Chapter 40

5.7K 234 61
                                    

Rahi

Nagising ako na hapo ang ulo ko.

"Putangina, alak pa!" Sabi ko sa sarili ko.

Nakita ko naman ang barkada, dito kami natulog sa sala dahil nalasing na nga sila.

Napatingin ako sa orasan, it was already 5 AM.

Kailangan ko pang mag handa para sa school ni Shu. Agad akong nag punta sa kusina para mag saing para sa amin.

Naramdaman ko namang may bumangga sa likod ko. Napangiti ako when it was our bunso. Nakatungo siya sa likod ko.

"Good morning."

"Rahi, patimpla ng kape."

"Wait. Upo ka muna." Nakita ko na din mula sa kusina na bumangon na pala ang dalawa. Yoj and Luci cleaned up our beddings.

"Here oh." Inabotan ko muna ng tubig si Xeah.

"Oh, Tanduay pa mga hangal." Sabi ko dahil nagpunta na din si Luci sa kusina at nakatungo sa mesa.

She groaned.

"Laking Tanduay tayo gaga." Komento ni Luci.

Napailing nalang ako.

After a couple of minutes, tinimplahan ko na ang mga sarili namin ng kape.

Yoj helped me out sa pagluluto ng breakfast. Shu woke up a minute later. Papungas pungas pa siyang naglakad patungo sa amin.

"Good morning mga Ate." Isa isa niya kaming binigyan ng halik.

"You stink!" Natawa ako sa sinabi niya.

"Take a bath, baby boy." Sabi ni Xeah.

Nagsiligo naman kami after uminom ng kape. Once we got dressed, we head towards the kitchen para kumain.

In the middle of the breakfast, may kumatok sa pintoan. Tinungo ko naman ito. Ang aga naman nito.

Nasurpresa ako sa nadatnan.

It was Renzo. Sumilip din ako sa likod, ang dami niyang body guards na kasama.

"Papa insisted." Sabi nito. Naguluhan ako, pero naalala ko nga pala na baka alam na ng press ang address ko.

"He wanted to make you safe and Shu." Hindi ako umimik.

"Pasok ka." Binuksan ko ng malaki ang pintoan. He came in and wander his eyes around. His eyes landed on my friends.

Tanging divider lang kasi ang partition ng sala at kusina. Walang wall.

"Good morning." Bati ni Renzo sa kanila.

"Good morning din po." Balik naman nila.

"Kumain ka na ba? There's enough food pa naman."

Renzo looked at me and smiled.

"Thanks for the offer, pero kumain na ako. I just really dropped by para ihabilin ang bodyguards dito."

"Hindi niyo naman kailangan gawin 'yun."

"You're my sister, of course I will do what I can to keep you safe. No buts, Rahi."

Napabuntong hininga nalang ako. He bid us good bye at umalis na din after 'nun. I continued to eat.

"Grabe ang hot ng kuya mo no?" Komento ni Xeah.

"Oh please." Sabat ni Luci.

Natawa naman ako.

"He's bound to marry someone."

"Fixed marriage?" Tanong ni Yoj.

"Siguro?" I shrugged. Hindi ko naman alam eh. But I know when the heirs of the Lascivus turned 21, either they get to marry someone in the elite society or they have lovers already, kailangan na nila magpakasal.

Rahi LascivusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon