Chapter 25

5.4K 238 51
                                    

Rahi

"Okay na ba 'yang sugat mo?"

Napalingon ako kay Xeah, nasa training kami ngayon eh. Simula na kasi ng training namin.

"It's healing, but it'll be fine."

"Don't strain yourself Rahi."

Inakbayan naman ako ni Luci.

"Ayos lang ako. Still got my left hand."

"Just do the usual routine Rahi, avoid using your arms too much." Paalala ni Yoj.

Tumango naman ako bilang pag sang ayon.

"Napano ba kasi 'yang braso mo Rahi?" Tanong ni Tasha.

Pinaliwanag naman ni Xeah ang nangyari. Looks like nakuhanan ng video sa dashcam ng kotse ni Yoj ang pangyayari.
We went out that night, tapos inakyat pala namin 'yung gate nila Xeah. Nasagi ko 'yung isang matulis na bagay, nakita pa sa video na tawa pa kami ng tawa.

We just kept quiet about it, pati nga si Kinley pinaalalahanan namin na h'wag ipagsabi kahit kanino 'yung nangyari, kahit sa girlfriend niya pa.

Sumbongera pa naman 'yun, Luci's words not mine.

"Grabe kayo ha." Natawa naman si Mel sa nalaman.

Bigla namang pumito si Coach, indikasyon na magsisimula na ang training. But before we started, pinakilala muna nila ang mga bagong players namin.

Mga grade 8 to 10 ang pinipili ni Coach. Lahat sila matatangkad at well built. Athlete na athlete ang dating.

"These are your new members. Juniors, pakilala ninyo sarili ninyo."

"Yes Coach!"

Siniko pa ako ni Luci, nodding with approval. Napailing nalang ako. Ngumingiti kasi siya dahil na din may good looks ang mga bagong members.

"I'm Lexi Perez. Grade 8 student, pleasure to play with you."

Pakilala nang unang member. Matangkad, may short hair, shoulder length, maganda siya.

"Ako naman po si Althea Marcus. Grade 9 student."

Kung titingnang mabuti si Althea, para siyang model. Maarte sa katawan pero makikita mo din na alagang alaga din niya ang sarili. She's fit and she looked pretty too. 'Yung tipong hindi ka magsasawa na tingnan siya.

"May Marceline ka na hoy." Bulong ni Tasha sa'kin, dahil para batukan ko siya.

"Ako po si Seiya Felando, grade 9 student din. I'll do good para maging regular player."

"Naks! Mukhang may papalit na kay Rahi ah." Biro ni Luci.

Mas mabuti para hindi ako masyadong tamadin. But I'll bet hindi papayag team captain namin. Seiya is a morena girl, she's shorter compared to Xeah. I bet ito ang papalit kay Luci kapag graduate na kami.

"Hoy, mas mabuting si Tasha ang alisin sa first five no."

"What?!" Angal ni Tasha.

"Quiet." Isang salita lang ang lumabas sa bibig ni Yoj, tumahimik din agad ang mga kasama namin.

"I'm Kienna Neri. Grade 10."

"Woah!" Sabay sabay naming sabi. Napapalingon din kami kay Yoj at Kienna.

"Cap, tabi nga kayo nitong si Kienna." Wala namang imik na tumabi nga si Yoj.

Pinigilan pa ngang h'wag matawa ni Luci. Minsan si Yoj, uto uto din eh.

Rahi LascivusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon