Chapter 37

726 31 2
                                    

Nagsuot lang ako ng jacket at bumalik na ako sa café. Iniisip ko kung 24/7 ba 'to dahil hanggang sa mga oras na 'to ay nananatili pa rin itong bukas. Pumasok ako sa loob at naupo malapit sa pinto.

Kung sakaling magkatakbuhan, safe ako.

Self-service kaya wala akong nagawa kundi ang magtungo sa counter.

"Café latte," wika ko bago iniabot ang bayad.

Nakatingin lang ako sa phone habang umo-order dahil bigla na lamang nag-text si Wendy.

"Name please," wika ng barista.

"Jennie."

"Dalahin ko na lang po sa table ninyo."

Wala na akong inaksaya pang oras. Bumalik ako sa table ko at matyagang hinintay ang kape.

Ilang minuto pa'y dumating na rin ang kape ko.

"Thank you," sabi ko habang nananatiling nakatingin sa cellphone ko.

"Hindi mo pa rin ba ako titingnan?"

Hindi ko na kailangang tingnan pa. Kabisadong-kabisado ng tainga ko ang boses niya. Masyado siguro akong lutang sa message ni Wendy kaya hindi ko siya nabigyan ng pansin kanina.

Nagtaas ako ng tingin at kaagad niya itong sinalubong.

"Anong ginagawa mo rito?" tipid niyang tanong bago naupo sa harapan ko.

"Nagpapahangin."

"Walang hangin dito sa loob. Labas tayo."

Pakiramdam ko ay bigla na lamang akong na-hipnotismo para sumama sa kanya sa isang iglap.

"Kumusta ka na?"

Halos sabay ang bawat paghakbang naming dalawa. Hindi ko rin alam kung saan kami patutungo. Sumusunod lang ako sa kanya.

Ano bang dapat kong isagot?

Heto mahal na mahal pa rin kita.

"Ayos lang naman. Ikaw? Sigurado akong masaya ka na."

Parang may matigas na bagay na bumara sa lalamuman ko.

"Gusto mong mag-roadtrip?"

"Ha?"

"Tara!"

Ngumiti siya at basta na lamang ako hinila papunta sa sasakyan niya. Hindi ko rin alam kung anong nangyari basta ang alam ko lang nandito na ako sa sasakyan, nilagay niya ang seatbelt ko at nagda-drive na siya kahit hindi ko alam kung saan kami pupunta.

Lord, ilayo niyo po ako sa pagkakamali. Hindi ko pinangarap maging pangalawa. Hindi po ako nilikha para maging marupok pa sa kawayang gatô.

"Idlip ka muna medyo malayo ang biyahe."

Hindi na ako ang Jennie na nakilala mo noon. Malayong-malayo na ako sa Jennie na laging natutulog sa biyahe.

"Nini, wake up. Nandito na tayo."

Nakaramdam ako ng marahang pagtapik sa balikat.

"Hmm. Inaantok pa ako."

"Tumutulo na laway mo."

Napa-baligwas ako at napahawak sa gilid ng labi ko.

Doon pa lang siya tumawa nang malakas.

I miss that. I miss you.

A, malayo na pala sa Jennie na nakilala noon ha.

"Wala naman e!" Hinampas ko siya sa braso.

"Aray!" Reklamo niya habang tumatawa.

May nasaktan bang tumatawa?

Oo, ikaw.

Shut up!

"Nandito na tayo."

Hindi ko inaasahang dito niya ako dadalhin. Bumaba kami ni Lisa at sinalubong kami ng isang matandang lalaki. Pamilyar siya, hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita.

"Nandito na pala kayo, Lisa, Ma'am Jennie," wika ng matanda.

Ngumiti lang ako bilang tugon habang yumakap naman si Lisa sa matanda.

"Na-miss ko kayo, Tatang!" sabi ni Lisa.

"Na-miss din kita, Bata. Matagal-tagal na rin pala, ano? Akala ko hindi mo na siya matatagpuan."

Matatagpuan ang alin? Sino?

"Tara na."

Inalalayan ako ni Lisa pasakay sa bangka.

Napansin kong hindi na siya takot sa dagat.

"Wala kang dapat ipag-alala. Safe tayo rito."

Hindi ako sigurado. Ayaw kong maging isang pagkakamali.

Kahit nag-aalinlanga'y humawak ako sa kamay niya upang makasampa sa bangka. Tama lang ang laki ng bangka para sa aming tatlo. Hindi ko alam kung bakit bangka pwede namang yate.

"Paborito ko kasi ang bangkang ito," sabi ni Lisa pagkaupo namin.

Ganoon ba kalakas ang iniisip ko para marinig niya?

"Halata sa mukha mo," dagdag nito.

"Hindi ka ba hahanapin sa inyo?" tanong ko.

"Hindi. Wala namang naghahanap sa akin."

Sinungaling.

Halos isang oras lang din ang naging biyahe at narating na kami sa isla. Madilim na at tanging ang mga ilaw lamang sa ilang mga poste ang nagsisilbing liwanag.

"Salamat po. Tatawag na lang po ako kapag magpapasundo na kami," sabi ni Lisa bago nagpaalam sa matanda.

Tumango lang ang matanda bilang tugon. At kaagad din pinatakbo ang bangka.

Hindi rin naman ganoon kalayo ang bahay ni Lisa sa dalampasigan kaya mabilis lang din kaming nakapasok dito. Hindi ko alam kung gaano kalaki ang islang ito. Masyadong madilim para makita ko pa ang kabuoan nito.

"Magbihis ka na," utos ni Lisa.

"Paano ako magbibihis wala naman akong dalang damit. Tsaka bakit ba tayo nandito? Akala ko magpapahangin lang?" reklamo ko.

"Oo nga, magpapahangin. Dito malakas at sariwa ang hangin."

"Niloloko mo ba ako, ha, Lisa?!" Hindi ko maiwasang hindi magtaas ng boses. Pagkalipas ng ilang taon ngayon ko lang ulit siya makakasama at sa ganitong sitwasyon pa.

"Kailan na ba kita niloko?"

Palagi. Palagi mo akong niloloko.

"Gusto ko nang umuwi."

"Simulan mo nang maglangoy."

"Seriously, Lisa?! Hindi ako nakikipagbiruan."

"Mukha ba akong nagbibiro?"

Tinalikuran niya ako at pumasok siya sa kuwarto.

Napasabunot na lamang ako sa sobrang pagka-dismaya.

Naupo ako at bahagyang sumandal. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Naramdaman ko na lamang na parang lumulutang ako sa ere.

Ale, nasa langit na ba ako?

Uncover [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon