Chapter 12

1.2K 46 1
                                        

"Yah! Lisayah!

Nagtakip lang siya ng unan na parang walang naririnig. Kanina pa akong tawag nang tawag sa phone niya pero hindi niya sinasagot tapos madadatngan kong napakahimbing ng tulog niya? Hindi ako natutuwa.

"Five minutes, Jen. Please," sabi niya na halos hindi ko naman maintindihan dahil sa takip niyang unan.

"Bumangon ka na, tanghali na tayo. 'Di ba ngayon na tayo bibili ng mga gamit natin?" Pilit kong tinanggal ang unan na nakatakip sa mukha niya.

"Shit!

"Shit talaga, Lisa. Bangon na! Maligo ka na. Tingnan mo nga ang histura mo. Mukha kang gusgusin."

Mukha talaga siyang gusgusin. Gulong-gulo ang buhok niya. Lukot na lukot ang damit at amoy alak.

Amoy alak?

"Saan ka nanggaling kagabi? Kaya ba tinanghali ka dahil diyan sa hangover mo?!" Ang aga kong magsermon.

"Sorry, hindi kasi ako makatanggi kina Seul. Nagkayayaan kagabi, wala na akong nagawa," sagot niya bago naupo.

"Maligo ka na, magluluto akong almusal. Bilisan mo na ha. Ayaw kong naghihintay," lumabas na ako ng kuwarto at nagtungong kusina.

Padalawang beses ko nang nakakapunta rito. Sinabi na rin niya ang code niya. Sooner or later malalaman ko na rin naman daw ang lahat sa kanya. Binibigyan na niya ako ng access sa lahat. Akala mo naman hindi kami maghihiwalay after a year. Parang biglang kumirot ang dibdib ko.

"Hello, Leo," kinuha ko ang pusang pakalat-kalat. Si Leo lang nakita ko rito nasaan kaya si Luca, Lily at Louis? Naipakilala na rin niya ang mga pusa niya. Lahat daw ng pangalan ng pusa niya ay galing sa kababata niya. Pangarap daw kasi nito na magkaroon din ng pusa noon.

Naglagay ako ng cat food at ibinaba ko na rin si Leo. Naghugas lang ako ng kamay at nag-umpisa na akong magluto. Masyado maaga para sa kaldereta. Nagluto na lang ako ng itlog, ham, hotdog at sinangag. Nagtimpla na lang din ako ng kape. Dito na rin ako makiki-almusal. Hindi na ako nakapag-almusal sa condo dahil sa pagmamadali. Tapos madadatngan ko lang na natutulog pa pala si Lisa, napakahusay talaga.

Halos sabay lang matapos ang pagluluto ko at pagbibihis ni Lisa.

"Ang bango naman niyan, Bansot," napakunot ako.

"Wag kang kakain nito ha. Magluto ka nang sa 'yo. Para sa akin lang 'to," sagot ko habang isa-isa inilalagay sa mesa ang mga pagkaing niluto ko.

"Nagbibiro lang naman e, halika," humila siya ng isang upuan para makaupo ako.

"Thank you pero hindi 'yan gagana. Magluto ka ng pagkain mo," naupo ako at naglagay na ako ng pagkain ko.

"Torture yata 'to, Jennie," pinanunuod niya lang ako habang sumasandok.

Napansin kong maga ang mga mata niya. Umiyak ba siya?

"Kumain ka na, tanghali na tayo," yaya ko na kaagad namang nagpangiti sa kanya.

"Sabi na e, hindi mo ako matitiis," naglagay na rin siya ng pagkain niya at nagsimula nang kumain.

"Ang sarap namang gumising araw-araw," bulong ni Lisa.

Akala mo naman hindi ko napakinig 'yon.

"You're welcome, Lisa. Ikaw lang naman ang magbabayad ng lahat ng gamit na bibilhin natin," sabi ko bago tumawa nang malakas.

"Ang ganda mo lalo," wika ni Lisa.

Biglang nag-init ang tainga at pisngi ko na parang bumabaligtad ang sikmura ko. Wala naman akong masamang kinain pero nagwawala ang tiyan ko. At heto na naman ang malakas na kabog ng dibdib ko. Parang may nagtatambol sa loob nito. Hindi kaya may fiestahan sa loob nito?

Uncover [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon