Chapter 5

7.2K 300 67
                                    

Rahi

That woman! I'm so pissed off right now!
Nandito kaming tatlo ngayon sa gaming area ng mall. Me, Yoj and Luci. Xeah left herself in school kasi alam naman namin na hindi 'yun basta bastang magka-cutting sa school.

Yup! The three of us cut classes. Sanay na kami sa ganito. Si Xeah lang ang maiiiwan sa school, tapos kaming tatlo naglalakwatsa lang. It's not like usually like this. Ngayon lang naulit 'to.

Nasa shooting game kami ni Luci, habang si Yoj nasa racing game. Masyadong kinareer ang paglalaro sa manibela, na para bang hindi siya nagda-drive ng kotse.

"Hoy wala nang kalaban oh!" Agaw pansin ni Luci sa'kin. Ubos na pala 'yung aliens at tira parin ako ng tira. Eh, sa nakakainis kasi!

"We're not used seeing you like this Rahi." Komento ni Yoj na nakatingin lang sa'kin habang nakaupo pa rin sa upuan ng game. Maraming nakapila sa game na 'yun, hoping that my friend would end her game already. But nope! She inserted another token to continue. Sorry nalang sila.

"Oo nga. Hindi ka naman hahayaan ni Yoj mag cutting pero ito tayo ngayon. Anong palang nangyari?" Luci asked me.

We continued playing another round. And after that sa basketball game na naman kami nag laro.

"Marceline happened."

"Oh." Rinig kong sabi ng dalawa sa kabilang game booth. Nasa gitna kasi ako.
Patuloy lang kami sa pag shoot habang nag-uusap.

"May nangyari ba kanina?" Luci asked.

"She judged me based on the false rumor about me being, you know."

"I see."

Noong matapos na kami, binigay nalang namin ang mga tickets na niluluwa ng machine sa mga batang nakaabang. We smiled at them at dumiretso kami sa isang fast food chain.

Since wala kami sa school, KKB kami ngayon. Naghanap na kami ni Yoj ng mauupuan habang si Luci ang nag order. Ilang minuto din ang lumipas at dumating na si Luci na may dalang tray with our foods on it.

"So, you're pissed and that's why we cut classes. Pero, bakit ka nainis? We know that ayaw mo talaga i-judge base on false accusations or in this case, the rumors. Pero mahaba ang pasensiya mo Rahi. Why get pissed just like that?"

What Luci just said made me stopped midway on eating my french fries. Natigilan ako sa sinabi niya. Nakangisi naman si Yoj na tumatango.

Bakit nga ba ako nagalit nang dahil lang 'dun? Sure, I don't like getting judge based on rumors na wala namang solid evidence. Pero bakit nga ba?

If it was just a mere student, ayos lang sa'kin. But why did I react this way just because it came from Marceline?

"Natulala ka diyan." Luci snapped her fingers in front of me. Umiling lang ako at tinuloy ang pagkain sa french fries ko.

"You know what, this is just a hunch pero mukhang masyado kang affected dahil kay Marceline galing ang judgement na 'yun." Yoj said at she took a spoonful of her sundae.

"Or talagang gusto na talaga niya si Marceline." Tukso ni Luci. Napairap nalang ako sa dalawa.

"Puro kayo Marceline. Maybe kayo talaga 'yung may gusto sa kanya." Inis na sabi ko.

"If that's the case, you wouldn't mind na popormahan siya ni Luci again, right?" Yoj said. Pareho naman kaming napatingin ni Luci sa kanya.

"What?" Sabay naming sabi ni Luci. Tiningnan ko ang isang kaibigan at I saw her flinched. What's wrong with her?

Rahi LascivusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon