Chapter 18

5K 233 12
                                    

Rahi

Dinala kami nila Ate Astrid at Kinley sa cafeteria ng Monroe. Maraming estudyante dito, and most of them ay napapalinga sa amin.

Baka dahil sa suot naming uniform ng Saint? Or probably because sa mga nag gagandahang babae na mga kasama ko.

Anyways, Kinley offered na siya ang mag-oorder, kaya sinabi namin ang mga gusto namin. Hindi naman natagalan si Kinley ay bumalik na ito dala ang mga pagkain namin.

Agad naming nilantakan 'to dahil sa gutom kakatakbo kanina. Nakakapagod din kayang magpadyak sa bike.

"So, spill the tea." Xeah excitingly said.

Nakayuko si Ate Astrid at namula si Kinley.

That's a first.

Napataas ang kilay ko sa inakto ni Kinley.

"Natatandaan niyo 'yung nag outing tayo sa inland resort nila Yoj?"

Oo naman, lasing nga kami 'nun eh. Katabi ko pa si Marceline natulog.

That girl.

"Something happened that night." Kinley continued.

"Kailangan mo bang sabihin 'yun?!" Napatingin kami kay Ate Astrid na namumula.

"May nangyari bang parental guidance?" Ngising tanong ni Luci. Sarap din batukan ng isang 'to. Kita na ngang nasa pinch ang Ate niya. Tinutukso pa.

"W-wala!" Defensive na sagot ni Ate Astrid kaya napangisi tuloy ng lalo si Luci.

"So, kayo na?" Tanong ko nalang.

Marahan silang tumango.

Napahiyaw pa si Luci sa sagot nila. "I'll call you bayaw now." Natatawang sambit ni Luci kay Kinley.

"Hindi mo na crush si Yoj, Ate?" Napalingon sila sa'kin.

"Sino bang may sabing crush ko 'yang yelong 'yan?!" Inis na tanong ni Ate Astrid, habang si Yoj kibit balikat lang.

"Si Luci." Sagot ko. The former glared at me and her sister glared at her also. I laughed at how these two had the same reactions.

"Okay, enough. Anong ginagawa ninyong apat dito?" Kinley asked this time.

"Si Luci may pakana nito. Dito niya kami dinala." Sagot ni Xeah.

"Kasi ang hot ng mga college girls." Taas baba ang kilay ni Luci habang sumasagot. Napailing nalang kami. Kahit kailan talaga.

"Bakit kayo nakapasok dito? To think suot niyo pa ang mga uniform ninyo." Sabi ni Ate Astrid.

"Pinapasok kami ng VP ng school ninyo. Si Mrs. Moniel." Sagot ko naman. Nagtatakang nakatingin naman silang dalawa sa amin.

"Ninang ni Yoj si Mrs. Moniel." Sagot no Xeah na kumukuha ng pagkain.

"Enough about that, kailangan na din naming umalis after lunch." Si Yoj ang nagsalita at napasandal sa upuan niya.

"Aww already?" Malungkot na saad ni Luci. Napapailing naman kami.

"May pasok pa tayo later no!" Sabat ni Xeah.

Luci sighed at kinain ang natitira niyang food.

"Monroe University 'to diba?" Napatingin naman silang lahat sa'kin.

"So, pag-aari ni Haliya 'to?" Nagulat pa si Xeah at napa snap sa kanyang mga daliri.

"I knew it! Buti nalang pinaalala mo Rahi. Is she the one who you were staring at kanina?" Bumaling siya kay Yoj na bored lang na nakatingin sa pagkain niya.

Rahi LascivusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon