Chapter 6

6.4K 301 48
                                    

Rahi

Nakita ko na naman ang mga tinginan ng mga schoolmates namin sa direksyon namin. Ano na naman bang nangyari?

"Yow! Sikat ka na talaga dito sa school Dre!" Akbay ni Luci sa'kin. We're on our way to our classroom, at 'yun nga maraming nakatingin samin.

"May nangyari ba?" Tanong ni Yoj. Kibit balikat lang ang sinagot ko.

"Wait, check ko muna 'yung website." Sabi naman ni Xeah. Sakto naman pagpasok namin ng classroom, nakatingin din samin particularly sa'kin ang mga classmates namin.

"Ano?" Tanong ko.

Nagsibalikan naman sila sa kanya-kanyang gawain. Napailing nalang ako at dumiretso sa upuan namin.

"OHMEHGED!" Tili ni Xeah na agad naman ikinatingin ng mga classmates namin sa kanya. "Opps! Sorry." Nag peace sign lang ito.

"Anong nangyari?" Tanong ni Luci.

"Ito lang naman." Pinakita ni Xeah sa amin ang phone niya, habang nakangisi na parang nanunukso.

Humagalpak naman ng tawa si Luci at nakasmirk naman na nakatingin sa'kin si Yoj.

"Kung maka lang ka naman Xeah. Parang hindi big deal ang picture na 'yan." Si Luci habang natatawa pa rin.

It was a picture of us. Again. About what happened last night, when I ehem kissed Marceline on her forehead.

"Wohooo! Galing talaga galawan natin Rahi! Nagmana ka sa'kin eh." Sinusundot sundot pa ni Luci ang tagiliran ko habang inaasar niya ako.

"Sa tingin mo ba, magso-sorry pa sa'kin 'yun?" Inis na tanong ko at bumaling kay Yoj. Kibit balikat lang ang tanging sagot nito sa'kin habang naka smirk pa rin.

Ugh! For sure, bubugahan na naman niya ako ng apoy ngayon.

"Rahi!" Agad naman kaming napalingon sa tumawag sa'kin. Naka hinga kami ng maluwag noong si Shannon lang pala. Pati nga si Yoj parang kinabahan eh. Takot din pala kay Marceline 'tong isang 'to.

"Base on your reactions. Nakita niyo na nga." Nakabungisngis na sabi ni Shannon. Umupo siya sa bakanteng upuan malapit sa amin.

"Malapit na ang time for the first subject. Baka ma late ka niyan." Sabi ko. Umiling lang ito.

"Nandito ako para sabihin na, wala si Marceline ngayon. Si Stacey lang ang pumasok. Noong tinanong ko ito, hindi niya din alam kung bakit hindi pumasok si Marceline." Sabi ni Shannon.

Napabuntong hininga naman ako. Thank you naman! Pero I think, nakita niya din siguro ang picture.

"Ang lucky mo today Rahi! Wala si dragona- este dyosa pala." Sabi ni Luci.

"Naaayon yata sa'yo ang tadhana ngayon ah." Komento ni Xeah.

"Just pray, that Marceline wouldn't come to class the whole day. Tingnan natin kung close ka ba talaga sa Kanya." Tinuro niya pa ang itaas. Langya talaga 'tong si Yoj. Nandamay pa.

Napahagikhik naman silang tatlo sa sinabi ni Yoj. Samantalang 'yung nagbibiro, poker face lang.

Sakto namang nag bell, kaya umalis na si Shannon. Kitain nalang daw niya kami kapag lunch time. She's a grade 11 student.

"Oh well, kahit ano pang mangyari just ready yourself Rahi. Bakit mo kasi hinalikan?" Luci stared at me at nilagay ang dalawang kamay sa likod ng kanyang ulo.

Naalala ko tuloy ang nangyari kagabi. Sa pagpapakita ulit ng taong 'yun.

"He's back." Ang tanging nasagot ko nalang. Naging seryoso tuloy ang mukha nilang tatlo.

Rahi LascivusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon