Chapter 22

1K 41 1
                                        

"Anong gagawin mo kapag 'yung taong mahal na mahal mo ay nagsinungaling sa 'yo?"

Isang linggo na akong hindi umuuwi sa condo. Ayaw ko munang makita si Lisa. Hindi pa kaya ng dibdib ko. Masyado pang marupok ito at hindi nito kakayaning magpanggap na walang epekto ang mga sinabi ni Lisa.

"Hindi ko alam. Tatanungin? Susubukang unawain? May pagsisinungaling kasing nagagawa ang isang tao dahil kailangan. Dahil hinihingi ng pagkakataon, dahil may pinoprotektahan. Nagsinungaling dahil kinailangan hindi dahil ginusto," tugon niya.

May punto naman siya. Hindi naman tamang humusga dahil lang sa nakita. Pero ang kasinungalingan ay mananatiling kasinungalingan anuman ang dahilan.

"Nagsinungaling ka na ba sa taong mahal na mahal mo?" tanong ko.

Marami akong katanungan na hindi ko masagot. Umaasa akong sa pakikipag-usap ko sa iba ay mahahanap ko ito.

"Oo," tipid niyang tugon.

Hinapas ko siya sa braso.

"Jisoo?! Nag-cheat ka kay Chae?!"

Hindi namin natapos ang isang buong araw na magkasama. Tinakasan ko si Lisa. Hindi ko rin alam kung paano ako nakauwi. Basta tumakbo ako, may nabangga akong matandang lalaki na parang pamilyar din sa akin. Hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita. Nagtanong ako sa kanya kung nasaan ako at sinagot niya naman kaagad ito. Malapit lang pala kina Lola. Gusto kong puntahan si Lola pero lalo lang magugulo ang isip ko kaya minabuti kong bumalik na lang sa Manila. Mabuti na lamang at dala ko ang phone ko. Tinawagan ko si Jisoo at nagkataong malapit lang daw siya rito. Balak daw kasi nilang mag-extend ng business dito.

"Cheat?! Hinding-hindi ko 'yan magagawa kay Chae," tugon niya.

Alam kong napapadalas ang tampuhan nila pero hindi naman ibig sabihin niyon ay may karapatan na silang mag-cheat or whatever. Kung ayaw na, maghiwalay na pero 'wag darating sa puntong may magloloko. Mababang nilalang lamang ang gumagawa niyon.

"Sobrang dami ba talagang trabaho, Jisoo? Lately napapansin kong halos hindi na kayo nagkikita ni Chae. Halos hindi na rin kita nakikita," sabi ko.

"Gabi na, Jennie. Magpahinga ka na," sagot niya.

Umiiwas na naman siya.

"Jisoo, please ayusin niyo 'yan ha? Mag-usap kayo," tumayo siya at kumuha ng beer.

Hindi naman 'to umiinom, unless may gumugulo sa isip nito.

"Hindi ka pa ba uuwi kay Lisa? Nag-aalala na 'yon," naupo siya at inabutan ako ng beer.

Gusto kong i-kwento ang mga nalamam ko pero wala pa akong sapat na ebidensiya. Baka kasi ako talaga 'yon? Baka marami lang akong alaala na hindi ko maalala?

"Nagkaroon lang kami ng tampuhan pero maayos din 'to, gusto ko lang huminga," pagsisinungaling ko.

"Noong bata ako, walang gustong makipaglaro sa akin. Siguro dahil wala akong nanay at tatay. Sa lola ko lang ako lumaki," nagsimula siyang magkuwento na nakakapagtaka dahil masyado siyang ma-sekretong tao.

Lumagok muna siya bago nagpatuloy.

"Dahil walang gustong makipaglaro sa akin, sa plaza na lamang ako naglalaro. Kada hapon pupunta ako roon para mag-slide o 'di kaya'y magduyan," ngumiti siya nang mapakla.

Masyado siguro akong naging bulag at hindi ko nakikita kung gaano kabigat ang dinadala ng mga taong nasa paligid ko. Ganoon na ba ako ka-lulong sa trabaho?

Niyakap ko siya, "It's okay, Jisoo. I'm here."

"Miss na miss ko na siya, J-jennie," gumanti siya ng yakap habang umiiyak.

Hinayaan ko lang siya habang hinahaplos ang likod niya.

"Miss na miss ka na rin ni Chae," bulong ko.

Bumibigat na siya, senyales na marahil ay nakatulog na siya. Hindi ko siya kayang buhatin patungo sa kuwarto niya kaya minabuti kong ihiga na lamang siya rito sa couch. Kumuha na lamang ako ng unan at kumot para hindi siya mangalay at lamigin.

Gusto kong umuwi ngayong gabi. Kahit puslit lang, gusto kong makita si Lisa. Miss na miss ko na siya.

"Jen-jen," bulong ni Jisoo. Mahina lang iyon pero halos rinig na rinig ko. Hindi ako maaaring magkamali.

"P-please, bumalik ka na," lumapit ako sa kanya para mas marinig ko siya nang mas malinaw. Nananagip siguro siya.

"H-hindi ko sinasadya," pawis-pawisan ang noo niya.

"Jen-jen!"

Doon pa lamang siya nagising at bakas ang pagkagulat sa mukha niya nang makita ako sa tabi niya.

"Jisoo," pinilit kong maging kalmado.

"Kanina ka pa ba riyan?" tanong niya na hindi makatingin ng deretso sa mata ko.

"H-hindi, hindi naman," pagtanggi ko.

Para siyang nabunutan ng tinik sa sagot ko.

"Good night, Jen. Magpahinga ka na rin," sabi niya pagkatapos ay bumalik din siya kaagad sa pagtulog. Pagod na pagod siguro siya.

Sa isang linggo pananatili ko rito halos hindi ko rin siya nakikita. Madalas lumalabas siya at sigurado akong hindi si Chae ang kasama niya. Mas lalo siyang naging ma-sekreto. Gabing-gabi na siya kung umuwi at halos pagod na pagod siya. Basta na lamang siya makakatulog sa couch nang hindi man lang nakakapalit. Maraming bumabagabag sa kanya kung titingnang mabuti ang mga ikinikilos niya. Hindi na ganoon ka-totoo ang mga ngiti niya, hindi katulad noon. Sinubukan ko siyang bigyan ng isang bucket ng chicken ngunit mas pinili niyang matulog na lamang. Doon pa lang alam ko nang may problema. Hinding-hindi ito tumatanggi sa manok, noon lang.

Bumalik ako sa kuwarto para magbihis. Masyadong maginaw sa labas at kailangan kong mag-jacket. Nakakalungkot lang na lahat ng jacket ko ay nasa condo. Wala naman kasi akong damit ito. Bumili lang ako nitong nakaraan para may maisuot ako kapag pumapasok sa office. 'Yun nga lang nakalimutan kong idamay ang pagbili ng jacket.

Binuksan ko ang closet ni Jisoo. Alam kong mahilig 'to sa jacket at imposibleng wala akong makita rito. Hihiramin ko na lang siguro.

Hindi nga ako nagkamali. Ang dami ngang jacket dito. Parang halos lahat nga ay jacket ang naka-hanger dito. Pinili ko ang itim na jacket at may nakita rin akong black cap. Tamang-tama, hindi na ako mahahamugan nito, ligtas na ako sa sipon.

Nagsuot lang ako ng sneakers, kinuha ang susi ng sasakyan ko at bumaba na rin ako papuntang parking. Mabilis lang talaga ako. Gusto ko lang makita si Lisa kahit saglit lang. Sigurado naman akong natutulog na siya dahil pagod na pagod siya sa site. Kabisado ko na ang daily routine niya kaya alam kong hinding-hindi niya ako makikita.

I miss you...

•••

Short update dahil malungkot ang gabi. Hahaha. Napakinggan niyo na ba 'yung Uncover at Worst of You. Subukan niyo lang. Baka pareho tayo ng taste sa music. Haha. <3

Uncover [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon