Chapter 9

6.4K 293 56
                                    

Rahi

"Good morning Shu!" Bati ni Luci sa kapatid ko. It's Monday today, and balik aral na naman.

Si Luci naman nakatoka sa pagsundo namin, and himala kasi maaga siya.

"Good morning ate Luci!" Ngiting bati naman ng kapatid ko. "Sup!" Sabi ko at nag fist bump kami.

Agad naman nag drive si Luci patungo sa school ni Shu. And again, I reminded him the things he needs to do before he walked out of the car.

"Bye Kute, bye Ate Luci!" Sabi ni Shu when he was standing near the gate and waved at us. Pumasok naman agad siya.

"Hindi yata nakasabay si Xeah ngayon?" Tanong ko kay Luci.

"Hintayin na lang daw niya tayo sa parking lot." Tumango nalang ako. Si Yoj naman, dinaanan pa namin. We even saw her Mum.

"Good morning Tita!" Bati ko sa kanya, hindi na kami bumaba kasi palabas na naman si Yoj.

"Good morning ladies." Hinatid pa ni Tita Leslie si Yoj sa kotse, nag mano naman kami ni Luci. She just inserted her hand for us para mag bless. Bait niya talaga.

"Where's Xeah?" Tanong ni Tita.

"Nauna na po." Sagot ni Luci, tumango lang si Tita at bumaling kay Yoj.

"Yoj sweetie, have fun at school today." Tukso ni Tita sa anak. Natawa naman kami ni Luci.

"Mum, I'm not a kid anymore." Yoj boringly replied. Tita just pinched her cheeks, and kissed it.

"Sige na, humayo na kayo baka ma late kayo."

"Bye Tita!"

"Love you guys!"

Then, off we go. Ganon kami ka close sa mga parents ng mga kaibigan namin. Although, si Yoj lang yata ang mukhang bored palagi. Pero alam namin na mahal na mahal niya ang parents niya.

Close din sila kay Mama dati, noong nabubuhay pa ito. Kung gaano kami ka pasaway sa mga parents nila, tiklop naman kaming apat kay Mama. Hindi naman strict si Mama eh, she was funny and always goofing around. Pero kapag nang aalaska na, mas malupet pa.

Kapag nasasangkot nga kami sa kalokohan noon, sangkaterbang sermon ang matatanggap namin mula kay Mama. Times three, mula sa parents ng mga kaibigan ko. Those were the days. Namiss ko tuloy si Mama.

Pagkarating namin sa school, agad naman na i-park ni Luci ang kanyang '68 Camaro na color black sa katabi ng kotse ni Xeah. May parking spot talaga sila dito, perks of being rich kids.

Hindi naman kami nahirapang hanapin si Xeah, because she was standing not far from us. Ang ikinataka lang namin ay may kasama siyang lalaki. But from the looks of it, Xeah is getting annoyed.

"Sino 'yun?" Luci asked pertaining to the guy who's with Xeah right now.

"Hindi ko alam." Sagot ko.

"He's annoying Xeah." Sabi ni Yoj at agad kaming naglakad patungo sa direksyon ni Xeah.

"What seems to be the problem here?" Bungad ko. Nanlaki naman ang mga mata nilang dalawa pagkakita sa amin.

But Xeah heaved a sigh. 'Yung guy naman, parang naglilikot ang paningin at hindi diretsong makatingin sa amin.

"Pinopormahan yata si bunso." Komento ni Luci.

"Kung ako sa'yo pare, umalis ka na."

Hindi nakasagot ang lalaki, pati din si Xeah naiiling nalang.

"A-ah I was just about to go."

He stuttered. Perks of the fake rumors huh. Ito pala nagagawa 'nun? Naglakad na palayo ang lalaki, pero may sinabi si Yoj na ikinatigil niya.

Rahi LascivusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon