Chapter 2

8.2K 335 27
                                    


Rahi

Uwian na at tinawagan na ako ni Shu na tapos na din ang klase nila. Wala naman siyang phone, pero nakikitawag siya sa teacher niya. Pinagbilin ko na din kasi ang number ko sa teacher niya, buti nalang at mabait din ito.

"Tara na." Sabi ni Xeah sa amin. Syempre sabay din ang uwi naming apat dahil nga walang kotse ang dalawa.

Una namin silang hinatid at dinaanan na namin si Shu sa school.

"Shu, sama ka muna kay Ate Xeah ah? Siya muna magbabantay sa'yo." Sabi ko sa kapatid ko pagpasok niya sa kotse.

"Talaga po?!" Excited niyang tanong. Napatango naman si Xeah na halatang excited din.

"Yes baby boy. Kaya saan mo gustong pumunta mamaya?" Ito na naman tayo.

"Xeah, 'wag mo masyado i-spoil si Shu." Saway ko.

"Ito naman, oo na alam ko 'yun." Sagot naman niya. Umuwi muna kami sa bahay at para bihisan si Shu. Pinadala ko na din ang mga gamit ni Shu, extra clothes, face towel, baby powder at cologne niya din. Ayoko kasing mag mukhang dugyotin itong kapatid ko, maarte ako sa katawan at dapat siya din.

"Ito na." Sabay abot ko sa bag na nilagyan ko ng gami ni Shu kay Xeah.

"Wala ka bang assignment Shu?" Tanong ni Xeah. Umiling naman ang kapatid ko. "Ayos! Mag-eenjoy tayo ngayong dalawa." Sabi ni Xeah.

Talaga itong si Xeah. But I'm glad she treats my brother as her own. "Ingatan mo kapatid ko Xeah, mag ingat kayo okay?" Tumango naman ang dalawa sabay saludo.

"Yes boss!" Natawa ako sa naging reaksyon nila. Humalik nalang ako sa mga noo nila.

"Sige go na kayo." Umalis na silang dalawa at naiwan ako sa bahay. Naglinis na muna ako ng bahay bago naghanda para sa raket mamaya. 6 PM pa naman daw ang in ko sabi ni Mang Raul sa akin. Kapitbahay namin si Mang Raul, malapit na kaibigan namin ang pamilya nila.

Pagsapit ng alas singko, nagluto na ako para sa hapunan ko. Kailangan kong kumain para iwas gastos mamaya. Kumain na din ako, pagkatapos naghanda na para sa raket.

Isang white t-shirt at black jeans, tapos sneakers lang ang sinuot ko. Total, magbibihis din naman ng uniform mamaya. Ni-lock ko na ang bahay at pumara tricycle papunta sa restau. Sa Presty's kung saan nagtatrabaho si Mang Raul as a regular server.

5:40 nung dumating ako sakto naman nandon na si Mang Raul. Pinag bihis na niya ako ng uniform ng mga waitress at ininform ako sa mga gagawin.

Nagsimula na ang trabaho. Mukhang marami rami din ang kumakain dito sa restaurant na 'to. Yayamanin kasi ang restaurant ng Presty's, kasi I've seen a lot of rich people eating here. Nagsimula na akong kumuha ng mga order, nag serve na din, pabalik balik ako sa dining area at kitchen. Nakakapagod pero ayos din 'to, dagdag kita para sa amin ni Shu.

7:00 PM nung tinawag ako ng manager. Nagtaka ako, pero lumapit din ako sa kanya. "Ni-request ka nila." Ngiting sabi ng manager sa akin at tinuro ang isang table.

Hindi ko makita kung sino ang mga 'yun pero sa nakikita ko ang likod nila, puro sila mga babae. Tumango nalang ako sa manager at tinungo ang table na tinuro nila.

"Can I take your orders ladies?" Tanong ko at kinuha ang maliit na notepad sa bulsa ng trousers ko.

"Naks! Napaka pormal mo pala Dre." Laking gulat ko nung mabosesan ko ang nagsalita.

"Luci?!" Pabulong na sigaw ko, nagulat ako na nandito siya pero mas nagulat ako nung nagsalita ang isa pa niyang kasama.

"I'll take a fried chicken please." Muntik ko ng masapo ang noo ko, dahil nandito si Shu. Ang buong barkada actually.

Rahi LascivusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon