Xeah's POV
Three days has passed since the game against the Marians. As expected, Rahi went all out and took the whole fourth quarter by herself, with our assistance of course.
Shine Golez's reaction was nuts, I could tell her envy turned into admiration after the friendly game. Palagi kaming naglalaro against Marians kapag practice game, but we usually hide Rahi's skills. Magagaling din naman ang ibang members namin noon, kaya hindi mahirap itago ang skills ni Rahi. Coach wanted to let her skills be of use whenever a real game happens.
"I'm bored." Napaangat ang tingin ko kay Luci mula sa notebook ko. Nagrereview kasi kami dito sa labas ng classroom namin.
Vacant kasi namin ngayon, kasi absent ang teacher namin sa third period. Nakahalumbaba naman si Luci, si Yoj natutulog, at si Rahi naman nakatingin sa asul na langit. May shade naman ng kahoy dito sa concrete table.
"Mag-aral ka nga muna. May quiz bukas." Payo ko sa kanya.
"Tambay tayo kay Lola Pasing." Deklara ni Luci, dahilan para lumingon kami ni Rahi sa kanya. Napaangat din ng ulo si Yoj.
"What?! Naloloko ka na ba?" Sabi ko naman at napatayo.
Napangisi lang si Luci.
"Tara na!" Deklara ni Yoj at hinatak nila akong tatlo patungo sa likod ng building namin.
"H-hoy! Pag tayo talaga nakita dito." Hindi naman kasi ako sanay kapag nais nilang mag cutting classes. Nasapo ko ang noo ko when I saw Rahi climbed the wall.
"Halika na Xeah." Aya niya sa'kin, she helped me up together with Luci and Yoj. When we got to the top, sabay kaming tumalon sa kabila.
"Hindi ko alam kung bakit niyo ko nadala dito." Sabi ko.
"Aminin mo nalang na bored ka rin." Luci grinned at me and I rolled my eyes at her. Naglakad kami patungo sa tindahan ni Lola Pasing.
When we got there, Lola Pasing was putting her products in display. Maraming tinitinda si Lola, kakanin, tsaka lutong ulam, at of course street foods.
"La! Kami na po d'yan!" Biglang sigaw ni Luci, nagulat pa nga si Lola.
"Naku kang bata ka! Papatayin mo ba ako sa gulat?" Kinuha ni Yoj ang dala nitong tray at inilagay sa mga counter na yari sa kahoy.
"Hindi naman po. Wala na kaming tatambayan kapag tsugi na kayo eh." Nabatukan ko tuloy siya.
"Ewan ko sa'yo Luci." Tanging sagot ni Lola Pasing sabay na naiiling.
"Teka, bakit nga pala kayo narito? Oras pa ng klase ah." Naupo naman kaming apat matapos na naidisplay nila Yoj at Rahi ang mga paninda ni Lola.
"Boring po sa loob eh." Sagot ni Yoj.
"Wala po talaga kaming klase sa subject na 'to. Kaso mamaya meron na. Itong tatlo nag aya rito." Sagot ko naman. Tumango si Lola Pasing.
"Oh siya mga iha, anong gusto niyong kainin?"
"Kutchenta!" Sabay sagot naming apat. Napailing nalang si Lola.
"Talagang hindi kayo nagsasawa."
"Eh masarap po gawa niyo eh." Sagot ni Rahi.
Pumasok si Lola sa loob para kunin ang order namin.
"Bike tayo later pagkatapos dito." Napairap ako kay Luci. Sa aming apat siya talaga mahilig mag laro. Pati babae nilalaro eh. Note the sarcasm.
"No, babalik tayo before even the fourth period starts." I told her.
"Boo! KJ nito." Sabi naman niya.
BINABASA MO ANG
Rahi Lascivus
Teen FictionBarkada Series #1 Highest Ranks in Tags: #2 Lesbian #2 Confuse #2 Barkada #4 Lesbianstory #5 GxG #9 wlw #11 GL