Chapter 45

1.5K 31 58
                                    

Nini,

Mahal kita. Hindi mo deserve maiwan nang walang paliwanag. Maaring maguluhan ka sa mga susunod na mababasa mo, gusto ko sanang sa sandaling magduda ka, alalahanin mong mahal kita, mahal na mahal. Wala akong intensyon na masaktan ka. Ito lang ang tanging paraan upang maging ligtas ka.

Nang magdesisyon tayong maghiwalay, gumuho ang mundong nilikha ko para sa ating dalawa. Hindi na ako nagtanong kung anong dahilan mo, basta ang alam ko mahal kita na kahit ang kalayaan mo ay handa kong ibigay sa 'yo.

February, nagpunta ako sa Japan para sa project proposal. Nakita ko si Kai, with your cousin, Wendy. Kaya pala hindi maganda ang pakiramdam ko sa kanya. Pina-imbestigahan ko siya, halos nabili na nila ang 40% ng shares niyo sa company. Gusto nila i-take over ang company niyo. Ganoon kalalim ang galit ng family niya sa family niyo. Sinubukan ko silang pigilan pero nalaman nila ang plano ko. 'Yung mga armadong sumunod sa atin sa isla mga tauhan nila 'yon. Mabuti na lamang at nandoon si tatang, nadala ka niya sa hospital at nagawang iligtas. Nalulungkot akong ibalitang pumanaw na siya. Natunton siya ng mga tauhan ni Kai habang itinatakas ako sa pinagkulungan nila sa akin. 'Wala kang dapat ipag-alala. Hindi kasabwat si lola. Wala siyang nagawa kundi sundin ang utos ng grupo nina Kai. Ligtas na rin siya kasama ng daddy at mommy mo. Maluwag na akong makakahinga dahil alam kong ligtas na kayong lahat.

Alam kong kalabisan na hilingin kong maging maayos na kayo ni Jen-jen. Maniwala ka man o hindi, mahal na mahal ka ng kapatid mo. Kung makakapag-usap lang sana kayo nang maayos baka sakaling maunawaan niyo ang isa't isa. Hanapin mo si Jisoo siya ang makapagpapaliwanag ng lahat, lahat ng mga tanong mo. Ang mahalaga ligtas na kayo ngayon. Talk to Chaeng. Hindi ko alam kung bakit hindi natuloy ang kasal at bakit hindi si Jisoo ang pakakasalan niya. Gusto ko sanang tulungan pa siyang malaman kung anong dahilan ni Chaeng pero wala na akong panahon. Tanda mo ba ang pamilyang katiwala mo sa isla? Sila ang totoong mga magulang ni Jisoo. Nalaman ko noong minsang dumalaw ako sa isla sa sobrang pangungulila ko sa iyo. At base sa mga kwento nila, tugmang-tugma sa kuwento ni Jisoo. Masaya akong nabuo na ang pamilya niya.

Humihingi ako ng tawad sa mga maling desisyon na nagawa ko. Alam kong ito ang makakabuti sa atin. Maraming nangyari habang binabawi ko ang mga nawala niyong shares sa company. I even seduced Wendy para lang mabawi ang mga shares niyo. I'm sorry. Hindi ko rin namalayan na sa bawat araw na kasama ko siya unti-unti na akong nahuhulog sa kanya at ganoon din siya sa akin. Alam kong naguguluhan ka dahil kasama mo siya sa New Zealand. We did it behind your back. I'm sorry. I'm sorry. Kai's gone. Hindi ka na niya malalapitan pa. Nakuha na namin lahat ng ebidensya na kailangan upang maipakulong siya.

Alam kong hindi naging maganda ang simula natin pero maniwala ka, lahat ng ipinakita ko totoo. Mahal kita. Minahal kita. Hinintay kita, pero huli na para sa ating dalawa.

Pakiusap, 'wag mo na akong hahanapin. Paalam.

-Lili

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Oo, ipinaliwanag niya, hindi ba dapat matatahimik na ako? Pero bakit mas lalo akong naguluhan. Wendy? Lisa? Chae? Jisoo? Kai? Anong klaseng laro ba 'to?

"Jennie?!"

"Rubyjane..."

Nakabalik na pala siya. Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako nang mahigpit.

"I'm sorry."

"A-ano bang kasalanan ko para parusahan ako nang ganito?"

"Ssshh. Wala kang kasalanan."

Hinahaplos niya ang likod ko habang sinusubukan niya akong pakalmahin.

"Ginawa niya lang ang sa tingin niya'y makakabuti."

"Rubyjane..."

"Ito ba ang tinutukoy mong pagiging ligtas? Ligtas saan? Ligtas kay Kai? O ligtas sa sakit dulot ng pagkahulog ni Lisa kay Wendy?"

Hindi siya makasagot. May mali sa mga nangyayari. Hindi ako maaaring maniwala sa kapirasong papel na ito. Hanggat hindi sinasabi sa akin ni Lisa nang harapan hindi ako maniniwala rito.

"Nagsisinungaling kayo!"

"Jennie, please, makinig ka. Ginawa ni Lisa ang lahat. Naibalik na sa atin ang lahat nang nawalang shares. Magsimula ka ulit. Huwag mong hayaang masayang ang mga sakripisyo ni Lisa."

"Anong gusto mong gawin ko? Maniwala ako rito?! Paano kung may itinatago pa pala kayo sa akin? Sa dami niyong sikreto, maaring hindi rin 'to totoo. Kilala ko si Lisa, hindi niya 'to gagawin sa akin."

"Gumising ka na, Jennie. Hindi ka na niya mahal."

Para akong nasampal sa sinabi niya. Gaano ba katotoong hindi na niya ako mahal? Hindi na nga ba?

"Sinasabi mo lang 'yan para hindi ko na siya hanapin."

Hindi siya kumikibo.

"Paano mo nagagawang tingnan lang ang kapatid mo habang nasasaktan siya nang ganito? Parang awa mo na, tulungan mo akong hanapin siya."

Hinawakan ko ang magkabilang kamay niya habang nakikiusap.

"Pangako hindi ko na siya sasaktan ulit. Hindi na ako magiging duwag. Please, RJ. Please. Please."

Kahit lumuhod pa ako gagawin ko, mahanap ko lang ulit si Lisa. Hindi ko na kakayanin kapag nawala pa siya ulit.

"Jennie, hindi na siya babalik." Bakas ang lungkot sa boses niya.

"Gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang makausap. Gusto ko siyang mayakap. Gusto kong sabihin sa kanyang mahal na mahal ko siya, na mahal na mahal ko siya, na hindi ako tumigil na mahalin siya."

Walang-tigil sa pagluha ang mga mata ko.

"Jennie, hindi na pwede."

"I'll do everything. I love her, RJ. Just please help me."

"I'm sorry, Jen."

"She's married."

•WAKAS•

Uncover [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon