Chapter 17

1.1K 50 9
                                        

"Jen, late ka na," marahan niyang ginalaw ang balikat ko para gisingin ako. Naramdaman ko rin ang magaang pagdampi ng labi niya sa noo ko.

"Good morning," bati ko.

"Bangon na, bilis," hinila niya ang kamay ko at ibinangon ako.

Magaling na ang mga sugat niya maging ang balikat niya. Sabi nga ng mga matatanda malakas pa sa kalabaw. Kaya heto inaatake na naman ng kakulitan.

"Five more minutes, Lis," sagot ko bago nagtakip ng kumot sa mukha. Antok na antok talaga ako. Wala pa ako sa huwisyong bumalik sa office parang gusto ko na lamang magbakasyon ulit.

"Bumangon ka na. Sige na, nagluto ako," hindi pa rin niya ako tinitigilan. Wala akong nagawa kundi ang bumangon na.

Nakaligo na rin pala siya ako na lang talaga ang hinihintay niya. Dali-dali akong naligo para makapag-almusal na kami. Sanay naman akong hindi kumakain bago pumasok pero mukhang araw-araw na akong makakapasok na may laman ang tiyan.

Sabay na kaming kumain ni Lisa. Ito ang unang araw sa trabaho ni Lisa pagkatapos ng aksidente. Baka raw palagi na siyang late makakauwi dahil maraming trabahong dapat tapusin. Inihatid muna ako ni Lisa sa office bago siya pumasok sa trabaho. Susunduin niya rin daw ako mamaya kapag labas na ako. Sinabi kong 'wag na lang at kaya ko namang mag-drive pero mapilit talaga siya. Hassle lang kasi after niya akong ihatid sa condo babalik ulit siya sa site.

"Kahit gaano karaming trabaho 'wag kang magpapalipas ng gutom, okay?" hinalikan niya ako sa pisngi at niyakap bago nagpaalam. Hindi na rin ako naiilang. Naging komportable na rin ako kay Lisa sa tuwing hinahalikan at niyayakap niya ako.

"Yes, engineer. Ikaw rin sana. Text mo ako kapag hindi ka busy," gumanti ako ng yakap at nagpaalam na rin.

Ayaw kong masanay pero traydor ang nararamdaman ko. Siguro kailangan ko lang sumunod sa agos.

"Ano 'yang ngiting yaan ha? Dalawang linggo kang nawala, Jennie," pang-aasar ni Chae.

Na-miss ko ang bruhang ito. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya.

"I miss you, Hubby, thank you for these past few weeks. You did great," sabi ko.

"Yes I did, yes I did," sagot niya habang natatawa.

"Nikki Minaj is that you?"

"Baliw. So how was the vacation?"

Hindi ko lang pinapansin pero mukhang may laman ang mga tanong niya. Nang-aakusa? Nang-aasar? May gustong patunayan?

"Deretsahin mo na ako, Chae," inirapan ko siya.

"Did you do it?" kinindatan niya ako.

"Do what?" nalilito kong tugon.

"You know, the honeymoon thingy," sagot niya bago hinampas ang braso ko.

"Excuse me?!"

Tumawa siya nang malakas at tinalikuran ako.

"I'm just kidding, okay? I'm happy that you're happy," sigaw niya pagkalabas ng office ko.

"I hate you," ganti ko.

Na-miss ko ang table ko. Tambak ang mga papel na kailangang basahin at pirmahan. Napasarap yata ako sa pagbabakasyon at nakalimutan ko nang may trabaho akong dapat balikan.

Mabilis na lumipas ang maghapon at wala man lang paramdam si Lisa. Tambak din siguro ang mga dapat niyang tapusin. Ikaw ba namang mawala ng ilang linggo.

"Sasabay ka?" Yaya ni Chae. Usually kasi sa kanya ako sumasabay kapag wala akong dalang sasakyan, katulad ngayon.

"Una ka na, hinihintay ko si Lisa. Susunduin niya raw ako," sagot ko.

"Sana all mahal," tipid niyang tugon bago tuluyang nagpaalam.

Lately hindi ko masyadong nakikita si Jisoo. I mean lagi naman nga akong wala pero parang hindi ko siya nararamdaman. Hindi rin siya nagme-message or tumatawag. May problema kaya sila ni Chae?

6:00PM na pero wala pa ring Lisa na dumarating. Gusto ko na lamang mag-grab. Pagod na rin kasi ako at gusto ko nang magpahinga.

"Hi," nagulat ako kay Lisa. Hindi ko namalayang nandito na pala siya.

"Sorry, late ako. Ang dami kasing trabaho, delayed na ang projects at nagkaroon pa ng aksidente sa site. Mabuti na lamang at hindi ganoon kalala," dagdag niya.

Halata ang pagod sa mukha niya. Pakiramdam ko hindi lang trabaho ang bumabagabag sa kanya. Bago ko siya matagpuan sa kanyang condo iba na ang nararamdaman ko sa kanya. Parang hindi na siya si Lisa na unang nakilala ko. Hindi na ganoon ka-genuine ang ngiti niya. Hindi na nawawala ang mata niya kapag ngumingiti siya at mas madalas lipad ang isip niya. Kahit noong nasa isla kami pansin ko ang pagbabago niya.

"Ayos lang, marami rin kasi akong tinapos. Tamang-tama lang ang dating mo," pagsisinungaling ko. Ayaw kong maramdaman niyang responsibilad niya ako. Ayaw kong dumagdag pa sa kanya.

Lumabas na kami sa building at sumakay sa kotse niya. Kaninang umaga lang napansin ko ang maliit na picture na nakalagay dito sa kotse pero wala na ito ngayon. Katulad ng picture na 'yon 'yung painting na nakita ko sa condo niya. Iyon siguro 'yung batang laman ng mga kuwento niya.

Pagkarating sa condo nagbihis lang kami at nahiga na. Hindi man lang niya ako tinanong kung nagugutom ba ako or what. At unang beses na natulog siya nang nakatalikod sa akin mula nang lumipat kami rito sa bagong condo namin. Usually humahalik at yumayakap pa siya bago matulog pero ngayon? Parang hindi niya ako nakikita. Hindi ko na lamang pinansin iyon at pinilit ko na lang na matulog.

Nagising ako ng alangang oras. Nakarinig ako na parang umiiyak.

"Lis?" tawag ko.

Lalong lumakas ang pag-iyak niya. Iniharap ko siya sa akin at niyakap ko siya.

"Sshh, bad dreams?" tumango lamang siya at tuloy-tuloy pa rin sa pag-iyak.

"K-kasalanan ko 'to e," sabi niya sa pagitan ng pag-iyak.

Hindi ko alam ang gagawin. Bahagi pa rin pa ito ng mga kuwento niya? Hanggang kailan ba siya magpapa-apekto sa nakaraan niya?

Nakatulog na siya sa kaiiyak. Bumitaw ako sa pagkakayakap at inayos ko ang puwesto niya para makatulog siya nang maayos. Ninakawan ko siya ng halik sa labi at sibukan ko na ring matulog. Napapadalas ang pagnanakaw ko ng halik sa kanya at umaasa akong hindi niya iyon malalaman.

Ipinangako kong aaminin ko na sa kanya ang pagkalitong nararamdaman ko pero nawalan ako ng pagkakataon. Hindi ito ang tamang panahon para umamin ako sa kanya o para maging sigurado. Gusto ko mang maging pansamantalang gamot sa sakit na nararamdaman niya pero hindi ako ang sagot. Malaki ang epekto ng nakaraan niya sa kung sino siya ngayon. Hindi raw mawawala ang takot mo kapag hindi mo ito hinarap at pakiramdam ko araw-araw itong tinatakasan ni Lisa.

Good night, Love.

•••

Tanong ko lang, anong ginagawa ninyo kapag dinadalaw kayo ng lungkot? Anong ginagawa niyo kapag gusto ninyong tumakas? Dati kasi idinaraan ko sa pagsusulat ang pagtakas ko. Pero mukhang hindi na epektibo ngayon. HAHAHAHA. Gusto ko ring magtanggal ng socmed acc. Hahaha. Gusto kong walang makahanap sa akin. Nararamdaman niyo rin ba 'yon minsan? Hahahaha.

Uncover [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon