Chapter 50

6.7K 264 55
                                    

Rahi

"Rahi!"

Napangiti ako ng marinig ang boses na 'yun. Napaangat ang tingin ko mula sa notebook ko at sinara ang libro ko at lumingon sa likod.

Lumapad ang ngiti ko ng makita ang babaeng nagpapasaya sa'kin ngayon.

Naglakad ito patungo sa'kin at mukhang OA man pakinggan pero para siyang nasa runway kung maglakad. She's owning it. Idagdag mo pa ang sinag ng papalubog na araw na tumatama sa kanya. Sana all sunkissed. She look stunning. A goddess with an ethereal beauty.

Napapalingon din sa kanya ang ilang estudyante dito sa Saint.

"Dre, paki tone down ng radiation ng pagka in love niyo please lang. Masyadong kayong maliwanag." Napahagikhik si Xeah sa narinig, hindi ko nalang pinansin si Luci dahil nakatanaw pa din ako kay Marceline.

Nang marating niya ang pwesto namin, dito sa field ng school, ginawaran niya ako ng mabilis na yakap. Ayoko din kasing mag PDA sa school grounds, kaya we're just settling with this quick intimate interactions.

"Lu, ilang buwan na ang lumipas, hindi ka pa din sanay sa kanila." Komento ni Stacey. Ngumiti lang si Marceline.

"Oo nga naman, palapit na ang graduation." Sabat naman ni Shannon.

Yoj was just silently lying down on the grass, with a book covering her face. Hindi ko alam kung tulog ba siya o tahimik lang na nakikinig sa amin.

"Bitter kasi si Luci eh. Maghanap ka na kasi ng seseryosohin Luci." Tukso ni Marceline sa kaibigan namin.

Nagkibit balikat lang si Luci. "Kusa naman 'yang dumarating. I'm also looking forward to college girls." Kumindat pa siya sa amin.

"Hindi nalang kami aangal. Naghihintay pa din naman kasi sa trip to Palawan bet." Sabi ko, tumawa si Xeah, at nakipag high five sa'kin. Yoj showed a thumbs up, which means gising nga siya.

So the three of us are really looking forward for Palawan. Kapag talaga umiyak si Luci dahil sa babae, the three of us will win, syempre we'll soothe her, isang bote ng Tanduay lang 'yan, solve na siya.

"Trip to Palawan?" Tanong ni Shannon.

"The four us made a bet kasi." Xeah answered.

"Girls!" Nagulat kami sa humahangos na Reymart, napabangon tuloy si Yoj dahil sa boses niyang nabibigla.

"Nakita niyo na?!"

Nagkunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Saint Chikaz!" Sabi nito na mukhang sinasagot ang tanong sa mga mukha namin.

Mabilis naman na nagsilabasan ng phones ang mga kaibigan ko. Pati si Marceline kinuha ang phone niya to let me see what Reymart was blabbering about.

"Oh em gee!" That was Xeah and Shannon.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Narinig ko namang natawa si Luci at Stacey.

"Nasaan 'yung batang 'yun?! Hanep! Lakas maka sana all ah!" Komento ni Luci.

Nagbasa kami ng comments regarding the post. Hindi ko aakalain na magkaka interest ako sa ganitong bagay, na pinagdaanan ko din noong mga nakaraang buwan.

"Hayp ka Kienna!" Natatawang sigaw ni Stacey. Napansin ko din na sumilay ang isang ngiti sa labi ni Yoj, she glanced at me and pursed her lips. Too late, mate! Nakita ko na!

Yoj was happy, and so am I.

Kienna just made a grand gesture towards the eyeglasses girl. Remember her? The girl who bid for her and me. Pero naalala kong nasabi niya din sa amin na matagal ng sa kanya ang magandang babae na 'yun.

Rahi LascivusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon