Rahi
"Kuteeeeeee!"
Napa groan naman ako dahil sa pagyugyog ng kapatid ko sa'kin.
"Bangon naaaaaa!" Unti unting sumilay ang ngiti sa'king labi dahil sa cute na boses ni Shu.
"Bakit ba Shu?" Hindi pa rin ako bumabangon at nakapikit pa rin ako. Sabado ngayon eh, day off sa lahat at syempre more time resting, sleeping and goofing around with Shu.
"Eh! Bangon ka na kasiii." Napahagikhik ako 'nung halikan niya buong mukha ko. Nilalaro pa niya ang pilik-mata ko. Napabuka tuloy ako ng mata. Nakakakiliti eh.
"Why?" Naka pout naman si Shu 'nung mabungaran ko siya. Nakaupo kasi siya sa may tiyan ko. Ang bigat pa naman niya.
"Ang tahimik dito sa bahay." Sabi niya.
"Gusto mong gumala?" Umiling din siya. Ano bang gusto nito?
"Eh, ano?"
"Ate Xeah, Ate Luci at Ate Yoj." Ha? Ano raw?
"Bakit? Anong meron sa kanila?"
"Gusto ko silang makita." I chuckled because of his cuteness tsaka naka pout pa din siya eh! I pinched his chubby cheeks.
"Kuteee nemen eh!"
"Sige, sige. I'll call them." Sabi ko at kinuha ko ang phone ko. Tatawagan ko na sana si Xeah, pero nagulat ako dahil may biglang pumasok sa kwarto ko.
"Gising ka na pala Rahi." Nakangiting bungad sa'kin ni Luci.
"Ate Luci!" Agad namang bumaba si Shu sa kama at lumapit sa kaibigan.
"Anong ginagawa-"
Mas nagulat ako dahil may maingay sa labas ng kwarto. Bigla kasing nagpatugtog ng kanta ng Paramore ang kung sinuman ang nasa labas.
Humawi si Luci at binigyan niya ako ng daan, karga karga niya din si Shu. "Ang big boy mo na pala Shu." Komento niya sa kapatid ko.
Nakita ko naman si Yoj na prenteng prente na nakaupo sa sofa sa sala namin.
"Yow!"
Lumabas naman si Xeah galing kusina, suot nito ang apron ko at may hawak na spatula.
"Ohaiyo gozaimasu!" Bati niya sa'kin.
"Kain na tayo?" Tumango lang ako, hininaan naman ni Yoj ang volume ng music. At nagsipunta kami sa kusina.
"Yey! Nandito kayong lahat." Bumaling naman ang atensiyon namin kay Shu, na masayang masaya na nakaupo sa kandungan ni Yoj.
"Here's your milk, Shu." Abot ni Xeah ng gatas kay Shu.
"Kape ko?" Tanong ko. Inirapan niya naman ako at napakunot ang noo ko sakanya.
"Mag timpla ka ng sa'yo." What?!
"Teka, ba't nandito kayo? Wala ba kayong mga lakad?"
Umiling lang ang tatlo. Hinanda naman ni Xeah ang pagkain na niluto niya, kumuha din si Luci ng mga plato at kutsara.
Naks! At home na at home ang mga mokong. Feeling ko tuloy para silang may nagawang kasalanan-
"Hoy! Akala niyo talaga nakalimutan ko na 'yung ginawa niyong pag-iwan sa'kin sa kamay ng dragon ha!"
"Kaya nga nandito kami. Para bumawi." Bungisngis na sabi ni Luci at nag peace sign pa.
"Ows? Nasaan 'yung kape ko?" Nakataas ang isang kilay ko at napatingin kay Xeah.
BINABASA MO ANG
Rahi Lascivus
Teen FictionBarkada Series #1 Highest Ranks in Tags: #2 Lesbian #2 Confuse #2 Barkada #4 Lesbianstory #5 GxG #9 wlw #11 GL