Rahi
Nagising ako sa pamilyar na kwarto. Madilim sa loob pero alam kong kwarto ko 'to, sa bahay namin.
"Rahi? Gising ka na ba?" Rinig kong may nagsalita sa labas.
I sloppily moved para pag buksan ng pintuan ang kung sino man ang nakatayo sa labas ng kwarto ko.
Nagulat pa ako, dahil si Tita Reese pala. Knowing that it's her, hindi na ako magtataka kung paano siya nakapasok. She's smart, Xeah got that from her.
"T-tita, anong ginagawa ninyo dito?"
She smiled pero hindi ito umabot sa mga mata niya.
"Diba ikaw dapat ang tinatanong ko n'yan? We told you it's dangerous if you're alone."
"Si Shu po?"
"He was asking for you last night. Mas mabuti na ikaw ang kumausap sa kanya." Tumango nalang ako.
"Come on, magbihis ka na. Let's have breakfast downstairs."
Sinunod ko naman si Tita Reese at nag simula nang kumilos. I made my bed and took a shower. Pagkatapos, nagbihis na din ako. Good thing it's Wednesday, naiwan ko kasi ang uniform sa bahay nila Tita. Wala akong spare dito.
Tinungo ko naman ang kusina namin.
"Kumain ka na." Tahimik kaming kumain ni Tita ng almusal. Wala siyang imik, at hindi niya inopen up kung anong nangyari.
"Would you like to go to school today?"
Umiling ako. "Tita, I want to stay here again. Gusto kong pumasok ulit ng trabaho."
"Why?" Isang salita lang 'yun pero alam kong marami ang gusto niyang itanong.
"I should've not entertain anyone." Nakatungo kong sabi.
"Rahi, I get where you're coming from. But at some point, kailangan din natin masaktan." Tita Reese grasped my shoulder.
"Hindi naman sa umaayon ako na masaktan ka. But I think it was best for you. Para ka kasing pinag kaitan ng teenage life."
Napaangat ako ng tingin kay Tita. Pareho sila ng sinabi ni Xeah. Mag-ina nga talaga sila.
"Pero 'yun ba talaga ang gusto mo iha?"
Tumango ako.
"But, gusto ko po munang mapag-isa. I'll leave Shu to you, until I feel better."
"Okay. Pero kailangan mo muna kausapin ang bata. Ipaintindi mo sa kanya." Tumango ako.
"Sige, I'll drive you to where you want to go."
Matapos kaming kumain, niligpit ko nalang ang mga pinagkainin namin at nag hugas na din.
Ni-lock ko ang bahay at sinabihan ko nalang si Tita na i-drop ako sa dati kong pinagtatrabahoan.
After she drop me off there, nagpaalam na 'to para pumasok sa kanyang opisina. She owned a modelling agency, silang dalawa ng asawa niya ang magkatuwang sa pagpapatakbo nito. Isa ito sa mga pinakasikat na agency sa Pilipinas.
Pumasok na ako sa establishment, and our Manager welcomed me with delight.
"Buti nalang bumalik ka Rahi, laging nakabusangot si Alexis eh." Sabi naman ni Manager.
"Salamat po talaga ng marami Ma'am."
"Naku, wala 'yun. You're good at doing your job naman. At alam mo na, balik sa dati ang dami ng mga chix na kumakain dito." Biro niya pa.
BINABASA MO ANG
Rahi Lascivus
Teen FictionBarkada Series #1 Highest Ranks in Tags: #2 Lesbian #2 Confuse #2 Barkada #4 Lesbianstory #5 GxG #9 wlw #11 GL