"Anong island hopping? Saang isla naman tayo pupunta sa ganitong oras?"
Bigla na lamang naisipan ni Lisa na mag-island hopping dis oras ng gabi.
"Sa isla ninyo?" sagot niya.
Minsan ko na nga pala siyang naisama sa isla. 7:00 PM pa lang naman at kung aalis na kami baka before 11:00 PM nakarating na kami.
Gustong-gusto ko ang mga ganitong lakad, natutuloy kapag biglaan.
"May dapat ba akong dalahin?" tanong ko bago ko kinuha ang braso niya at ginawang unan ito.
Hinalikan niya ako sa noo. Masyadong malamig sa kuwarto kaya't sumiksik ako sa leeg niya. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ako ka-attracted sa leeg niya. Pakiramdam ko ay palagi akong hinihila nito.
I guess i'm inlove.
"Bakit ako ang tinatanong mo? Bahay niyo 'yon, hindi ba?" sarkastiko niyang tugon.
Oo nga pala. Bahay ko nga pala 'yon. Napatawa rin naman ako sa pagiging makakalimutin ko.
Kaso gabi na, wala nang bangkang susundo sa amin.
"Ipagpabukas na lang kaya natin?"
Nag-angat ako ng ulo. Biglang nalungkot ang mukha niya.
"I love you," sabi ko bago ko siya ginawaran ng mabilis na halik sa labi at muling sumiksik sa leeg niya.
"Panagutan mo ang ginawa mo, panagutan ko ako," natatawa niyang turan.
Umiling lang ako habang nananatiling nakasiksik sa leeg niya.
Kung lumipat na kang kaya ako ng bahay? Dito na lang kaya ako manirahan? Palagay ninyo?
"I love you three," bulong niya bago hinaplos-haplos ang ulo ko.
Pagkatapos kong umamin, wala nang dahilan para pigilan ko pa ang nararamdaman ko. Ayaw ko mawala siya, dumating na ako sa puntong hinahanap ko na siya sa bawat pagmulat ng aking mata maging sa pagpikit nito. Nakaukit na siya sa buong pagkatao ko. At lumalala na ang pagiging korni ko.
"Bakit three? Tatlo ba kami? Ha? Ha?" Umagwat ako at tiningnan ko siya nang deretso sa mata.
"Anong iba? Walang iba," nakangisi niyang sagot.
"So bakit I love you three?" Kumunot ako.
"Kasi mas higit sa I love you too?" Kinindatan niya ako.
"Alam mo?"
"Hindi pa." Pang-aasar niya.
"Ang korni mo!" Pinitik ko siya sa noo.
Bahagya siyang nagulat pero kaagad din naman siyang nakabawi.
"Mahal mo naman." Nakangiti niyang tugon.
"Sinong may sabi?" Hamon ko.
Inalis niya ang braso niya para hawakan ang magkabilang pisingi ko, "Ikaw."
"Hindi kaya," tanggi ko bago hinawakan ang kamay niyang nakalapat sa pisngi ko. Marahan kong pinisil ito.
"Eh di hindi." Bumitaw siya sa akin at tinalikuran ako.
Hinila ko siyang paharap sa akin.
"I love you four, five, six, seven, eight, nine, ten, 11:11, 12:51..."
"Stop! Ayaw ko niyang 12:51 na 'yan," pigil niya sa akin habang nakanguso.
Ghad. Napaka-cute. Ang sarap ibulsa, maaaaaa.

BINABASA MO ANG
Uncover [COMPLETED]
FanfictionAt sa puntong inaakala mong natagpuan mo na ang pag-ibig na matagal mo nang hinahanap, biglang darating ang pagkakataong hindi mo inaasahan. Nakahanda ka bang makipaglaban o magpaparaya na lamang?