"Jennie, ikaw na ba 'yan?"
Kaagad akong yumakap ako kay lola pagkakita ko sa kanya. Matagal na rin noong huling beses ko siyang nakita. Halos hindi ko na nga maalala.
"Sshh. Iiyak mo lang 'yan, apo," sabi ni Lola habang hinahaplos ang likod ko. Gusto kong magsumbong. Gusto kong umiyak. Gusto kong magwala.
Hinayaan niya lang akong umiyak nang umiyak hanggang sa kusa na rin akong napagod.
"Kumain na muna tayo? Alam kong napagod ka sa biyahe."
Ngumiti siya nang naaliwalas at saka hinila akong papasok sa loob ng bahay. Halos wala rin namang nagbago rito.
"Ayaw niyo po bang ipa-renovate natin ang bahay?"
"Hindi na kailangan, apo. Ito na nga lang ang naiwan sa akin ng lolo mo."
Naupo ako habang abala sa paghahanda ni lola. Gusto ko man siyang tulungan pero pinigilan niya ako.
"Hindi ko pa nakakabisa ang kalderetang gusto mo."
"Paano niyo po nalaman na tungkol sa kaldereta?"
"Halos linggo-linggo nandito si Lisa. Nagpapaluto ng kaldereta. Hindi ko nga alam sa batang 'yon e."
"Kailan po siya huling nagpunta rito?"
"Noong nakaraang huling dalawang linggo yata. Sobrang saya niya nung umuwi rito. Noon niya nga lang ulit binuksan ang kuwartong iyan."
"Nakita niyo na po ba ang susi?"
"Oo, kaso nito lang pinapalitan niya ulit."
Parang ilang beses na ring pinapalitan ni Lisa ang susi nitong kuwarto, mas lalo tuloy akong nahihiwagaan sa kung ano bang nilalaman ng kuwartong ito. Old pictures nilang dalawa ng kapatid ko? Mga alaala?
"Kumain ka na muna, 'wag ka nang masyadong mag-isip." Ngumiti nang tipid si Lola at saka sinabayan akong kumain.
Pagkatapos, hinugasan ko ang pinggan at hinayaan kong maupo si Lola. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano niya natatagalan ang mag-isa rito sa bahay. May mga kapitbahay rin naman siya pero parang ang lungkot pa rin.
"Magpapahinga na ako, apo ha. May mga damit namang malinis diyan sa aparador, magtingin ka na lamang."
Tumayo siya at dere-deretsong pumasok sa kuwarto. Naiwan akong mag-isa sa sala habang iniisip kung paano ko mabubuksan ang kuwarto ni Lisa.
Lumapit ako at maiging pinagmasdan ito. Code at finger print na ang gamit nito. Sa pagkakakilala ko kay Lisa, maingat siya sa mga gamit, at sa puntong kailangan pang lagyan niya ito ng code nasisigurado kong may makukuha akong sagot kung sakaling mabuksan ko na ito.
Sinubukan kong ilagay ang birthday niya pero hindi ito nabuksan. Naniniwala akong konektado kay Lisa ang code na inilagay niya. Hindi kaya birthday ni Rubyjane?
011696.
Hindi na rin ako nagulat na bumukas ito. Ganoon niya talaga kamahal si Rj sa puntong hanggang sa code ay konektado pa rin sa kanya.
Kinapa ko ang switch ng ilaw. Pagkabukas ng ilaw ay bigla na lamang tumambad ang maraming retrato.
Ako habang kausap si Kai. Habang naglalakad, nagtatrabaho, nagkakape. At halos lahat ng laman nito, mukha ko. May nakakakalat sa sahig, may nakadikit sa dingding, at mayroon ding glass board kung saan nakadikit ang mga retrato ng lahat ng taong konektado sa akin o mas tamang sabihing sa pamilya ko. Ayaw kong pag-isipan ng masama si Lisa. Sa maikling panahong nakasama ko siya alam kong mabuti siyang tao. Kailangan ko na talaga siyang makita. Mas lalo lang akong naguluhan sa natuklasan ko.
Lumapit ako sa glass board at tinitigan ito. May mga nakadikit na larawan dito, ako, si Kai, si mom, dad, Wendy, Lola, Jisoo, Chae at higit sa lahat si Rubyjane. May mga guhit ito na kone-konekta. Hindi ko alam kung para saan ito.
Lisa ano pa bang tinatago mo?
"Jennie?"
Kahit tuliro ay dali-dali akong lumabas ng kuwarto ni Lisa. Mabuti na lamang at patay ang ilaw.
"La, bigla lang po akong nauhaw. Akyat na rin po ako." Bahagyang nagsalubong ang kilay ni Lola.
"Ang pagmamahal ay pagtitiwala, Jennie."
Hindi ko alam kung anong nais iparating ni lola.
"Magpahinga ka na," dagdag nito.
Nagpabaling-baling na ako sa magkabilang bahagi ng kama pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. Hindi mawala sa isip ko ang nakita ko.
Ang tagal kong nawala at may mga larawang-kuha sa New Zealand. Hindi ko pala talaga natakasan si Lisa.
Unti-unti nang bumibigat ang talukap ng mga mata ko hanggang sa dinalaw na ako ng antok at doon naman tumunog ang cellphone ko.
Kinapa ko ito at hindi na nag-abalang tingnan pa kung sinong tumatawag.
"Hello?"
Malakas na sigaw ang bumungad sa akin. Ngayon lang niya ako pinagtaasan ng boses.
"Bumalik na akong New Zealand."
•••
Hi. Sorry sobrang tagal ng update. Iniisip ko na rin kung paano matatapos 'to. Ang hirap pagkasiyahin ng oras. Ramdam niyo rin ba? Hahaha. Keep safe. Matatapos din natin ito, kaunting tyaga lang, magkakanilaga rin tayo. HAHAHA!
BINABASA MO ANG
Uncover [COMPLETED]
أدب الهواةAt sa puntong inaakala mong natagpuan mo na ang pag-ibig na matagal mo nang hinahanap, biglang darating ang pagkakataong hindi mo inaasahan. Nakahanda ka bang makipaglaban o magpaparaya na lamang?