Chapter 4

1.4K 45 6
                                    

"Jen, may bisita ka."

Ang aga pa para tumanggap ng bisita. Ang dami kong trabaho at hindi nakakatulong ang mga tao sa paligid.

"Sino ba 'yang mga 'yan? May appointment ba sila sa akin? Magpa-schedule na muna sila," sagot ko.

Minasahe ko ang sentido ko. Sasabog na yata ang utak ko sa rami ng dapat tapusin. Martes pa lang ngayon at gusto ko na kaagad matapos ang linggong 'to. Gusto ko lang matulog sa condo at magpahinga.

"In-laws mo raw sila," sabi ni Chae.

Actually hindi naman kailangan ni Chae na magtrabaho. May sarili rin silang family business pero ayaw niya raw hawakan. At para makatakas sa daddy niya sinabi niya na sa akin siya nagtatrabaho bilang executive secretary. Wala naman akong choice kundi ang tanggapin siya. In all honesty naman magaling talaga siya, over qualified pa nga e. Trusthworthy at reliable. Meron na akong bestfriend meron pa akong secretary. Mabuti na rin na nasa tabi ko siya, kumbaga siya ang outside lungs ko kapag hirap na hirap na akong huminga.

"Anong in-laws?"

Bigla na lamang bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang matanda.

Shit happens sabi nga ni Bato.

"Jennie, my dear. How are you?" Lumapit sila sa akin para yumakap. At gumanti na lamang din ako ng yakap.

"What brought your here, Mom, Dad?" Ang awkward ng ngiti ko sa totoo lang.

"Uuwi na muna kami sa Thailand ng Daddy mo, babalik na lamang kami sa Sunday," nakangiting wika ng mommy ni Lisa.

Sunday? Sunday? So totoo nga na sa Sunday ang engagement? Mabuti na lamang at dumaan sila. Naalala kong kailangan ko nga palang makipagkita kay Lisa.

"Maupo muna po kayo. Coffee or tea?"

"Wag na, Ija. Dumaan lang talaga kami ng daddy mo para makita ang mapapangasawa ng anak namin. Ikaw na muna ang bahala sa kanya habang wala kami ha. For sure naman nasa condo lang siya or nasa coffee shop," bilin ni mommy Linda. Hindi pa rin talaga ako sanay na tawagin siyang mommy.

Coffee shop?

"A, wala po kayong dapat ipag-alala. Ako na po ang bahala sa kanya," tanging nasabi ko na lamang.

Kaagad din naman silang umalis at doon pa lamang ako nakahinga nang maluwag. Pinindot ko ang bell na konektado sa office ni Chae. Mayamaya pa'y nasa office ko na siya.

"So?" bungad niya.

"Kailangan kong makausap si Lisa. May paraan ka ba para mahanap ang number niya?"

"Alam mo Jennie, ang talino mo pero ang-" hindi na niya natuloy ang gusto niyang sabihin dahil bigla na lamang bumukas ang pinto at iniluwa no'n si Lisa.

Si Lisa. Si Lisa?!

Ang bilis naman po ng sagot Ninyo, Lord.

"Hi, Nini," bati niya.

Lumapit siya sa akin at inilapag ang dala niyang kape, "Americano. And also for your secretary.

Mabilis namang kinuha ni Chae ang kape niya at kinidatan ako bago lumabas sa office ko.

Great! Iniwan niya ako sa ganito ka-awkward na sitwasyon.

"Ah, Lis, ano nga palang number mo?"

Wala nang paligoy-ligoy pa.

"Textmate na tayo?"

"Asa," heto na naman siya. Annoying.

"Ikaw naman napakaseryoso mo," kinuha niya ang phone ko at isinave ang number niya.

Uncover [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon