Rahi
"Kute! Hurry up!" Shu is so excited right now. Family day ng school nila. Also, we are about to bond with the people who helped us.
"Oo na. Coming!" Dali dali ko namang kinuha ang bag na ang laman ay extra clothes namin ni Shu. I'm pretty sure maraming games na inihanda ang school ngayon.
"Ang bagal mo po Kute." Natatawang sabi ni Shu. Palibhasa bata pa, hindi alam ang mga necessities na kailangan dalhin sa mga ganitong event.
"H'wag masyadong atat Shu. Wala pa naman si Ate Yoj mo eh." Sabi ko nalang.
"I heard my name." Nagulat naman ako sa biglaang pagsulpot niya. She's wearing a pair of black jeans, a white long sleeve shirt and she paired her outfit with her Vanz shoes.
"Naks! Playgirl na playgirl ang dating ah?" Komento ko. Inirapan niya naman ako.
"Whatever. Nasa school na sina Mom at Dad, kasama ang parents nila Xeah at Luci. " Sabi ni Yoj.
Nagulat naman ako sa information niya. "Tinotoo niyo talaga?"
"Of course. You're family and this little guy is our youngest." Ginulo niya ang buhok ni Shu na ikinatawa ng kapatid ko.
"Hay nakakahiya sa kanila."
"Don't think like that."
"Eh kasi–"
"One more word Rahi, I'll call Marceline."
Napasimangot naman ako sa sinabi niya. Porke't alam nilang apektado ako sa babaeng 'yun, ginagamit na nila ang pangalan niya just to make me shut up.
"Fine! Magpapaalam na muna ako kay Aling Martha."
Agad naman akong nagpunta sa kabilang bahay. Naabutan kong nagwawalis ang ale sa loob ng kanilang bahay.
"Aling Martha, pupunta na po kami ng school nila Shu." Paalam ko sa kanya.
"Oo siya sige. Mag enjoy at mag-ingat kayo doon. Paki kumusta nalang ako sa mga magulang ng mga kaibigan mo."
Tumango nalang ako at ngumiti.
"Sigurado po ba kayong ayaw niyong sumama? Pwede naman kayo 'dun dahil kung tutuusin para na po namin kayong pamilya." Sabi ko pa.
Umiling lang siya at nginitian ako. "Napaka maaalahanin mo talaga Rahi. Sigurado akong pinagmamalaki ka ng iyong ina. Pero ayos na ako, hindi ko din naman hilig ang ganyan. Tsaka, matanda na ako. Hindi ko na ma-eenjoy ang mga events na katulad n'yan."
"Okay po. Aalis na po kami."
Tumango lang si Aling Martha at nagtungo agad ako sa kotse ni Yoj.
"Let's go!" Excited na sabi ni Shu.
"Talagang nahawa na sa'yo sa pag salita ng ingles si Shu." Sabi ko kay Yoj.
"Mas mabuti na 'yun, ng hindi siya mahirapan in the future."
"Kung sabagay."
Agad naman binuhay ni Yoj ang makina ng kotse niya at nag drive patungo sa school ni Shu.
Dumating kami sa school at pinark na ni Yoj ang kotse niya. "Hurry up slowpokes." Shu chuckled and he hurriedly went out of the car.
"Shu! Ang hyper mo masyado." Sabi ko.
"Hayaan mo na. Araw niya 'to."
"Spoiled na masyado ang kapatid ko dahil sa inyo." Komento ko. Natawa lang si Yoj at sabay na kaming bumaba ng kotse niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/229531501-288-k334743.jpg)
BINABASA MO ANG
Rahi Lascivus
Teen FictionBarkada Series #1 Highest Ranks in Tags: #2 Lesbian #2 Confuse #2 Barkada #4 Lesbianstory #5 GxG #9 wlw #11 GL