Marceline
Narating namin ang bahay nila Rahi, but what bugs me most is she's looking at a car na naka park sa harap ng bahay nila.
"Is something wrong?"
Sumulyap siya sa'kin at binalik ang tingin sa kotse. Mabilis itong bumaba ng sasakyan at sinundan ko siya. Lumabas din ang may-ari ng kotseng nakaparada sa harap ng bahay nila.
Hindi ko alam kung sino ang lalaki na bumaba, but Rahi immediately hid me behind her.
"Go inside, susunod ako."
Bulong niya na ipinagtataka ko. Napakunot ang noo kong napatingin sa kanya.
"Ha?"
"No need to hide her from me, Rahi."
The man spoke, at nakalapit na pala siya ng ilang hakbang sa amin.
"Anong ginagawa mo dito?! Diba sabi ko h'wag na kayong magpakita sa'kin."
I looked at the man carefully, at tiningnan ulit si Rahi. Ganon nalang ang pagkagulat ko nang mapagtanto na this man is Rahi's father.
Matipuno, matangkad, not too old, matikas pa rin, ka edad niya lang siguro ang Dad ko. Parang pinag biyak na bunga si Rahi sa papa niya.
"I'm still your father."
"I despise that fact the most." Rahi spat at her father.
"It seems like you wouldn't listen to me. I'll just come ba-"
"No need. Just leave, h'wag na kayong bumalik."
I saw how Rahi's father softened at her words, but quickly picked himself up at balik strikto na ulit. Rahi got that from him.
Tumingin ang papa niya sa'kin.
"You have a nice taste, anak. Can't wait for the family to meet her."
"There's no family to begin with." Sagot naman ni Rahi na parang lason kanyang mga salitang binitawan.
"Umalis nalang kayo." Rahi's father didn't say a word. Matalim na tingin ang pinupukol ni Rahi sa ama niya.
She's keeping her guard up. I knew the reason why. Galit talaga siya sa papa niya. Umalis na si Rohan Lascivus sakay ng kotse niya. He even looked back at us before he entered his luxurious car.
Nang mawala na ang kotse sa paningin namin, hinila ako ni Rahi papasok sa bahay niya. Tahimik lang ako habang naka upo sa sofa nila.
She went to her room, probably changed her clothes. Nang makabalik ito, nag punta ito sa kusina. Pagkatapos ay may dalang baso ng juice at biscuit.
She's just wearing her a simple pambahay clothes, but she still looks so good. A short and a white shirt.
Umupo ito sa tabi ko, but still gave a few inches of space away from me.
Binalingan ko na siya ng tingin. She just gave me a bored look. Her eyes were back, cold and deep.
"So, this thing between us. Kailan ka pa hihinto?"
"R-rahi, hindi na ako hihinto. Gagawin ko ang lahat mabalik lang tayo sa dati."
Parang maiiyak na naman ako dahil sa trato niya."I told you hindi ako galit sa'yo. Maybe we're just destined to be like this."
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi, she can't say that.
"Marceline."
Parang hinaplos ang puso ko dahil tinawag niya ulit ako sa pangalan ko.
BINABASA MO ANG
Rahi Lascivus
Teen FictionBarkada Series #1 Highest Ranks in Tags: #2 Lesbian #2 Confuse #2 Barkada #4 Lesbianstory #5 GxG #9 wlw #11 GL