Marceline
I totally freakingly hate myself right now! I should have been more careful of my actions, of keeping my feelings for Rahi in tact.
Nagpadala ako ng bugso ng damdamin. Alam ko naman eh, gustong gusto ko si Rahi. But why did I did that?
Everything is a mess right now. And I took all the blame for what's happening right now.
Two weeks ago, I was just not minding about anything. Kasi, akala ko hindi ako madadala.
We were taking a vacation kasama si David Mahito, pati na din ang kuya niyang si Dino. Which is my first love. Ang unang lalaking nagturo sa'kin ng pagmamahal.
Siya 'yung ka dinner date ko sana noong nalasing ako sa Presty's, noong gabing tinulungan ako ni Rahi.
I even almost blamed Stacey sa hindi pagsabi na nakauwi na pala si Dino. And you know what she said?
"Para saan pa? Hindi naman siguro na kailangan. At sa tingin ko, mukhang masaya ka naman kay Rahi sa tuwing kasama mo siya. I don't wanna ruin it by informing you that Dino came home."
Which is not totally her fault. Stacey's got a point.
Ako talaga 'yung may kasalanan. At ang tanga tanga ko pa. I've hurt Rahi.
She doesn't deserve any of this. Kailangan ko siyang makausap.
Iyak lang ako ng iyak noong gabing nagkausap kami. At kinabukasan, wala akong Rahi na nakita.
Hindi daw ito pumasok sabi ni Shannon. Tinong kasi ito ni Stacey, kasi hindi ako makalapit sa tatlong kaibigan ni Rahi.
Nahihiya ako, kasi alam kong nandun din sila noong gabing 'yun. But, I really need to talk to Rahi.
"Oh, iiyak ka na naman. Kung hindi ka rin naman kasi shunga, hinayaan mo pang halikan ka ni Dino."
"Eh bakit mo kasi dinala si Rahi?"
"Gusto ko kasing magkausap kayo. At gusto ko din na makita niyang may kasama kang iba, kasi alam kong mage-gets niya 'yung nangyayari. Pero hindi ko alam ganon ang mangyayari!"
Tumulo naman ang luha ko dahil naalala ko ang gabing 'yun.
"I'm sorry, okay! I was so shocked I didn't have time to pushed him away."
It was true, tsaka sa pamamagitan ng halik na 'yun I proved na wala na talaga. Wala na 'yung dating kilig na nararamdaman ko kay Dino noon. Hindi ko siya naging boyfriend, parang mag jowa lang kami ganon.
MU sa madaling salita. Walang label. But Dino made me feel loved way back then. The night when he kissed me, we talked about what happened kung bakit hindi niya ako sinipot. It seems like, hindi pa siya handa. And with that, nakilala ko si Rahi.
At ngayon na nakabalik na si Dino, he wanted to start over. But I was the one who declined. I just need to explain to Rahi.
Totoo pala talaga na kapag may aalis, may darating na higit pa sa inaasahan mo. And now, I let that go. But, I'll bring her back.
"Neknek mo! Paano mo ipapaliwanag 'yan kay Rahi?"
"Basta! I'll keep on trying." Pinahid ko ang mga luha kong lumalandas sa pisngi ko.
"Oh." Hawak ni Stacey ang phone niya at naka 'o' pa ang bibig nito habang may tinitingnan sa screen ng phone niya.
"Better make it fast then, marami din ang abangers sa kanya."
She showed me her phone, at para namang tinusok ang karayom ang puso ko. It was a photo of Zaine and Rahi.
Ganito din ba ang naramdaman niya noong gabing 'yun?
BINABASA MO ANG
Rahi Lascivus
Novela JuvenilBarkada Series #1 Highest Ranks in Tags: #2 Lesbian #2 Confuse #2 Barkada #4 Lesbianstory #5 GxG #9 wlw #11 GL