"Where are you?"
My mom texted me. Nag-grab na lang ako. Hindi pa kasi ako nakakapagpapalit ng gulong. Malay ko bang mata-traffic pala kami. Kung hindi na lang kaya ako tumuloy?
"Ma'am, medyo malapit na naman po tayo, kung maglakad na lang po kaya kayo? Mayroon daw po kasing banggaan baka po matagalan lang kayo lalo," suhestyon ni Manong.
Mag-Angkas kaya ako?
Wow naisip mo pa talaga 'yan, Jennie? Naka-dress ka kaya.
"Isang kanto na lang po ma'am, tapos subdivision na nila," napansin yata ni kuya na nag-a-alinlangan ako.
"A, sige po. Thank you, Kuya."
Bumaba na rin ako at nagsimula nang maglakad. Gusto ko yatang pagsisihang naglakad ako. Hindi ko pa naman 'to kabisado.
"On the way na ako, Mom."
Ngayon ko lang naisipang magreply baka kasi nag-aalala na sila.
Malapit na ako sa isang kanto at natatanaw ko na rin ang subdivision. Medyo madilim, bigla akong nakaramdam ng kaba. Hindi ko lang pinapansin pero pagkababa ko sa grab pakiramdam ko may sumusunod na sa akin. Wala akong kahit anong panlaban dito. Naiwan ko pepper spray ko.
Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad.
Shit. Shit. Shit.
Nagmumura na ako sa isip ko. Ano ba namang kamalasan 'to. Binilisan ko ang paglalakad ko at binilisan niya rin. Jisoo's help me.
Tumakbo ako at tumakbo rin siya.
Mamamatay muna ako bago niya makuha ang katawan ko.
Kaunti na lang at malapit na ako sa gate. Malapit na rin niya akong maabutan.
"Kuya! Kuya, tulong!" Hapong-hapo ako. Halos maubusan na ako ng hininga.
Bigla silang na-alarma.
"Bakit po ma'am?"
"May sumusunod sa akin kuya. Ayan, siya. 'Yang maniac na 'yan," sabi ko habang hawak-hawak ang dibdib ko at tinawanan lang nila ako.
"Magandang gabi po," bati nila sa humahabol sa akin.
Wth.
"Kuya?!" Nagtawanan lang ang dalawang guard.
Nauna pang nakapasok sa akin ang maniac na 'yon, ang ibig kong sabihin ang taong 'yon.
"Ganyan lang po talagang manamit si Miss Lisa kapag galing sa photoshoot," sabi ni kuya habang pinipigil ang pagtawa.
Paano ba namang hindi ko mapagkakamalan, naka-cap at jacket ng kulay itim. Hindi ako mapanghusga, okay. Malay ko bang dito ang bahay niya. Anyway, bahala na siya.
"Kuya, saan ba rito ang Manoban Residence?" Muli silang tumawa.
Ang wirdo, sa totoo lang.
"Yung blue house, Miss. 'Yung pinakamalaking bahay na matatanaw niyo."
"Thank you po."
Pumasok na ako at naglakad papuntang Blue House. Siguradong itatakwil na ako ng mga magulang ko. Late na late na ako.
Papasok na sana ako sa gate nang makita ko si Mommy.
"Mom!" tawag ko.
"Ano ka ba naman, Jennie. Anong oras na? Mabuti na lang at kadarating lang din ng fianceé mo," sagot ni Mommy.
"Ano po bang ginagawa niyo rito sa labas? Malamig, baka sipunin kayo," sabi ko at naglakad na kami papasok sa loob.
"Baka kasi naligaw ka na kaya lumabas na rin ako. Bilisan na natin."
BINABASA MO ANG
Uncover [COMPLETED]
FanficAt sa puntong inaakala mong natagpuan mo na ang pag-ibig na matagal mo nang hinahanap, biglang darating ang pagkakataong hindi mo inaasahan. Nakahanda ka bang makipaglaban o magpaparaya na lamang?