Dalawang araw na kami rito at dalawang araw na rin akong walang signal. Wala rin namang internet dito. Baka nag-aalala na sila sa akin dahil sa pagkawala ko. Sa bagay wala namang maghahanap sa akin maliban kay Wendy. Tatlong araw mula ngayon ikakasal na si Chae, babalik na ako sa New Zealand at magsisimula ng bagong buhay. Back to zero na naman ako. Para na naman akong kaluluwang naliligaw, naghahanap ng padasal nang sa gano'n ay tuluyan nang matahimik. Hindi ko rin alam, hindi ko rin alam kung bakit sa kaluluwang ligaw ko naihalintulad ang pinagdaraanan ko. At kung bakit may padasal.
"Lalim a," sabi ni Lisa na bahagyang tinabig ang balikat ko.
"Mababaw lang. Kailan tayo uuwi?"
"Hindi na tayo uuwi."
"Hayan ka na naman, Lisa. Seryoso na ako. Alam ko namang walang naghahanap sa akin pero sa 'yo, meron. Umuwi na tayo. Sobrang pagpapahangin na 'to."
Isa lang ang kuwarto dito. At ako lang din naman ang natutulog sa kama, sa couch lang si Lisa. Malambot naman iyon pero masakit pa rin siguro sa likod dahil hindi komportable. Gusto ko naman siyang itabi sa kama, masyadong malaki ito para sa isa. Iniisip ko lang baka mas lalo siyang hindi maging komportable kapag katabi ako. Hindi naman ako naglalaway kapag natutulog, 'yon nga lang hindi ako sigurado, baka magtraydor ang katawan ko at yakapin ko siya nang hindi sinasadya, o sinasadya.
"Hindi ka ba nakikinig sa mga sinasabi ko? Isang linggo."
"Naririnig mo ba ang sarili mo? Umuwi ako para sa kasal ni Chae tapos ikukulong mo ako rito?"
"Hindi kita ikinukulong, malaya kang nakakakilos dito."
Heto na naman siya sa palagian niyang pagtalikod.
"Lisa!" sigaw ko ngunit hindi siya lumingon. Dere-deretso lang siyang lumabas ng bahay. Nasasanay na siyang ganito. Sa tuwing umiiwas sa usapan palaging lumalabas.
Hindi ko na siya hinabol pa. Bahala siya, hindi naman siya bata para palaging suyuin. Lilipas na naman ang maghapon na wala siya. Gabi na naman siyang uuwi. Akala ko ba gusto niya akong makasama bakit alis siya nang alis?
Nilibot ko ang buong kabahayan, wala man lang akong nakitang kahit anong kakaiba rito. Kay Lisa ba talagang rest house 'to? Masyadong malaki ang isla para sa iisang bahay lamang. Papalubog na ang araw ngunit hindi pa rin siya bumabalik. Ayaw ko namang hanapin siya nang mag-isa.
Napilitan akong magluto nang sa gano'n ay makakain siya pagbalik niya. Ngayon ko na lang ulit siya ipagluluto. Nagbukas ako ng ref, mabuti na lamang at maraming stock na pwedeng lutuin. Kaldereta ang napagdesisyunan kong lutuin. Matagal-tagal na rin pala mula noong huling beses na niluto ko 'to. Sana lang din ay naaalala pa niya.
Pagkatapos magluto ay panandalian akong nagpahinga at saka naligo. Malamig na ang kaldereta pero hanggang ngayon hindi pa rin bumabalik si Lisa. Siguro naman hindi niya matitiis na mag-isa lang ako rito sa bahay.
Pumasok ako sa kuwarto at nahiga. Dito ko na lang siguro siya hihintayin. Ilang minuto pa'y napaidlip na rin ako. Nagising lang ako dahil sa sunod-sunod na pagkatok. Naalala kong ini-lock ko nga pala ang main door. Dali-dali akong bumangon upang buksan ang pinto.
"I miss you," wika ni Lisa pagkabukas ko sa pinto. Kaagad niya rin akong niyakap na siya namang ikinagulat ko.
"Lasing ka ba?"
"Nakainom lang."
Saan naman siya makakainom sa ganitong oras?
Nananatili pa rin siyang nakayakap sa akin. Mabuti na lamang at hindi siya ganoon kabigat, kung nagkataon baka pareho na kaming nabuwag.

BINABASA MO ANG
Uncover [COMPLETED]
FanfictionAt sa puntong inaakala mong natagpuan mo na ang pag-ibig na matagal mo nang hinahanap, biglang darating ang pagkakataong hindi mo inaasahan. Nakahanda ka bang makipaglaban o magpaparaya na lamang?