RahiPahikab hikab akong naglalakad sa hallway kasama ang barkada. Nasa school na kami ngayon.
"Matagal ka bang nakatulog kagabi?" Tanong ni Xeah.
Tumango ako. "Nilabhan ko pa 'yung damit ko kagabi." Tumango naman sila sa naging sagot ko.
Pagdating namin sa room agad naming inokupa ang mga seats namin. Tapos si Yoj ayon, tulog agad. Wala pa namang teacher. Si Luci at Xeah nagdadaldalan naman. At ako, nakatingin lang sa labas ng bintana. Particularly sa asul na kalangitan.
It's sunny today and it felt good. The weather feels rejuvenating, although ayoko magbilad sa labas. Kahit pa sabihin nilang vitamins 'yung sinag ng araw between 6 and 7 AM.
"Rahi." Tawag sa'kin ni Xeah, lumingon naman ako sa kanya.
"Care to explain this?" Pinakita naman niya sa'kin ang phone niya, may picture sa screen.
Malayo kasi siya kaya nilapit ko ang mukha ko sa phone niya at laking gulat ko nalang na picture 'yun ng nangyari kagabi. At sakto pa talaga na binuhat ko si Marceline.
Naknangpucha naman oh!
Kinuha ko ang phone ni Xeah at mas nilapit pa talaga ang mukha ko. "Kayo talaga 'yan. H'wag shunga Rahi."
Inirapan ko lang si Luci at binalik ang phone ni Xeah.
"Lasing si Marceline at siya ang nag cause nung nangyari sa damit ko." Maikling sagot ko.
"Wow naman talaga sa mga students dito sa Saint. Ang lakas maka showbiz." Komento ni Xeah.
"Ang galing ng tadhana no? Kahapon lang natin siya napag-usapan tungkol sa pagka crush mo sa kanya, tapos nangyari 'yan." Tukoy ni Luci sa picture.
"Parang gago talaga 'to. Hindi ko naman gusto 'yung tao ah." Sagot ko.
"Crush lang! Hindi sinabing gusto. Advance mo rin no?" Ngiting asar ni Luci.
"Nagka moment din kayo no?" Tukso ni Luci, inirapan ko nalang siya.
"Whatever. I don't really care about it anyway."
"Weh, sure ka?"
Tumango lang ako.
"Kahit na pupunta siya dito ngayon?"
Tumango lang ulit ako sa sinabi ni Luci at napasulyap ulit sa langit.
"Kahit na, andito na siya?" Tumango lang ako ng tumango.
"Bakit naman siya pupunta dito, aber?" Tanong ko habang hindi siya sinusulyapan.
Hindi na sumagot si Luci at pansin ko din naging tahimik ang paligid. Finally! For sure matutuwa din si Yoj dahil tahimik siyang nakakatulog ngayon. Tamad talaga!
"Hey you!"
Tsk! Kakasabi ko lang naging tahimik, umingay agad. Sino kayang estudyante ang tinawag? Ang bastos naman. Hey you lang. Natawa ako sa aking isipan at hindi binigyang pansin ang mga maingay sa paligid at patuloy lang sa pagmasid sa kalangitan.
"Hoy!" Ulit pa nito.
Napabuntong hininga nalang ako. Pansinin nalang kaya nila kung sino man ang tumatawag ngayon sa kung sinuman. Nakakarindi ang kanyang pagsigaw.
Baka hindi niya kilala kung sino ang mai-istorbo niyang natutulog na estudyante na katabi ko ngayon.
Bigla nalang akong nakaramdam ng pagtapik mula sa katabi ko. Nilingon ko si Yoj na gising na pala. Pero nakatungo ito na nakatingin sa'kin. May tinuro naman siya sa harapan namin.
BINABASA MO ANG
Rahi Lascivus
Teen FictionBarkada Series #1 Highest Ranks in Tags: #2 Lesbian #2 Confuse #2 Barkada #4 Lesbianstory #5 GxG #9 wlw #11 GL