag-umpisa," tipid niyang tugon habang nakapikit.

Ang saya niyang titigan habang nakapikit. Payapa at maaliwalas ang awra niya. Ngayon ko lang siya nakita na ganito kasaya.

"May nangyari ba?" tanong ko bago umagwat sa kanya.

"Aray!" reklamo niya matapos malaglag ang ulo niya.

"Napakasakit ha," dagdag niya bago minasahe ang kanyang batok. Nasaktan nga yata.

"Buti nga sa 'yo," sabi ko pagkatapos tumayo.

"Pasaan ka?"

"Magbibihis, sabi mo aalis tayo," tinaasan ko siya ng kilay.

Nakakalito rin naman 'tong babae na 'to. Akala ko ba nagyayaya 'tong mamasyal?

"Yehey!" Tumalon-talon siya sa kama na parang batang natutuwa. Ang sarap kurutin. Nakakagigil. Gusto ko siyang kagatin.

"Araaaaaaay!" Hindi ko na napigilin kinagat ko siya sa kanang balikat niya.

Sumakit ang ngipin ko. Purong buto yata ang nakagat ko.

Hinaplos-halpos niya ang balikat niya pagkatapos ko siyang kagatin. Tinawanan ko lamang siya at nagbihis na rin ako. 'Wag na raw akong masyadong magdala ng damit. Siya na raw ang bahala. Uuwi rin naman daw kami mamayang gabi dahil pareho kaming may pasok kinabukasan.

Wala akong ideya kung saan kami pupunta, basta nagbihis lang ako ng komportableng damit. Road trip lang siguro. Nagbihis na rin siya at halos sabay lang kaming natapos, siya na rin daw ang magmamaneho papunta at pabalik. Hindi ko raw kasi kabisado ang daan.

"Puwede kang matulog," sabi ni Lisa pagkapasok sa sasakyan.

Nagbabawi yata dahil tinulugan niya ako noong nagtungo kami sa isla.

"Hindi naman ako inaantok, masyado pang maaga para matulog," sagot ko.

"Nini, wake up," naalimpungatan ako sa pagtawag ni Lisa habang tinatapik ako sa balikat. Nakakatawang nakatulog nga pala ako.

Uncover [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon