Chapter 48

6.4K 251 87
                                    

Rahi

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig mula sa baba. It was muffled, kaya 'di ko masyadong marinig ng husto. Ano ba 'yun?

I felt Marceline isn't beside me anymore. Napabangon ako, sapo ang ulo. Wala na ang sakit.

Seems like it was just a migraine.

Napatingin ako sa labas ng bintana. Gabi na pala.

Wrong. Madaling araw na!

Pagbaba ko kasi, kita kong nandito na pala mga kaibigan ko. Nagulat pa ako nang makita sila dito ng ganito kaaga.

"Buti gising ka na. We're going to Gusan right now." Nanlaki ang mga mata ko sa naging bungad ni Yoj.

"Good morning din." Sabi ko nalang. Nag fist bump ako sa kanila at hinalikan si Xeah sa noo. Pansin ko din wala silang bag na dala.

Napatingin ako sa labas. Nasa labas din ang team, naghahanda na para makaalis. Kunot noo akong napatingin sa kanila.

"Ang aga niyo?" Hindi siguradong tanong ko. Kakagising ko lang, bubungad sila dito. Okay lang sana kung mamayang 7 pa! Pero 4 AM pa ngayon!

"Your Lola called. Ang sabi ipapasundo daw tayo dito, at sa bahay mo lang daw kami maghintay.

"Where's Marceline?"

I asked, and when I looked at them. They looked at me confused.

"Marceline? Sinong Marceline?" Luci asked. Humihigop siya ng kape.

"Rahi baka naalimpungatan ka lang. Nanonood ka ba ng Adventure Time kagabi?" Napatingin ako kay Xeah.

Umiling ako.

"Marceline Laine Darius guys. Girlfriend ko. Nasaan siya?"

Nagsitawanan naman sila.

"Sobrang tinamaan ka yata ng bola kahapon, pati alaala mo nabura. Nagiging delusional ka pa." Napailing na tawa ni Yoj.

"Tangina seryoso ako!"

Sumeryoso naman ang mga mukha nila. Their smiles dropped.

"Dude. Miss Darius is engaged to Dino Mahito. Business associate ng Darius family ang mga Mahito. Hindi mo ba natatandaan? You were there nang mag propose ang lalaki sa gitna ng field ng school natin."

Napatawa ako ng pagak dahil sa sinabi niya. Naguguluhan silang nakatingin sa'kin.

"If you're playing a prank on me, this is not funny! Marceline!" Sigaw ko pa. Nagpalinga linga ako dito sa loob.

I went back to my room and grabbed my phone. I'm just going to call her. Marceline wouldn't have the heart to prank me like this. Naririnig ko ang mga footsteps nila na papunta sa kwarto ko.

My friends stared at me, confused.

I checked my phone for her number, pero wala. Binura ba nila?! Hindi ko kabisado ang numero niya!

Peste!

"Call Marceline or Stacey, I need to see my girlfriend. Wala akong oras sa prank niyo guys." Seryoso kong sabi sa kanila. Lahat lang sila nakatingin sa'kin. Nagtataka at nag-aalala.

"Rahi, calm down." Sabi ni Yoj.

"I can't Yoj! Hangga't hindi niyo inilalabas si Marceline, hindi ako mapapakali!"

"Dude snapped out of it!" Luci grabbed both of my shoulders and shake me violently.

Xeah looked sad. She showed me her phone.

Rahi LascivusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon