Chapter 16

1.1K 44 3
                                    

"Nini, wake up. Gusto kong makita ang sunrise. Tara na," ginising ako ni Lisa para lang makita ang sunrise. Halos puyat na puyat ako dahil sa kaiisip sa kanya tapos gigisingin niya ako nang ganito kaaga. Nasaan doon ang hustiya.

"Lisa naman, natutulog pa ako," reklamo ko.

"Oh, sige, dito ka na ako na lang ang aalis," doon ko pa lamang iminulat ang mga mata ko.

"Teka, ito na, sasama na," bumangon lang ako at nanghilamos pagkatapos ay sumunod na rin ako kay Lisa. Naglakad kami hanggang sa may malaking bato. Sa puwestong 'yon magandang mag-abang ng sunrise.

"Smile," heto na naman si Lisa sa pagkuha ng mga pictures.

"Maganda ka pa sa sunrise," sabi niya.

"Mas maganda ka, 'wag kang patatalo," sabi ko at inirapan ko siya.

Kalmado ang dagat ngayon, high tide at napakalinaw ng tubig. Parang ang sarap maligo.

"Lisa," tinawag ko siya pero hindi niya yata ako naririnig. Tuloy lang siya sa pagkuha ng larawan at nang mapagod siya bigla na lamang sumalampak sa buhanginan. Parang bata.

"Ang bilis ko yatang mapagod, ang aga pa a," reklamo niya.

"Paanong hindi ka mapapagod, ang likot-likot mo. Matanong ko nga, kitikiti ka ba?" sabi ko.

"Kitikiti pag laki'y lamok," kinantahan niya lamang ako na parang nang-aasar.

"Alam mo? Ewan ko sa 'yo ha. Hindi ka ba nagugutom?" Naupo ako sa tabi niya.

"Hindi ako nagugutom. Gusto ko lang talagang makita ang pagsikat ng araw. Naniniwala akong may pag-asa pa pagkatapos ng lahat ng mga nangyari," malungkot na naman siya. Ang dami niya sigurong mga bagahe na pasan-pasan. Gusto kong sabihing iwanan na niyang lahat iyon at magsimula siya ng panibago pero ano bang karapatan ko? Ayaw kong lumagpas sa limitasyon namin. Kasi 'di ba nga ako ang nagsabing walang makikialam sa buhay ng isa't isa?

"Tara maligo? Mukhang masarap ang tubig," pag-iiba ko sa usapan.

"Anong masarap sa maalat?" natatawa niyang tanong.

"Baliw. Ang ibig kong sabihin mukhang masarap maligo, malinaw ang tubig," tumayo ako at pinagpagan ang likuran ng shorts ko.

"Dito na lang ako, panunuorin na lang kita," pagtanggi niya.

Biglang hindi siya naging komportable pagkatapos ko siyang yayain. Hindi na siya makatingin ng deretso sa mga mata ko. Nanginginig ang mga kamay niya habang humihigpit ang hawak niya sa laylayan ng damit niya. Mukha siyang takot na takot pero itinatago niya.

"Uwi na lang tayo, nagugutom na ako. Tara!" Kinuha ko ang kamay niya at inalalayan siyang tumayo. Doon pa lamang huminto ang panginginig nito.

"Better," tipid niya tugon.

Naligo na muna ako pagkabalik sa bahay bago nagluto. Walang internet dito at mahirap din ang signal. Wala namang problema sa akin dahil gusto ko nga ring makapagpahinga. Ito lang din ang kagandahan kapag walang signal, walang nang-aabala. Hindi mo kailangang palaging hawak ang phone mo. Makakapahinga ka talaga rito. May maliit ding kuweba rito at hindi pa ako handang dalhin si Lisa roon. Kahit si Chae hindi rin alam 'yon, na-diskubre ko lang iyon nang minsang maglakad-lakad ako rito sa isla.

"Ang layo a," nagulat ako kay Lisa. Hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala siya.

"Sorry," tugon ko.

"M-muntik na akong m-malunod," sabi niya.

"Ha?"

"Gusto kong sabihing hotdog," at humagalpak siya ng tawa.

"Hindi ako nakikipagbiruan, Lisa," salubong ang kilay ko at doon pa lamang siya naging seryoso.

Hinawakan niya ang kamay ko bago nagsalita.

"Araw-araw akong bumabalik sa plaza at araw-araw din akong nabibigong makita siya. Pero hindi ako sumuko hanggang sa nakita ko ulit siya..."

Akala ko ba hindi na niya nakita?

"Ako na yata ang pinakamasayang bata noon. Pero may kasama siyang iba. Kasama niya 'yong batang sumundo rin sa kanya noong unang beses ko siyang nakita. Takbong-takbo siyang papalapit sa akin at bigla niya akong niyakap. Pakiramdam ko'y bumaba ang mga tala para ibigay ang matagal ko nang hinihiling. Ipinakilala niyang matalik niyang kaibigan ang batang kasama niya. Hindi ko akalaing makakaramdam ako ng panibugho sa ganoong edad," tumawa siya nang mapakla.

May mga laman ang kuwento niya. Sakit? Pangungulila? Masyadong malalim ang sugat na iniwan ng kung sinumang bata iyon. Gusto ko siyang makilala. Tuturuan ko lang siya ng leksyon.

"Gusto kong magalit sa batang kasama niya pero hindi ko magawa. Masyado siyang mabait para kagalitan ko. Wala siyang ginagawang masama. Siguro naiinggit lang ako sa kanya dahil mas madalas niyang nakakasama ang batang gusto kong makita at makasama. Tinatawag niya itong Daga at nang minsang tinawag ko siyang daga bigla na lamang niya akong tinawanan. Hindi raw Daga ang pangalan niya. Mas lalo akong nainggit dahil may tawagan sila samantalang hindi ko man lang maitanong kung anong pangalan niya. Dahil matalino akong bata umisip ako ng ibang paraan para malaman ang pangalan niya nang hindi nagtatanong. Mabuti na lamang at dala ko ang film camera na bigay sa akin ni mommy," mukhang proud na proud siya habang nagku-kuwento.

Bata pa lang pala mahilig na talaga siyang kumuha ng larawan kaya hindi na nakakapagtakang magaling siya. Hasang-hasa na pala talaga siya.

"Sabi ko sa kanila, 'Hoy! Kukunan ko kayo ng picture ha' at kaagad naman silang pumayag. Palagi ko silang tinatawag na hoy hanggang sa napikon na ang pangalawang bata. Sabi niya hindi raw hoy ang pangalan niya. Siya raw si Kim at Kim din daw ang pangalan ng batang kasama niya. Syempre, tawa ako nang tawa noon. Kim-kim? Seriously? Hindi ako naniwala sa kanila pero iyon daw talaga ang totoong pangalan nila. Sabi ko Kim ano? Kim walang apelyido? Si Gloc9 yata sila e. Pero minsan narinig kong tinawag ni Kim 1 si Kim 2 ng Jane, at tinawag ni Kim 2 si Kim 1 ng Soo Ah. Bilang bata mas lalo akong nalito noon. Pakiramdam ko nagsisinungaling sila. Nagpakilala ako, nagbabakasakaling magsasabi na sila ng totoo pero malabo," pagpapatuloy ni Lisa.

"Pero alam mo, palagay ko hindi talaga sila nagsasabi ng totoo," sabi ko at tumango lamang siya.

"Araw-araw na kaming naglalaro at naging komportable na kami sa isa't isa. Minsan pumupunta ako sa bahay nila para sunduin sila. Nagulat pa nga sila kasi bakit daw nalaman ko ang bahay nila. Ang hindi nila alam palihim ko silang sinundan. Sa lola pala nila sila nakatira. Mas napadalas ang paglalaro naming tatlo at minsan nga'y sa kanila pa ako nakikitulog. Si Soo Ah pala ay inampon lang ng lola ni Jane matapos mamatay ang totoong lola nito. Natagpuan na lamang daw itong wala nang buhay isang umaga. At dahil kapitbahay naman sila ng lola ni Jen--" biglang naputol ang pagku-kuwento niya.

"Kain na tayo," dagdag niya.

"Seriously, Lisa? Basta mo na lang ika-cut ang kuwento?"

Ganito 'yung mga hindi nakakatuwang tao. Magku-kuwento pagkatapos ay hindi tatapusin.

"A-ano kasi, a-," nauutal na siya at binitawan na rin niya ang kamay ko.

Hindi ko pa nalalaman ang buong kuwento kung bakit siya takot sa tubig at paanong muntik nang malunod? Basta na lamang siya lumabas at iniwan akong mag-isa.

Pangako, hindi kita titigilan hanggat hindi mo iniiwan ang mga bagahe ng iyong nakaraan.

•••

Sobrang sipag ko naman yatang mag-update. Hahaha. Magiging sobrang busy ko na kasi sa mga susunod na araw. Good morning! Keep safe. GCQ na tayo. Palaging magbasa at manuod ng balita ha para palagi tayong updated. Iwasan ang fake news. ILY.

Uncover [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon