Chapter 38

5.1K 212 39
                                    

Marceline

Araw ng Campus Club Festival. Lahat ng open tents na nandito sa field ay kinabibilangan ng iba't ibang clubs ng Saint.

Free day ngayon, and open ang school for everyone. With safety precautions din. This is a perfect opportunity para maka engganyo ng mga estudyante to enroll dito sa Saint. Call it marketing strategy. Principal Zacarias is really awesome.

Bagets na bagets ang vibes kahit na sa edad niya.

Kasama ko ngayon si Stacey. She's in a club. Hindi ko alam 'yun. Akala ko night club sinasalihan nito dahil hindi ito huli sa mga parties.

She's a member of the manga club. Hanep ng school na 'to. Hinahayaan ang mga students na mag manga. Well, their club is open in any genre of the manga. Either Yaoi or Yuri na manga. May mga Shonen manga din.

Paano ko nalaman? Stacey explained it earlier.

"So what happened between Rahi and her family?"

"It was okay, I guess? Hindi masyadong nagsasalita si Rahi eh. Pero nagkasagutan at kumalma naman ang sitwasyon right after that."

Tumango lang si Stacey. Speaking of Rahi, hindi ko pa nakikita ang isang 'yun. Noong makauwi kami galing Gusan. Rahi took Shu back to their house. Ang sabi niya ay doon na ulit si Shu titira sa bahay nila.

Me on the other hand, umuwi na din ako sa amin. Rahi insisted that we shouldn't live together at such a young age. Point taken. She even told me she's thankful for me for staying with her. Kaya umuwi ako sa amin, pinaliwanag ko din kina Mom. Naintindihan din nila ang punto ni Rahi.

She's really mature at her age.

Check ko nga muna sa club tent nila. Every tent kasi dito sa field, may name kung anong club. I'll spot it right away.

"Hey, saan ka pupunta?"

"To Rahi, duh."

"Insan, magkasama lang kayo kahapon. H'wag kang maging clingy."

"Am I?"

"Pa miss ka din minsan."

Naalala ko 'yung sinabi ni Rahi. Baka hindi ko siya makita kung magpapamiss ako. At ayokong mangyari 'yun.

"Sabay nalang tayo papunta sa tent nila."

Pumayag nalang ako, ayoko naman maging mukhang clingy kay Rahi. Masisisi niya ba ako? Rahi is attractive, kind, approachable. Aside from Xeah, siya lang matino kausap sa kanilang apat. Luci will just throw flirtatious comments, and Yoj will just give a silent treatment.

Tsaka hello? Rahi is like an instant celebrity dito sa Saint dahil sa pagiging basketball player. Dagdag mo pa ang good looks niya, na sobrang yummy.

Anong yummy?! Minamanyak mo girlfriend mo!

Slight lang naman. Kapag 'di siya nakatingin. Biro ko pa sa sarili kong utak.

"Girl, alam mo ba na may pakulo daw ang Women's Basketball Team? Luci invited some of the hot players from other schools."

"Yeah! Excited ako kung ano man ang gagawin nila. Kilala niyo naman si Kienna, right? She's the hottest rookie in Saint."

"Oo nga, itabi mo lang siya sa four horsemen kumpleto na ang magagandang players ng Saint."

Grabeng usapan naman 'yan. Mga babae na nasa kabilang tent. Nagkatinginan tuloy kami ni Stacey. Curious din ako sa pakulong 'yan.

"Sad to say apat nalang silang available. Rahi is out of the list."

Rahi LascivusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon