"Get your filthy hands out of my Fiancée's shoulder, you leech," hindi ko alam na may linta palang naninirahan sa ganito kaingay na lugar.
Nadatngan kong may nakaakbay na babaeng animo'y sisiw sa fiestahan na pink ang kulay ng buhok. Gosh, ang jejemon.
"And who the hell are you?"
Medyo palaban ha. Kung pilipitin ko kaya ang leeg nito? Pero syempre, hindi nga pala ako bayolente.
"Are you deaf? Do I need to repeat myself?"
"Hi, Ex-pen-sive," bati ni Lisa na halos hindi na makamulat nang maayos sa sobrang kalasingan. Napakababaw naman pala ng tolerance nito sa alak.
"See? Expensive. Mahal sa tagalog. Alis!" Kaagad din naman siyang umalis.
Ang cheap ko yata sa part na 'yon. As if naman nakakaintindi siya ng tagalog.
"Let's go home, Lisa," marahan kong kinuha ang braso niya at iniakbay sa balikat ko para alalayan siya.
Grabe, ang payat pero ang bigat. Mabuti na lamang at malapit lang kami sa exit. Tinawag ko si Kuya Ramon para maalalayan si Lisa. Pakiramdam ko kasi bibigay na ang tuhod ko.
Marahan namin siyang iniupo sa back seat.
"Kaibigan niyo po ni Miss Park?" tanong ni Kuya bago nag-start magmaneho.
"Fiancée ko po," tugon ko.
"Bagay kayo, ma'am. Mukhang mahal na mahal po kayo," dagdag pa ni Kuya habang ngiting-ngiti.
Saan nanggaling ang mahal na mahal? Wala pa ngang isang linggo kaming magkakilala.
Napasandal ang ulo ni Lisa sa balikat ko. Dahil na rin siguro sa kalasingan. Hinawakan ko na lamang ito para mas maging komportable siya. Hindi ko sinasadyang mapatitig sa mukha niya, napakaamo. Bahagya siyang kumilos. Sumiksik ang mukha niya sa may bandang leeg ko. Naging payapa na ang pagbaba't taas ng balikat niya. Ang komportable naman yata niya masyado.
Mabilis lang din naman kaming nakarating sa bahay. Nagpasalamat ako kay Kuya Ramon at pinauwi ko na rin siya. Sinabi ko na lamang na tatawagan ko siya bukas kung anong oras niya kami susunduin.
Ako na lang din ang nagpasok kay Lisa sa loob. Dito na lang siya sa baba matulog. Hindi ko na siya kayang itaas pa. Baka parehas lang kaming mahulog sa isa't isa, este sa hagdan pala.
Ihiniga ko si Lisa sa kama para makapagpahinga na siya. Ang tibay rin naman naman ng sikmura nito. Nagawa pa talagang mag-inom.
"Jenjen, ba-kit nga-yon ka lang?"
Jenjen? Sadya yata siyang nagsasalita habang natutulog. Tinanggalan ko siya ng sapatos. Iniisip ko kung bibihisan ko pa siya. Ayaw ko namang pag-isipan niya ako nang masama kapag nagising na siya. Napagdesisyunan kong 'wag na lamang.
Nagtungo ako sa kuwarto ko sa itaas para makapagbihis na rin. Nahiga ako at pumikit. What to do? Paano ko lilinisin ang kalat ko? Hanggang ngayong wala pang message si Kai. Ganoon ba talaga kababaw ang pagmamahal niya at hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag?
Hindi naman siguro nakakababa ng pagkatao kung ako ang mauunang mag-messages sa kanya. Bumangon ako at kinuha ko ang phone ko. Sinabi ko lang na magkita kami bukas ng umaga.
Hindi naman siguro masama kung susubukan ko?
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako kaiisip.
***
Maaga akong gumising para maipagluto ko si Lisa bago ako makipagkita kay Kai. Sinilip ko siya sa kuwarto at mahimbing pa rin siyang natutulog. Parang baby. Napangiti na pala ako nang hindi ko namamalayan. Marahan kong isinara ang pinto at bumalik na ako sa pagluluto.
