Rahi
"What the actual fuck?!" I could hear Kinley's voice.
I stirred from my sleep, ramdam ko din mainit ang mukha ko. I opened my eyes at sumalubong sa'kin ang sinag ng araw.
I looked around at nakitang nag passed out din ang tatlo sa loob ng kotse. I remember now, we were so wasted and we end up here sa labas ng bahay namin.
What the fuck?!
Nasapo ko ang ulo ko. Frigging hang over!
I groaned, and I immediately glanced back at the girls. Nagising din si Yoj at nagpalinga linga. Nasa driver's seat kasi siya.
"Dude, we're so dead." Sabi ko sa kanya.
"Talagang dead kayo! Tita Reese called at tinanong kung nakita ko ba kayo. I told her na nandito kayo." Napalingon ako sa labas ng bintana, nasa labas si Kinley at ang sungit niyang tingnan ngayon.
"At least no one got hurt." Yoj said.
"I think I am." Sabi ko nang mapagtantong malagkit ang braso ko.
"Fuck you're bleeding!" Yoj exclaimed, mabilis naman lumapit si Kinley sa kotse at chineck ako.
Nagising naman ang dalawa sa backseat nang marinig ang ingay namin.
"Omg! What happened?!" Xeah was panicking when she saw my bloody shirt.
"Did we got into an accident last night?!" Luci asked us at hindi din namin alam anong nangyari.
"Walang gasgas ang kotse ni Yoj. Saan ba kayo nag punta kagabi?!" Inis na sabi ni Kinley at tiningnan ang sugat ko.
"Malalim ang sugat mo, we need to have you stitch." Sabi niya.
"Okay, let's go to the nearest clinic."
"Kaya mong mag drive?" Tanong ko.
"Ako na." Presenta ni Kinley, mabilis naman na lumabas si Yoj at lumipat sa backseat.
Agad naman ini-start ni Kinley ang kotse at nag drive patungo sa clinic na malapit lang sa barangay hall.
Ilang minuto lang ang lumipas narating namin ang clinic at agad naman na inasikaso ako ng nurse. Buti nalang kakapasok lang ng doctor na may-ari nitong clinic at agad din akong inagapan.
20 minutes later, habang tinatahi pa ni Doc ang sugat ko, biglang bumukas ang pintoan.
"Anong nangyari sa'yo Rahi?! Nasaksak ka ba?!"
Bungad ni Marceline na nag-aalala. What is she doing here?
"Relax Marceline. The doctor is treating her." Sagot ni Yoj.
Hindi ko alam kung paano niya nalaman na nandito kami, or tinawagan yata siya ng isa sa mga kaibigan ko.
"Ano ba kasing pumasok sa utak ninyo at bumiyahe pa kayo?! Nakainom pa naman kayo!"
Ayan na po ang dragona. Bumubuga na naman siya ng apoy.
"Tapos na."
Agad ko namang tiningnan ang sugat ko. Masakit 'yun after nahimasmasan ako sa kalasingan ko kanina.
"Thanks doc." Sagot ko nalang.
"Let it heal muna ah. H'wag mo masyadong gamitin ang right arm mo para mabilis ang pag galing. Resetahan nalang kita ng painkillers." Tumango ako, mabilis na umalis sila Doc at ang nurse na kasama niya. Sumunod naman si Kinley at Xeah sa kanila. Para siguro mag bayad.
BINABASA MO ANG
Rahi Lascivus
Teen FictionBarkada Series #1 Highest Ranks in Tags: #2 Lesbian #2 Confuse #2 Barkada #4 Lesbianstory #5 GxG #9 wlw #11 GL