Mabigat pa rin ang pakiramdam ko pero parang lumulutang ako. Marahan akong ibinaba sa kama at dama ko ang lambot nito. Kaagad kinumutan at inalis ang ilang hibla ng buhok na nakakalat sa mukha ko. Ramdam ko ang ubod ng banayad na halik sa noo. Kung si Lisa 'to, ayaw ko na sanang magising pa. Madilim ang kuwarto at tanging ang ilaw lamang na nanggagaling sa labas ang nagsisilbing liwanag dito.
"Lisa," tawag ko habang lasing na lasing ako sa lungkot at antok.
"Magpahinga ka na muna," bulong niya bago tuluyang naglaho.
"Sandali!" Pilit akong sumisigaw ngunit walang boses na lumalabas sa bibig ko. Tumatakbo ako pero hindi ako umaalis sa puwesto.
"Lisa, sandali lang. Hintayin mo ako," tuloy lang ako sa paghabol at pagsigaw ngunit mistula siyang bingi at ako nama'y pipi.
Napabaligwas ako ng bangon habang hinihingal at pawis na pawis. Bumukas ang pinto at iniluwa noon si Lisa.
Si Lisa.
"Anong nangyari, Nini?" lumapit siya sa akin at hinaplos-haplos ang likod ko.
"Totoo ka?" hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at dinama ito.
"Totoo nga," bulong ko at niyakap ko siya nang mahigpit.
"Ssshhh, tahan na. Nandito lang ako, hindi ako aalis," gumanti siya ng yakap at doon pa lang ako napanatag.
"Dito ka muna ha, baba lang ako at ikukuha kita ng tubig," bumitaw siya sa pagkakayapos.
"Dito ka lang, 'wag kang aalis," muli akong yumakap sa kanya. Clingy na kung clingy pero hindi ko rin alam. Pakiramdam ko mawawala na naman siya.
Bahagya niyang ini-agwat ang sarili niya sa akin ay hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
"Hindi ako aalis, 'wag ka nang matakot ha?" tumango lang ako bilang tugon.
Pagod na pagod ang isip ko dahil sa nangyari. Sobrang bigat ng dibdib ko na parang may nakadagan dito.
"Napanuod ko sa balita nag-crash ang eroplanong sinasakyan mo. Paanong narito ka?" muli niya akong inihiga at naupo siya sa gilid ng kama.
"May naiwan kasi ako rito kaya binalikan ko at 'yun naiwan na rin ako ng eroplano," sagot niya bago hinawakan ang kamay ko.
"Nasaan ang sa 'yo?" tanong ko.
"Ang alin?" nalilito niyang tugon.
"Ang katuwang nito," ipinakita ko ang singsing na suot ko.
"Sinuot mo na kaagad? Wala naman sina Mommy, hindi mo naman kailangang magpanggap," parang may tumusok sa matulis na bagay sa dibdib ko. Hindi ako nakasagot.
"Kumain ka na ba? Magluluto ako," akmang babangon na ako pero pinigilan niya ako.
"Ako na, nagluto na ako. Dadalhin ko na lang dito sa itaas," binuhay niya ang ilaw bago bumaba.
Mayamaya pa'y umakyat na rin siya na may dalang tray ng pagkain.
"Marunong ka palang magluto," panunukso ko.
"Syempre naman, pinaghandaan ko na ang paglagay ko sa tahimik," ibinaba niya ang tray sa maliit na mesa at ibinangon ako.
Daig ko pa ang may sakit nito. Hindi rin naman ako baldado.
"Bakit hindi ka sumasagot sa tawag ko? Sa susunod itapon ko na ang cellphone mo, wala namang silbi," hindi ko rin alam kung bakit ako nagagalit. Pero 'di ba may punto naman ako. Aanhin naman ang cellphone kung hindi mo naman gagamitin, hindi ba?
"Naka-silent kasi ang phone ko," pangiti-ngiti pa siya na parang nakakaloko.
"May nakakatuwa ba sa sinabi ko? Mukha kang asong ulol na nabigyan ng buto kaya ngiting-ngiti," iritable kong tugon.
![](https://img.wattpad.com/cover/221837319-288-k652044.jpg)
BINABASA MO ANG
Uncover [COMPLETED]
FanfictionAt sa puntong inaakala mong natagpuan mo na ang pag-ibig na matagal mo nang hinahanap, biglang darating ang pagkakataong hindi mo inaasahan. Nakahanda ka bang makipaglaban o magpaparaya na lamang?