Chapter 8

6.4K 294 14
                                    

Rahi

Mukhang hindi na titila ang ulan ngayong gabi. Tulog na si Shu sa kwarto niya at kaming dalawa ni Marceline, nandito pa sa sala.

"Wala bang susundo sa'yo?" Tanong ko sa katabi ko.

"Day off nila tuwing weekends. Nag taxi nga lang ako patungo dito."

"Si Stacey?"

"Ewan ko 'dun."

Ano ba 'yan? Mukhang wala din itong plano umuwi. "Dito ka nalang matulog." Sabi ko at tumayo.

"T-talaga?" Napalingon ako sa kanya at para namang nagningning ang kanyang mga mata.

"Tara na sa kwarto."

Sumunod naman siya agad. Pagpasok namin sa kwarto dumiretso na ako sa cabinet ko at nag kuha ng ilang damit para gagamitin niya. May unused undies naman ako dito.

"Here. Mag punas ka na muna." Sabay abot ko sa kanya ng mga damit. Wala sa'kin ang attention niya at nabaling ito sa pagmasid sa kabuuan ng kwarto ko.

"You have a cozy bedroom." Komento niya. Uhh? Mas cozy naman siguro ang sa kanya no? Kinuha naman niya ang nga damit tsaka lumabas ng kwarto para mag punta sa banyo.

Hinanda ko nalang ang kama para unexpected visitor. Ilang minuto lang ang tinagal ni Marceline sa banyo at nakabalik na ito sa loob ng kwarto ko.

"Dito ka na matulog-" I stop midway of my sentence when I saw her whole figure. She's wearing my oversized shirt and cotton short. Maikli 'yun ang maliit na portion lang ang makikita sa short niya.

Napadako ang paningin ko sa mahaba at makinis niyang legs. I gulped an imaginary lump in my throat.

Ulan naman diba? Bakit biglang uminit yata?

"Eyes up here, love."

Napatingin naman ako sa mukha niya and I mentally smacked my head for checking her out. Nakita ko pa siyang nag smirk. Kunwaring napa ubo muna ako bago nagsalita.

"Dito ka na matulog sa kwarto ko."

"At saan ka matutulog?"

"Sa kwarto ni Shu." Kinuha ko na ang unan at kumot na gagamitin ko. I was about to walked out but Marceline held my arm.

"W-wait."

"Ano?"

"Dito ka lang." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Alam kong may gusto pa siyang sabihin pero hindi niya matuloy-tuloy.

"Kung wala ka nang sasabihin, matutulog na ako."

Bigla namang kumidlat, napayakap si Marceline sa'kin. After a second sumunod ang kulog at malakas ang nalikhang tunog.

Impit na napasigaw si Marceline, habang yakap yakap ako.

"Uhhh..."

"D-dito ka lang, h'wag kang aalis." Nilayo ko siya sa'kin at tiningnan. "Marceline, inaantok na ako. I want to sleep already." Sabi ko sa kanya.

Rahi LascivusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon