Marceline
"Is it true?!" Parang hinabol ng cheetah si Stacey dahil sa bilis ng takbo niya patungo sa'kin. She's even panting heavily.
"Ang alin?" Patay malisya kong tanong.
"Oh, don't you dare play coy with me my dearest cousin." Ibinato niya ang throw pillow sa'kin na agad ko namang sinangga.
Natawa naman ako dahil hindi niya ako nasapol sa mukha.
"Well?"
Tiningnan ko siya ng mataman sa mga mata niya. I sighed.
"Yes, it's true."
Stacey squealed like a fan girl.
"Tell me the deets." Natawa naman ako.
"Sorry, I don't kiss and tell."
"You kissed?!"
I face palmed myself. "That's a metaphor."
"Who kissed who now?" Mabilis na nagbaling ang ulo namin sa direksiyon ng pintuan.
Nasa bahay kasi kami ngayon. Well, it's just been a few hours since Rahi and I became official. Nakauwi na kasi ako galing sa bahay nila Xeah.
"Tito." Mabilis na tumayo si Stacey para magmano kay Dad. Sumunod din naman ako.
"Kaawaan kayo ng Diyos."
The three of us sat down on the couch. Dad looked at Stacey and I.
"So, sino ang maswerteng tao na nakahalik sa mga magagandang dilag ng Darius?" Dad sheepishly smiled."Well, ako wala pa. Pero itong anak niyo..."
Binato ko tuloy siya ng throw pillow.
"Really? Who's the lucky guy?"
Nagkatinginan kami ni Stacey. I was nervous as hell but itong pinsan ko pinipigilan niyang h'wag matawa. I rolled my eyes at her.
"Dad, it's a girl." I said, malalaman din naman niya. Napaaga nga lang.
"A g-girl?"
Marahan akong tumango.
"Well, tito ang magagandang dilag ng Darius ay magagandang dilag din ang gusto." Stacey easily joked.
"Y-you two liked girls?!" Nagulat nga talaga si Dad sa revelation namin.
Ang pangit naman ng coming out story namin ni Stacey.
"Who likes girls?" Sabay naman kaming tatlo na napabaling sa pintuan.
"Mom."
"Tita!"
"Darling!"
Natawa naman ako ng mahina dahil sa reaksiyon naming tatlo.
"Ang exaggerating naman ng mga reaksiyon niyo." Mahinang natawa si Mom at naupo katabi si Dad sa kabilang couch.
Nag mano naman kaming dalawa ni Stacey sa kanya.
"Ano 'yung narinig ko? Who likes girls ba? Ikaw ba Stacey?" Mom inquired.
"Opo Tita, I like a girl po." Proud na sabi ni Stacey.
"Oh my! Tiyak madadagdagan na naman ang mga magagandang lahi ng Darius." Natatawang sabi ni Mom.
"I-I like a girl din po Mom."
Nagulat naman si Mom sa sinabi ko. Si Dad naman napa face palm.
"Seryoso ka ba d'yan Marceline?"
Marahan akong tumango at napayuko. Naramdaman ko namang napakapit si Stacey sa manggas ng t-shirt ko sa likod.
BINABASA MO ANG
Rahi Lascivus
Genç KurguBarkada Series #1 Highest Ranks in Tags: #2 Lesbian #2 Confuse #2 Barkada #4 Lesbianstory #5 GxG #9 wlw #11 GL