Naalala kong gusto nga pala ni Lisa ang kaldereta. Nagprito na rin ako ng itlog at hotdog pati na rin pancake. Pangkaraniwang almusal. Ipinagtimpla ko na rin siya ng kape. Nakakatanggal daw ng hangover ang kape. Sana nga lang ay totoo. Kasi ako, hinahayaan ko lang masakit ang ulo ko. Hinahayaan ko lang ang pakiramdam na parang nasusuka ako na ewan. Nawawala rin naman.
Pagkatapos magluto'y inilagay ko na lamang sa mesa ang pagkain at bumalik na ako sa kuwarto para maligo at magbihis. Nakatanggap din ako ng message kay Chae na on-board na raw siya. Nakausap ko na rin si Kuya Ramon na sunduin si Chae at ihatid na sa meeting place niya.
Habang naliligo ay pakinig kong tunog nang tunog ang cellphone ko. Importante siguro ang tawag. Lalabas na sana ako para sagutin ito nang tumigil ang pagtunog. Napagod na siguro ang tumatawag. Nagmadali na lang din ako para makaalis na.
Nababaan kong nag-aalmusal na si Lisa.
"Good morning," bati ko.
"Morning," tugon niya na hindi man lamang ako tinapunan ng tingin.
"Kumusta ang pakiramdam mo?"
"Wala namang nagbago sa nararamdaman ko."
Ano bang nararamdaman niya?
"Masakit pa rin ang ulo mo?" Lumapit ako sa kaniya at naupo sa tabi niya.
"Hindi na. Effective ang kape," ipinagpatuloy niya ang pagkain na parang siya lang ang tao rito.
"Puso na lang," dagdag niya.
"Anong puso?" Nakakunot kong tanong. Ang hilig niyang magsalita na hindi ko naman naiintindihan.
"Wala, mag-ingat ka. Saan ba ang punta mo?"
"May imi-meet lang ako. Uuwi rin ako kaagad. Tapos babalik na tayo sa Manila. Baka makapag-set pa sina mommy para sa engagement natin. Sayang naman ang effort nila," sagot ko bago ako tumayo para kuhanin ang susi ng sasakyan ko.
"Hindi ka ba muna mag-a-almusal? Ang sarap ng luto mo, kasal na lang ang kulang," tumawa siya nang mapakla. Ang sama yata ng gising niya.
"Hindi na, nagmamadali kasi ako,"
"Miss na miss mo na ba?"
Hindi ko maintinadihan ang attitude niya ngayong araw. Parang may mali, parang kakaiba.
"Sabi ko wala ang sasakyan mo. Dinala ng boyfriend mo kagabi, 'di ba?"
Oo nga pala. Napakamot na lang ako sa ulo at muling naupo.
"Masarap ba?" Ngumiti ako bago dinampot ang natitirang slice ng pancake sa pinggan niya.
"Yah! Jennie!"
Anong kinagagalit niya?
"Last bite raw ang pinakamasarap, bakit mo kinain?"
Ngumuso siya na parang bata. Ang cute, sarap iuwi. I mean sarap umuwi.
"Ang arte mo, ipagluluto na lang ulit kita," hinawakan ko siya sa ulo at ginulo-gulo ang buhok nito.
Can't resist her charm. Ghad.
"Kung babalikan mo pa ako," tumayo siya at nagtungo sa kuwarto.
"Nini," paalis na sana ako nang tinawag niya ako.
"What?!"
"Suot mo 'to, medyo malamig ngayon. Baka sipunin ka," lumapit siya at ipinulupot ang scarf sa leeg ko.
Bahagyang dumampi ang dulo ng daliri niya sa leeg ko. Pakiramdam ko'y bigla na lamang sinugod ng milyon-milyong paruparo ang tiyan ko. Is this normal?
"T-thank you," matipid kong tugon.
Lumabas na ako para maaga akong makabalik. Plano ko sanang magpunta sa Disneyland kasama si Lisa bago kami bumalik sa Manila.
Nag-grab na lang ako at nag-message kay Kai na papunta na ako.
•••
Grabe ang lungkot na dulot nitong ECQ a. Parang gusto ko na lamang mamuhay bilang isang halamang-gamot.

BINABASA MO ANG
Uncover [COMPLETED]
FanfictionAt sa puntong inaakala mong natagpuan mo na ang pag-ibig na matagal mo nang hinahanap, biglang darating ang pagkakataong hindi mo inaasahan. Nakahanda ka bang makipaglaban o magpaparaya na lamang?