Rahi
What irritates me today is that some of my schoolmates are surrounding me.
Noong una parang ayaw pa nilang lumapit sa'kin dahil sa rumors. But now that the latest chika erupted in Saint, mukhang nakuha ko ang atensiyon nila.
"Punyeta!" Sigaw ko ng makatuntong ako sa rooftop. Natawa naman si Luci at Xeah, habang si Yoj naman ay nagbabasa lang ng libro. It's already lunch time, at nandito kami sa rooftop to avoid our schoolmates. Naiwan nga kami ni Yoj kanina sa recess.
At isa pang nakakapagtataka ay hindi nagpakita si Marceline kanina. Usually she shows up during recess or lunch time. By this time siguro, hinahanap na niya ako.
Uy, hinahanap hanap si Dragona.
Manahimik! Hindi lang ako sanay. Mabuti na din 'to so that I could get back to my routine.
"Get used to it Rahi. Si Luci sanay na sanay na sa atensiyon." Sabi ni Xeah.
"Ibahin niyo ako. Ayoko ng ganito."
Busangot na sabi ko at naupo sa tabi ni Yoj. Kinuha ko ang librong binabasa niya which made her curse. Natawa nga kami kasi minsan lang itong magmura, pero lutong na lutong pa.
"Aba't potangina naman n'yan Rahi!"
"Wow tagalog!" Tukso ni Luci kay Yoj.
Binalik ko nalang sa kanya. Siguro seryoso na talaga 'yung part na binabasa niya. "Pahiram ako after mo ah." Sabi ko.
"Sure." Sabi nito na hindi man lang ako tinaponan ng tingin.
Bigla namang bumukas ang pinto at mabilis akong napalingon doon.
"Hi guys!" Sigaw ni Tasha, kasama niya ang mga rookies pati na din si Mel.
Nanghinayang naman ako kasi akala ko.
Akala mo si Marceline no? Hinahanap mo talaga eh.
Bweset na utak. Anduga kung sumagot.
"Uy uy uy anong mukha 'yan Rahi. Ibig sabihin totoo talaga ang chika?" Tanong ni Mel.
Naupo naman silang lahat malapit kina Luci at Xeah. May dala pa talagang mga pagkain.
"Hindi na ba talaga kayo? Ang lowkey ninyong dalawa ah, tapos malalaman lang namin na ganon na lang." Sabi pa ni Mel.
"H'wag niyo na muna pag-usapan 'yang relationship nila. Ngayon nandito tayong lahat, pag-usapan natin ang susunod na game." Sabi ni Xeah.
"Right." Sang-ayon ni Luci.
Sumeryoso naman kaming lahat.
"North Cross High. Hindi sila basta basta, nakita ko ang previous game nila. Magagaling sila." Sabi ni Seiya.
"So, ano? Training ulit tayo?" Tanong ni Lexi.
"We'll practice more plays. That's it, and study their moves." Sabi ni Yoj, sabay kaming napalingon sa kanya, she's still reading the book she's holding.
"Off topic muna, malapit na din ang CCF. Ano pala plano para sa club?"
Nagsitinginan kami kay Althea."Fudge! Malapit na pala 'yun." Sabat ni Xeah. Siya kasi ang namamahala pag dating sa Basketball club.
"May naisip ba kayong idea?" Tanong ko.
"Ako meron. Pero kailangan ko ang tulong ni Captain at Tasha dito." Biglang salita ni Luci.
"Oy ano 'yan?" Usisa ni Tasha. Alam kong walang dulot 'yang ideyang 'yan, kapag si Luci nag-isip mapupunta lang sa kabaliwan 'yan.
"H'wag niyo akong idamay d'yan." Sabi ni Yoj, still reading her book. Tumayo si Tasha at Luci at kinaladkad si Yoj palayo sa amin.
BINABASA MO ANG
Rahi Lascivus
Teen FictionBarkada Series #1 Highest Ranks in Tags: #2 Lesbian #2 Confuse #2 Barkada #4 Lesbianstory #5 GxG #9 wlw #11 GL