Chapter 10

6.5K 275 44
                                    

Rahi

It's my shift again sa part time job ko. As usual, kasama ko si Alexis dito sa counter. Maraming tao tonight, weeknight eh.

Kaya puspusan ang trabaho at haba ng pasensiya.

Sa  wakas! Isang tao nalang ang nakapila ngayon. Almost of the customers are eating already.

Isang magandang babae ang nasa harapan ko ngayon, she's looking at the food menu at mukhang nagde-decide pa siya.

Hindi pa ba siya nakapili? Dapat kasi kapag hindi mo pa turn sa pila, eh naka pili ka na ng dapat orderin mo.

"Miss, what can you suggest?" Nag baling siya ng tingin sa'kin at ginawaran ako ng ngiti. Napaubo naman si Alexis dito sa tabi ko. Napatingin tuloy ako sa kanya, but she just waved me off with a smirk plastered on her face.

"Uhm, 'yung set ng combo meal po. 'Yun po kasi kadalasan na inoorder ng ibang customers." Sagot ko. Tumango naman ang babae.

I think she's older than me. Base sa itsura niya, a college student perhaps.

"Okay, sige that one nalang. Take out pati na din ikaw."

Napaubo ng tuluyan si Alexis. Buti nalang talaga wala ng pumila sa kanya.
"Uhm, ano po?"

The girl in front of me chuckled.

"I'll just take your number." Sabi pa niya.

Pinunch ko nalang order niya at kinuha ito mula sa kitchen.
"Ito na po, have a nice meal." Sabay abot ng take out order niya.

"Hindi mo man lang ba ibibigay number mo?"

She pouted and acted cutely. Natawa tuloy ako ng mahina. I saw her blush.

"Maybe next time. Try harder Miss." Sabi ko nalang at tumango naman siya sabay kindat tsaka umalis.

"Hayp ah! Ibang klase ka talaga Rahi." Si Manager na sumulpot galing kung saan.
Nabigla naman ako sa biglang pagsalita niya.

"Oo nga Manager, pinipilahan ba naman."

"H'wag kang gumawa ng kwento Alexis." Saway ko.

"Totoo naman ah? Tsaka ba't mo pinalagpas ang magandang dilag na 'yun? Kita namang type na type ka 'non." Nailing nalang ako sa pinagsasabi niya.

"Ayoko lang. Sa susunod ikaw na kumuha ng order niya if bumalik siya."

"Eh, bakit ako? Ikaw gusto 'non."

"Oh siya, 'wag na puro babae pag-usapan niyo. Malapit na matapos shift niyo." Paalala ni Manager at umalis na din siya patungo sa office niya.

After half an hour, out na din namin! Agad akong nag bihis para umuwi na at makapag pahinga. Para na din makauwi na si Aling Martha.

I was on my way out at nakita ang isang malaking distraction sa buhay ko.
Nakaupo siya at naka cross legs pa. She's intently looking at me.

Is she waiting for me?

Napalinga naman ako sa paligid, mukhang wala naman siyang kasama. Halos 'yung ibang mga customers ay may kasama. So, she's probably waiting for me.

"Uy, 'di ka pa uuwi?" Kinalabit ako ni Alexis at napatingin ako sa kanya.

"Uuwi na din ako." Tapos binalik ko ulit ang tingin sa babaeng mataray na nakatingin sa'kin.

Alexis seemed to notice where I was looking, and she looked too.

"Hype ah! Lakas talaga ng karisma mo men! Pakitalsikan naman ako." Biro pa ni Alexis at kinalabit ako sa may gilid ko. Napa igtad naman ako sa sensasyon.

Rahi LascivusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon