"Eat first. Drive safely. Mahal kita palagi."
Second day nang nag-iiwan ng note si Lisa bago siya pumasok sa trabaho. Hindi ko na siya naaabutan sa umaga, maliban na lang ang mga inihanda niyang pagkain. Pakiramdam ko iniiwasan niya ako. Mabuti na rin naman dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Sapat na ba ang isang linggo para mapaghandaan niya ang pag-alis ko? Handa na rin ba ako?
Sumisikip ang dibdib ko sa tuwing maiisip ko na pagkatapos ng isang linggo hindi ko na siya makikita. Wala nang umaga na kayakap ko siya. Wala nang i miss you, i love you, wala na lahat. Back to zero na naman ako.
Maaga siyang umaalis at gabing-gabi na siyang umuuwi kaya halos hindi na rin namin nakikita ang isa't isa. Hindi ko alam kung para saan pa ang hiningi niyang isang linggo.
Naupo ako. Ito na siguro ang huling beses na matitikman ko ang luto ni Lisa. Hindi ko namamalayang umiiyak na naman ako. Hanggang kailan ba ako masasaktan nang ganito?
Binilisan ko ang pagkain at naghanda na rin ako para sa pagpasok. Kailangan ko ng distraction. Magpapakalunod na naman ako sa trabaho. Kung puwede lang sanang iwan ko na lang ang lahat at magpakalayo-layo na lang ako, ginawa ko na.
"Good morning to you, my dearest cousin," bati ni Wendy pagkapasok ko sa building.
Hindi ko siya pinansin. Wala ako sa mood makipagbatian sa kanya. Hindi sa ganitong sitwasyon.
"Been sad lately a. You fine?"
"Couz, please. Wala ako sa mood makipag-usap."
Pumasok ako ng elevator at mabilis kong isinara ito. Hindi ko na siya hinintay pang makapasok. Kahit ngayon lang gusto ko ng katahimikan. Gulong-gulo na ang isip ko.
Wala na si Chae. Wala pa akong nahahanap na bagong secretary. Wala pa akong nakikitang qualified. Gusto ko muna rin ng break sa trabaho. Ayaw ko namang iwan ang lahat kay Wendy. Hindi siya pinagkakatiwalaan ni Lisa at pinaiimbestigahan ko na siya. So far wala pa naman akong nakikitang anomalya. 'Wag lang talaga siyang magkakamali. Hindi ko siya mapapatawad kahit magkadugo pa kami.
I miss you.
Halos hindi kami nagkikita ni Lisa kahit nasa iisang condo lang naman kami pero hindi siya pumapalya sa pagme-message sa akin. Ramdom i miss you's and i love you's lang naman or kung kumusta ang araw ko. Ayaw kong isiping may pag-asa pa kami. Na baka puwede pang ipagpatuloy. Matagal na kaming naging masaya sa isang kasinungalingan at gusto ko na 'yung maitama kahit pa nangangahulugan ito nang tuluyan niyang pagkawala.
Lisa's happiness above all.
Unti-unti ko nang tinatanggap na hindi talaga kami para sa isa't isa. Sa umpisa pa lang talo na ako. Ano bang laban ko sa first love, sa true love, sa great love? Wala.
"Miss Kim.."
Lipad na naman ang isip ko at hindi ko namamalayang kanina pa pala akong kinakausap ni Sana. Siya muna ang pansamantalang secretary ko habang wala pa akong nahahanap na bago.
"Ano ulit 'yon?"
"May meeting kayo mamayang 7:00PM."
"Bakit gabi na?" Napakunot ako.
"Sa oras na 'yun lang daw available sina Mr. Han."
Tumango na lang din ako at umalis na rin siya kaagad.
Hindi dapat ako papasok ngayon kung 'di lang dahil sa meeting na 'yon. New investors as usual. Bata pa ako pero parang gusto ko nang mag-retiro.
Maghapon lang akong pumirma ng mga documents at umattend ng ilang meeting. Huling meeting na ngayong araw. Wala naman akong pagpipilian kundi ang um-attend para matapos na 'to.
The usual boring concept. Boring proposals. Bored na bored ako sa lahat ng bagay. Mabilis na lumipas ang oras at inabot na pala kami ng 10:00 PM sa boring na meeting na 'yon.
Bumalik lang ako sa office ko para kuhanin ang mga gamit ko at lumabas na rin ako. Hindi ko inaasahang ganito kaginaw. Wala akong ganang mag-drive. Magka-cab na lang ako nang bigla mapansin ko ang pamilyar na sasakyan.
Lumapit ako rito at marahang kumatok sa bintana. Kaagad din naman niyang binuksan ito.
"Nini..."
Don't cry.
"Anong ginagawa mo rito?"
Ngayon lang ulit kami nagkausap nang ganito. Miss na miss ko na siya. Tambak siguro ang trabaho niya at hindi na siya nakakapagpahinga o nakakatulog nang maayos. Napansin kong bumabagsak na ang katawan niya. Malungkot ang mga mata niya.
"Sinusundo ka. Gabi na at wala ka pa sa bahay. Nag-alala ako."
'Wag mo akong sanayin. Baka hanap-hanapin kita pagkatapos nito. Baka hindi kita mapakawalan.
Naka-jacket lang siya at naka-sweat pants. Pambahay na tsinelas lang din ang suot niya. Hindi na niya siguro ito napansin.
Cute.
Bumaba siya at saka binuksan ang pinto.
Nag-aalinlangan ako kung papasok ba ako o hindi. Wala na rin naman akong nagawa kundi ang sumama na lamang.
"Kumain ka na ba?"
Umiling lang ako bilang tugon.
"Ice cream?"
Para akong batang bigla na lamang napangiti.
Lumapit siya sa akin at marahang ikinabit ang seatbelt ko bago nag-umpisang magmaneho.
"Kapag nagda-drive ka 'wag mong kalilimutang mag-seatbelt palagi ha." Nakatingin lang siya sa daan habang nagsasalita.
Dumaan kami sa convienience store para bumili ng ice cream. Naupo kami sa labas at pinagmasdan ang ganda ng gabi. Halos wala nang tao sa paligid. Ramdam na ramdam ang katahimikan. Napayakap ako sa sarili ko. Malamig ang simoy ng hangin. Naramdaman ko na lamang ang paglapat ng makapal na tela sa katawan ko. Ibinigay pala ni Lisa ang jacket na suot niya.
"Wag kang magpapagabi nang mag-isa dahil lang sa ice cream ha? Mag-stock ka sa bahay." Ngumiti siya nang tipid bago hinaplos ang pisngi ko. Hindi ko sinasadyang mapa-pikit.
I miss you...
Umuwi na rin kami kaagad pagkaubos ng ice cream. Gusto ko pa sanang manatili sa labas pero alam kong kailangan na naming magpahingang pareho.
Pagkarating sa condo ay inihatid niya lang ako sa kuwarto at lumabas na rin siya kaagad. Sa couch na lang daw siya matutulog. Napakalamig ng pakikitungo namin sa isa't isa na kahit naka-jacket ako ay ramdam na ramdam ko pa rin ang ginaw.
Sinubukan kong matulog pero hindi ko magawa. Lumabas ako ng kuwarto para kumuha ng tubig. Nakita kong himbing na himbing si Lisa habang yakap-yakap ang sarili niya. Maingat akong lumapit sa kanya. Iniiwasan kong magising siya. Marahan kong hinaplos ang pisngi niya.
I'll miss you...
Hanggang sa pagtulog malungkot pa rin siya. Mabigat ang bawat pagtaas-baba ng balikat niya. Kung sana'y kaya kong pawiin ang lungkot at bagabag na nararamdaman niya, ginawa ko na. Kung puwede ko lang angkinin ang sakit, kung puwede lang kitang angkinin.
Nini...
Nagulat ako. Dali-dali akong nagtago sa likod ng couch. Ilang minuto pa at hindi na siya nagsalita. Hindi ba dapat sinusulit ko ang natitirang araw na kasama ko siya?
Muli akong lumapit sa kanya. Hinagkan ko siya sa noo. Nahiga ako sa tabi niya. Kinuha ko ang magkabilang braso niya at iniyakap ito sa 'kin. Bahagya siyang kumilos. Isiniksik ang sarili sa akin, at doon pa lamang naging payapa at kalmado ang paghinga niya.
Sana sa paggising ko sa umaga yakap-yakap mo pa rin ako. Mahal kita, Lisa. Mahal na mahal sa puntong nais kitang itakas, angkinin, sarilinin. Pero sa huli, alam kong hindi ka akin. Hindi ka naging akin.
•••
Sorry sa typos at sa lahat. Antok na antok talaga ako habang tina-type 'to. Dere-deretso ko 'tong tinype. Tatlong update. Sana happy kayo. Hahaha. Tapos next year na ulit ang kasunod. Hahaha. Goodnight. Inuubos ko lang ang kape ko. Hahaha.
BINABASA MO ANG
Uncover [COMPLETED]
Fiksi PenggemarAt sa puntong inaakala mong natagpuan mo na ang pag-ibig na matagal mo nang hinahanap, biglang darating ang pagkakataong hindi mo inaasahan. Nakahanda ka bang makipaglaban o magpaparaya na lamang?