Chapter 4

7.2K 306 123
                                    


Marceline

"I want you to say sorry to her." Inip at inis na sabi ni Stacey. I just glared at her but she glared at me back. Ganyan siya lagi eh. Kung may taong kayang patiklupin ako, si Stacey 'yun. Malamang we've been together since we were young, tsaka she's the best friend type of cousin eh.

"Bakit ko naman gagawin 'yun?"

"Because she's the one that helped you, duh! Kung hindi dahil sa kanya, malamang baka napano ka na." Tukoy niya doon sa gabing nalasing ako sa restaurant ng Presty's.

Naalala ko naman ang gabing 'yun, when I was still sober. Nakita ko nga si Rahi doon, pati friends niya. May kasama silang bata, I find it cute 'nung hinalikan siya 'nung bata sa pisngi. Ang laki din ng ngiti ni Rahi noon.

Kilala ko naman siya at 'yung friends niya. Dahil na din sa rumors pero mas kilala ko sila dahil galing sa mga kilalang pamilya ang tatlo. At si Rahi, I know her kasi lagi ko siyang napapansin sa kanilang apat. I don't know why, but something's drawing my attention to her.

"Ayoko nga!" Sagot ko nalang sa pinsan ko. Two weeks have passed since then, pero ang buong student body ay mainit pa rin ang mata sa aming dalawa ni Lascivus.

Nang dahil lang sa bwiset na dalawang pictures. Sabi nga nila, a picture holds a thousand words. Eh dalawa 'yun edi two thousand na. Napasapo nalang ako sa noo ko.

"Why?! Dahil lang ba sa picture? Or there's something more?" Tukso ng pinsan ko.

"Does the pictures taking its toll on you at na-aattract kana sa kanya?"

Inirapan ko nalang siya.

"No. Ano bang pinagsasabi mo?"

"Kung sabagay, attractive naman si Rahi. Maganda at mabait, kaya lang tahimik." Komento pa ni Stacey.

"Kaya mag thank you ka at mag sorry sa mga inaakto mo these past weeks."

"Tsaka patigilin mo na din 'yung fans mo na nambubully doon sa babaeng nakatapon ng pagkain sa mesa natin."

Nagtataka akong nakatingin sakanya. Ano bang pinagsasabi nito?

"Huh?"

"Anong ha? Hakdog?!" Tingnan mo 'to nahawa na sa mga puchu puchu words sa kanto.

"Hindi mo ba alam?"

"Malamang hindi! Ano bang pinagsasabi mo?"

"The girl, what's her name again? Ah! Si Shannon, binubully siya ng mga fans mo. Hindi mo ba alam?"

Umiling ako. Pakialam ko sa mga fans na 'yun? Trying hard masyado. Tsaka ano 'to? Ang corny naman dahil lang sa reason natapon ang pagkain niya sa mesa namin ay binully agad? I admit nainis ako 'dun kasi ang tanga niya, pero 'di naman ako kasama para gumanti. Ang OA naman ng mga fans ko kuno.

"Eh paano mo nalaman na binully siya?"

"Noong day na lumabas ang ikalawang picture mo, together with Rahi."

Tsk! Pinaalala pa talaga!

"Tinapunan si Shannon ng tubig, tsaka si Rahi ang nakakita at niligtas niya ito sa mga die hard fans mo! Ayon, pinahiram niya ito ng damit niya. Suot pa nga daw ni Shannon ang jersey ni Rahi eh."

"So, narinig mo lang pala?"

"Hindi, sinabi sakin. Naki chismax ako."

Napa eye roll nalang ako, kahit kailan talaga napaka chikadora nitong pinsan ko.

"Kaya first thing in the morning tomorrow, tell your fans to stop na. Baka magkagulo, lalo na't naging kaibigan na ni Rahi si Shannon." Sabi ni Stacey at bumalik na sa pag atupag sa kanyang cellphone. Ano kayang pinagkakaabalahan nito?

Rahi LascivusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon