Chapter 44

719 31 4
                                    

"Hindi ka nag-iingat."

Halos isang oras na siyang may kausap sa cellphone. May diin ang bawat pagsasalita niya, halatang iritable at nagpipigil ng emosyon.

Tumingin siya sa akin at saka sumenyas na lalabas muna siya. Nagtungo siya sa garden habang naiwan ako sa loob. Ilang beses ko na siyang sinubukang kausapin pero palagi lang kami nauuwi sa pagtatalo. Palagi niyang sinasabing magtiwala lang daw ako sa kanya. Hindi raw siya gagawa ng ikapapahamak ko. Paano ko naman gagawin 'yon kung wala siyang paliwanag sa mga nangyayari. Gulong-gulo na ang isip ko. Wala akong balita kina mommy, lalo na kay Lisa. Kahit marinig ko man lang sana ng boses niya.

"Mag-impake ka na, uuwi na tayo." Walang emosyon niyang turan.

"Ano bang nangyayari?"

"Hindi ba't ito naman ang gusto mo? Ang umuwi na tayo?"

"Oo, pero bakit biglaan? Kahapon lang halos itali mo na ako rito sa bahay."

"Wala nang maraming tanong, Jennie."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Gusto kong maintindihan! Ano ba ako sa 'yo? Bakit ganito mo ako itrato?!" Punong-puno nang hinanakit kong turan.

Lumamlam ang titig niya.

"Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal." Wika niya bago tumalikod.

Lungkot ba 'yong nakita ko?

Bumalik ako sa kuwarto ko upang mag-impake. Wala naman akong magagawa e. Ayaw kong maiwan ditong mag-isa, at sigurado naman akong hindi niya rin ako iiwan dito. Baka umabot pa kami sa puntong kaladkarin niya ako mapasunod niya lang ako.

Bagsak ang balikat kong pumasok sa kwarto. Ini-lock ko ito nang sa gayon ay hindi siya makapasok nang hindi ko nalalaman.

Naupo ako sa gilid ng kama. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Hindi ko na siguro maipaliwanag kung anong nararamdaman ko, kaya mata ko na ang nagkusa.

Nakarinig ako ng marahang pagkatok.

"Jennie." Pagtawag niya.

"Gusto ko munang mapag-isa."

Hindi ko alam kung narinig niya ba ang sinabi ko pero hindi ako gumagalaw sa pwesto ko. Pagod na ako. Pagod na pagod an akong mag-isip. Mababaliw na ako kaiisip.

Hindi pa rin siya tumitigil sa pagkatok wala akong nagawa kundi ang pagbuksan siya.

"I'm sorry. Sobrang dami lang talaga problema." Bungad niya.

"Then tell me."

"Pag-uwi natin." Tumango na lang ako at niyakap ko siya.

"Thank you. Hindi ko man alam ang mga dahilan mo, may bahagi sa pagkatao ko na naniniwalang ginagawa mo 'to para sa ikabubuti nating lahat."

"Sabi ko naman sa 'yo, mahal kita." Gumanti siya ng yakap.

Wala naman akong pwedeng panghawakan kundi ang mga salita niya. Alam kong hindi pa ganoon ka-buo ang tiwala ko sa kanya, pero sa sitwasyon namin ngayon, alam kong kakampi ko siya.

Lumabas siya ng kwarto at nagsimula na akong mag-impake ng mga gamit. Hindi naman siguro kailangang dalahin ko lahat ng 'to. Siya lang din naman ang bumili nito.

'Jen, tara na."

Lumabas ako ng kuwarto at sumunod sa kanya. Nagpaalam siya sa lahat ng security personnel na maiiwan dito sa bahay. Hindi ko alam kung bakit hindi sila kasama.

"Kayo na ang bahala rito. Alam niyo na ang dapat gawin." Tumango lang ang mga ito.

Isinakay ng driver ang mga gamit namin at dumeretso na kami sa airport.

Uncover [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon