Marceline
Game day ngayon, Saint Academy against North Cross High.
Gaganapin ang game sa Saint Academy. Maraming estudyante, syempre dadalo ang taga hanga ng Knightress.
"Kinakabahan ka ba?" Tanong ni Shannon sa'kin.
"Medyo."
"H'wag kang kabahan insan. Mukhang ready naman sila."
I know that they're good players. It's just that I heard some students talking na ang North Cross High ang formidable opponent din ng school namin noon.
At ang sabi, magagaling din ang players.
I sighed. "You're right. Handa naman talaga sila sa larong 'to." Sabi ko nalang kay Stacey.
We were on our way sa gym. Jampacked ito, at maraming banners din at balloons ang mga dinala ng school mates namin. May mga taga North Cross High din.
As usual, Stacey and Shannon got us the best seat in the gym. Wala pa ang players, mukhang nasa assigned lockers pa nila.
"Let's go Knightress! Let's go!" Chant 'yun ng mga team captains ng ibang sports ng school namin. Nakakadagdag sila sa excitement at fire ng larong 'to.
Grabe ang supportive nila.
"Tanga talaga 'tong si Kyle, they have a game next month sa soccer at ito siya ngayon nag che-cheer. Ano naman kayang bet ang ginawa nila Yoj?"
Napatingin ako kay Stacey at napasulyap sa mga team captains nasa kabilang side. Suot kasi nila ang mga shirt na may nakalagay na 'Captain'.
"Bet?"
"Ganon talaga ang patakaran nila Marceline. Lahat ng team captains may challenge kapag natalo, at kapag nanalo naman ang ibang captains ang gagawa 'nun. Lalo na ngayon ang North Cross ang kalaban natin." Paliwanag ni Shannon na nakangiti.
Tumango ako dahil gets ko na.
Ilang minuto lang din ang lumipas, nagsilabasan na ang magkabilang panig. Screams and cheers were heard inside the gym.
"Puta, Si Madison ang team captain nila?!" Mura ni Stacey sa tabi ko.
"Shocks!" Naguguluhan ako sa naging reaksiyon ng dalawa.
"Who?"
"That jersey number 4. She's the ace of North Cross High noong grade 10 palang siya. Now that she's captain, who knows what play she has under her sleeves?"
"Gosh! Magiging laban ng taon ito. Aside from Marians, kilala din itong North Cross. Palagi silang nasa top 5." Dagdag ni Stacey.
Masyado na yata akong behind, kasi hindi ko naman alam na kilalang athletes pala 'tong mga pinag-uusapan nila. I was really preoccupied with my life and not bothering to live outside my comfort zone.
"Rahi!"
"Yoj!"
"Xeah!"
"Luci!"
Rinig namin ang mga sigawan ng school mates namin. Mababasag na yata ang eardrums ko.
"Go Knightress!"
Natatawa ako dahil nakikisabay din sila Stacey at Shannon.
Kumaway pa sa amin ang mga players ng Knightress. Kumindat pa si Luci making the girls behind us squealing like there's no tomorrow.
"Rahi! Marry me!" Napalingon pa si Rahi dahil sa sigaw na 'yun. Mukhang sumikat na nga siya ng husto.
I'm staring at her at grabe talaga ang appealing niya sa mga mata ko. Her hair is tied up and her jersey didn't do any justice kasi kita ko ang pag flex ng biceps niya every time gumagalaw ang braso niya.
BINABASA MO ANG
Rahi Lascivus
Teen FictionBarkada Series #1 Highest Ranks in Tags: #2 Lesbian #2 Confuse #2 Barkada #4 Lesbianstory #5 GxG #9 wlw #11 GL