Chapter 37

4.9K 222 26
                                    

Rahi 

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Nandito ako ulit sa lugar na kinasusuklaman ko. My memories in this place were good but some of them are bad. This is where my Mama and I spent most of out time together. I missed her terribly. 

Naramdaman ko nalang na may yumakap sa akin. 

"Are you okay?" I glanced at my side and I smelled her familiar scent. A scent I will never forget. 

"Yeah. I'm fine." I felt her kiss my neck. 

Nandito kaming dalawa sa gazebo, hindi muna ako pumasok sa loob. I'll be just remembering all the suffocating memories. 

"I'm glad pinagbigyan mo si Lola." Hinarap ko si Kuya Luke, he just reached us here at the gazebo.

"I can't say no to my girlfriend." Sabi ko pa, dahilan para kurutin ako ni Marceline. Napaigtad ako at tiningnan siya, she glared at me. What? Siya naman ang sumagot kanina ah. So basically this is her fault.

Hindi mo naman siya pinigilan, gusto mo rin eh!

Well, half of it is gusto ko. The other half is just according to my plan. 

"Kahit na. Masaya ako na nandito ka. Kaming lahat actually." 

Tss. 

Hindi ko nalang siya pinansin, at naglakad papasok sa loob. I need to check Shu, hinayaan ko muna si Marceline sa gazebo kasama si Kuya. For what's it worth, I am still comfortable with Kuya Luke than the rest of the Lascivus family. 

I saw Shu playing with Rail dito sa living room. 

"Kute! Sali ka? Naglalaro kami ng Snake and Ladder."

I walked closer to them, "Hindi na, manonood nalang ako." Tsaka naupo sa couch.

"He's really cute. Did Tita Yvonne marry someone else?" Napatingin ako kay Rail. "She didn't." 

"O-oh. He is your brother right?" 

"He is Issa's son."

Napasinghap si Rail sa narinig. "R-really? Kaya pala the more I look at him, nagiging pamilyar siya." 

Hindi nalang ako umimik. Pinanood ko lang silang dalawa.

Not a minute later, Rohan emerged in the living room together with Renzo. His eldest son.

I met their gaze. Walang may planong bumawi ng tingin.

"I won! Kute I won against Ate Rail!" Napatingin ako sa kapatid ko na sobrang saya. Ngumiti ako sa kanya. "Congratulations, Shu." Sabi pa ni Rail.

Wala na sila Rohan at Renzo sa living room nang maiangat ko ang paningin ko. It was Sir Niño instead.

"Rahi, pinapatawag ka ni Señora Beatris."

Tumayo ako, at tiningnan si Shu.
"Shu kausapin ko lang si Señora, h'wag kang makulit ah."

"Opo." Sabi nito na hindi man lang tumitingin sa akin. Masyado siyang occupied sa paglalaro. Marceline came, and I told her where I was going. Nakipaglaro na muna siya kay Shu.

Sinundan ko si Sir Niño patungo sa study room ng Señora.
Pagkapasok namin ni Sir Niño, nakita kong naka upo ang Señora sa isa sa mga single couch. Si Rohan ay nakaupo sa swivel chair behind a desk.

Renzo on the other hand, is standing near the window.

Nakita ko din ang ibang kapatid ni Rohan. Si Sharron Lascivus-Cartillos, pangalawang  anak ni Señora.

Rahi LascivusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon