Rahi
Napabuga nalang ako ng hangin sa kusina. It was just 4:00 AM.
"Ang aga mo nagising."
Mabilis akong napalingon sa likuran ko.
"Xeah! H'wag kang nanggugulat." Sabi ko at napahawak sa dibdib ko.
"Sorry, I thought your senses were also awake. I thought wrong pala." Sagot nito at kumuha ng baso, magtitimpla siguro ng gatas.
"So, why are you up early? May pasok pa tayo, you still have an hour before your normal waking hour."
"I don't know."
"Excited ka lang makita girlfriend mo eh."
Tukso niya pa na ikina pula ng mukha ko."W-whatever."
"Come on, it's still early. Let's shoot some hoops." Tumango nalang ako at nagpunta kami sa likod ng bahay nila. There's a movable ring already set up there. Kinuha niya ang bola at pinasa sa'kin.
"You look troubled."
I made a stance and shoot the ball. Pumasok naman ito.
"Marceline wants to know kung bakit naging guardian ko ang parents mo."
Kinuha niya ang bola at nag dribble. Tumira naman siya. Naipasok niya ito.
"Do you want to tell her?""I guess? I mean that's would a good girlfriend would do, right?"
Kibit balikat lang ang naging sagot niya at pinasa ang bola sa'kin. I did a lay up shot and pass the ball to her afterwards.
"You can tell her if you really want to, if not, then I think Marceline would understand." She said while making the ball spin on her pointer finger.
"Okay."
After that, we spent the next 30 minutes shooting on the hoop. We took a bath and prepare ourselves for school.
Pumunta muna ako sa garden ni Tita Roselei. Buti nalang nandun na ang hardinero nilang si Kuya Rowel.
"Oh, bakit napadpad ka dito na ganitong kaaga?"
Natawa naman ako sa naging bungad niya. "Good morning din po Kuya Rowel."
"Anong bulaklak ba gusto mo?" Tanong niya at kinuha ang hand pruners niya.
"Paano niyo po nalaman?"
"Malamang, may iba pa bang rason para pumunta ka dito?" Natawa siya habang ako napakamot lang sa ulo.
"Daisy po." Tita Roselei has various kinds of flowers in her garden.
"Ah, Daisy sinisimbolo nito ang totoong pagmamahal." Sabi ni Kuya Rowel.
Napatingin ako sa kanya?
"Eh?"
Tumawa lang siya at pumutol siya ng limang piraso at tinalian niya pa ito ng elongated leaf. Hindi ko alam ang tawag 'dun eh basta dayon pa din 'yun.
"Kung sino man ang bibigyan mo nito, napaka swerte niya."
Ngumiti nalang ako sa kanya at nagpasalamat. Habang naglalakad pabalik sa bahay, napatitig ako sa bulaklak.
True love, huh.
Ngumiti nalang ako at napailing. I like Marceline, kaya there's no doubt if one day I'll probably love her too. Malayo pa naman siguro 'yun diba?
"Oh, ibang ngiti 'yan ah." Sabi ni Tita Reese. Napasulyap naman siya sa hawak ko.
"Nice choice." She said and smiled.
BINABASA MO ANG
Rahi Lascivus
Teen FictionBarkada Series #1 Highest Ranks in Tags: #2 Lesbian #2 Confuse #2 Barkada #4 Lesbianstory #5 GxG #9 wlw #11 GL